Chapter 8

2389 Words
Daneliya can't bear to watch it. Nang pindutin niya ang back ay nakita niyang tuluyan ng nag-load ang mga thumbnail ng mga nakalagay na video roon pati pictures and she was beyond shocked. Lahat 'yon ay s****l photo and videos. Para siyang maduduwal sa pandidiri. Agad naipon ang luha sa mga mata niya dahilan para manlabo ang kaniyang paningin. Sa thumbnails pa lang na nakikita niya ay kitang-kita niya naroon si Evans sa lahat ng 'yon. "You cheater," she whispered painfully. Hindi niya magawang panoorin at tignan ang mga 'yon but she did her best to download all of it. Baka kasi biglang tanggalin ng naglagay roon ang mga picture at video, mawawalan siya ng ebidensya. All night, she cried because of broken heart. She feels so betrayed and disgusted. At based sa nakita niyang video kanina, foreigner ang kasama ni Evans sa video. Siguradong habang nasa America ito ay gano'n ang pinagkakaabalahan nito. While she's in the Philippines, loving him loyally and faithfully, Evans was messing around, or the better word is fcking around. Ang daming nanligaw sa kaniya. Ang daming nagparamdam sa kaniya pero ni isa, wala siyang pinagbigyan o tinignan man lang. Dahil tapat at kontento siya sa kung ano ang meron sila ni Evans. And she would never dare to ruin it because their relationship is precious to her. Pero ang kasintahan pala niya, ayon at nagloloko. Pagdating ng umaga ay para siyang lantang gulay pero kailangan pa rin niyang pumasok. Buti na lang, last day na 'yon sa week na 'yon magre-rest day na siya. She had little to no sleep. Maga ang mga mata niya at halos wala siyang energy. "Ate, okay ka lang ba?" tanong sa kaniya ng bunso nilang kapatid na si Dane. Sumulyap sa kaniya ang mama niya at umismid, malamang ay inisip na nag-inarte na naman siya. Si Daniella naman ay walang pakialam. Nginitian niya ang kapatid. "Oo, Dane. Don't worry. Nakagat lang yata ng insekto ang mga mata ko," dahilan niya. Natagalan siya sa pag-make up. Ang usual niya kasing simpleng make-up ay medyo nagbago dahil gusto niya bawasan ang pamamaga ng mga mata. She wants it to be not obvious pero kahit anong effort niya, halata talagang magdamag siyang umiyak. No choice siya. Pagdating niya sa hotel ay dumiretso siya sa locker room. Sinalubong siya ng nakangiti niyang mga kaibigan na agad napawi nang matitigan ang mukha niya. "Ano'ng nangyari?" tanong agad ni Edith. "Umiyak ka magdamag, 'no?" saad naman ni Lindy. She just nodded and forced a smile. Natahimik ang dalawa. Hindi na siya pinilit ng mga ito na magkwento but they were watching her all throughout the first half of their shift. Nang lunch time ay roon na siya kinulit ng mga 'to. "What happened?" sabay na tanong ng dalawa. Napatikhim si Edith. "Pero kung ayaw mo sabihin muna, okay lang." Napanguso si Lindy. "Oo nga. Take your time." Daneliya sighed. Nagsimula na silang kumain at naging tahimik silang tatlo. Pagkatapos kumain ay doon siya nagsimula. "Evans cheated on me. Not just once, but several times." Nanlaki ang mga mata ng dalawa. Daneliya pursed her lips and sighed. "What? How? I mean, paano mo nalaman? Girl, oh my gosh!" ani Edith, halata rito ang 'di makapaniwala sa narinig. Napailing si Lindy. "Kaya iba talaga kutob natin, eh. Mahirap talaga maging loyal lalo na pag-LDR tapos ang lawak ng mundo niya sa America." Ngumiwi si Edith. "Girl, baka nakalimutan mo, itong kaibigan natin dito, loyal sa kaniya sobra habang LDR sila. Ang daming mga customer natin ang nag-damoves diyan. 'Yung iba, businessman pa na nag-stay rito sa hotel! Kaya walang hirap-hirap do'n! Sadyang makati si Evans." "Kalma, okay?" Daneliya said to her friends saka napalinga. "Ang lakas ng boses niyo," dagdag niya. Napapatingin na ang iba sa pwesto nila. "Mas OA pa tayo sa biktima ni Evans pero kasi, gigil much ako!" ani Edith. Tumango si Lindy. "Sobrang kagigil. Kala mo kung sinong anghel na pa-charming tapos manloloko naman pala!" Daneliya sighed. Siya rin naman, hindi niya akalain. Evans made her feel that she's the only one. Na totoong mahal siya nito, na never magkakaroon ng iba but then, hindi pala gano'n. Those pictures and videos are the evidence. Ni hindi niya matignan dahil diring-diri siya. "So paano mo nalaman?" curious na tanong ni Edith. "May nag-text sa akin, hiningi email address ko para daw mag-send siya ng proof na may something si Evans. Then after that, nag-send nga sa akin ng link patungo sa isang drive. Puno ng s*x videos and pictures." Napamura ang dalawa habang nanlalaki ang mga mata. Then they all went close to her to hug her tightly. Hinaplos-haplos pa ang likod niya para i-comfort siya. She smiled bitterly. "Tapos na ako umiyak tungkol do'n, guys. Okay na ako," mahina niyang saad. "Girl, it will hit you again and again, anytime. At palagi 'yang masakit kahit pa mag-heal ka na. I've been there," ani Lindy saka bumuntong-hininga. Tumango si Edith. "Ako rin, kaya alam ko ang sakit. Kahit sa next relationship mo, madadala mo ang sakit at trauma niyan." Napahampas si Lindy kay Edith. "Next relationship agad? Hiwalay na ba kayo, Daneliya?" Umiling si Daneliya. "Hindi pa. Hindi ko pa siya na-confront tungkol dito." Tumango si Lindy. "Kung may nag-text sayo, ibig sabihin, alam na may gf si Evans. Ano'ng number?" "Nasa cp ko lang. Pero foreign number, galing sa ibang bansa. When I checked it online, sa America ang gano'ng number." "Surely, isa 'yan sa naka-hookup niya. Either gusto talaga kayo sirain na or gusto niya lang malaman mo!" Tumango si Lindy. "Pero sure kang si Evans? Alam mo ba may mga site na ngayon na pwede i-edit ang mukha?" Daneliya sighed. "It's really him. Even his voice. Kahit saglit ko lang nakita ang video, sure akong mukha niya 'yon at hindi edit dahil consistent ang quality at pixels." Napailing-iling ang mga kaibigan niya at natahimik silang tatlo. Maya-maya ay binasag ni Lindy ang katahimikan. "What's your plan now?" Daneliya smiled bitterly. "Confront him, break up with him... The rest, hindi ko pa alam." Edith smiled at her. "You're strong para isipin na makipaghiwalay talaga sa kaniya." Her smile turned sad. "He knows noon pa. This is my non-negotiable. If he cheats, I'll be gone from him. Tapos kami. But he still did it so it means, he's ready to lose me," she said. Lindy stared at her. "Hindi ka ba nanghihinayang?" "Siya ba nanghinayang?" ani Daneliya saka umiling. Biglang may nag-ring na phone. Tumayo si Lindy at humakbang kaunti para sagutin ang tawag. Kinausap muna ni Edith si Daneliya habang may kausap ang isa nilang kaibigan. Maya-maya ay bumalik na ito at mukhang super excited ang expression. "OMG! Kahit papaano, good news ito to make your heart happy, girl!" halos patili na sinabi ni Lindy. "What? Ano'ng meron?" ani Edith. "Last night, Daneliya chatted with me if pwede ko pa siya i-refer kay Uncle and of course I did and I sent some of Daneliya's pictures to him and guess what?" excited na excited nitong sinabi. Nanlaki ang mga mata ni Daneliya. "W-what?" "My Uncle wants to see you! Sakto, may kaibigan itong magkakaroon ng fashion show next month and nababagay ka raw do'n and ang dami niyang alam na upcoming project where you suit!" Nakaramdam nang labis na saya si Daneliya. "Really?" she said with a hopeful voice. Si Edith ay napatakip sa bibig at halos mapapadyak sa tuwa. "This is your breakthrough na! Sakto, you're going through something!" Halos mabali ang leeg ni Lindy sa pagtango sa sobrang saya. "And pupunta tayo bukas sa kaniya dala na ang documents mo, okay? Siya na ang mag-picture sayo para makuhaan ka nang maayos para laban na laban talaga! My uncle is super amazed sa face card mo, girl!" Napangiti si Daneliya. Atleast may magandang bagay agad ang posibleng mangyari sa kaniya. "Bukas? Morning?" tanong niya. "Go, sasama ako ha!" ani Edith. "Then kain na rin tayo sa labas tutal, sahod later!" Napapalakpak si Lindy. "Yes! I'm so excited for tomorrow na agad!" When her shift ended, nakahinga siya nang maluwag dahil walang Evans na nangulit sa kaniya. Sa texts and calls, meron. Puro ito pangungulit bakit hindi siya nagpaparamdam simula kagabi pa. Nagsabi rin na may business trip ito but she can't help but to think na nambababae lang ito. Napagpasyahan na rin ni Daneliya na as soon as magkita sila, iko-confront niya na ito at makikipag-break na siya. It might seem like she's strong because of her decision but deep inside, she's really hurt. All those years, iniisip niya na si Evans ang mapapangasawa niya sa tamang panahon but then, their relationship has to end because of his cheating. In a blink of an eye, a big part of her life is gone. Kinabukasan ay sama-sama nga silang pumunta sa studio ng uncle ni Lindy. He let them call him Tito Nem. Nagpasa siya ng mga kailangan nitong documents para sa background information niya. And ito rin ang kumuha ng pictures niya para sa kaniyang portfolio. Binigyan din siya nito ng copy para may maipasa siya in case na may ibang mag-offer sa kaniya. "I really like your face, Daneliya. It's goddess-like. Very timely na nirefer ka sa akin ni Lindy dahil ang daming projects na ganiyang kind of face ang hinahanap," ani Tito Nem habang nakatitig sa camera nito at tinitignan ang mga kuha sa kaniya. Daneliya smiled shyly. "Thank you so much po. I heard a lot of things about you from Lindy kaya it's such an honor to hear a compliment from you knowing your sucess in the industry." Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at napangiti. "Anyway, I'll send copies to my friends. More likely, makakareceive tayo ng iilang result today and let's hope that it's all positive, 'no?" he said. She smiled and nodded. "Yes, I'll pray for that, Tito Nems," aniya. After no'n ay naglakad-lakad silang tatlo sa mall at kumain na rin. Tinanggihan man niya pero nag-insist ang dalawa na i-treat siya dahil nga heartbroken siya at dahil na rin may magandang mangyayari sa career niya. "Deserve mo 'to, girl! Mga kaedaran mo, enjoy na enjoy sa life nila at nabibili ang mga gusto nila tapos ikaw ayan, breadwinner sa pamilya, niloko pa ng jowa!" sabi ni Edith na agad hinampas ni Lindy. "Ipapaalala mo pa talaga! Happy lang muna tayo, pwede ba?" saad ng isa. Natawa si Daneliya saka tinignan ang dalawa. "Pero sobrang thank you sa inyong dalawa. Ang dami kong problema pero nalalampasan ko 'yon literally dahil sa tulong niyo. Parang ate ko talaga kayo," aniya. Matanda sa kaniya ng ilang taon ang dalawa. And she's so happy to find both sisters and good friends in them. "O-oh my gosh!" mahinang tili ni Lindy at inalog silang dalawa. "Ano ba?" ani Edith. "Look!" Sabay napatingin si Edith at Daneliya sa pasimpleng tinuro ng kaibigan nila. "Ang hot naman ng Fafa na 'yan!" saad nito habang nakatingin sa naglalakad na lalake. Sa dami ng naglalakad sa mall ay madaling maagaw ang atensyon ng kahit sino. In the middle of the crowd, a tall man wearing a tight black shirt and jeans with a godly physique, is walking nonchalantly. Napakurap si Daneliya. "Si Sir Garett..." aniya. Sabay napalingon sa kaniya ang dalawa. "Who!? Sino?" "Sir what?" Tinignan niya ang dalawa. "That's Sir Garett. Ex-boyfriend ni Madam Priscilla, ex stepfather ni Evans..." Napamura ang dalawa, nanlalaki ang mata sa pagkabigla, hindi makapaniwala sa sinabi niya. "You mean, 'yan 'yung niloko ni Priscilla Alejandro? What the fck, sa gwapo niyang 'yon? And his body is to die for!" komento ni Lindy. Napailing si Edith. "Baliw pala talaga ang mag-ina na 'yan, both are cheater and tignan mo ang pareho nilang biktima, mala-diyos ang hitsura na lalake, Garett Adamson and ang diyosa nating kaibigan, Daneliya Mallory!" Daneliya pursed her lips sa exaggeration sa pag-describe sa kaniya. Kay Sir Garett, pwede pa pero pag 'yung sa kaniya, ang weird makareceive ng gano'ng praise mula sa kaibigan niya. Tinitigan siya ni Lindy saka sinundot siya sa bewang. "What if kayo pala, girl? OMG!" Doon nanlaki ang mga mata ni Daneliya at agad umiling. "No way, Lindy. Huwag ka nga mag-isip ng ganiyan!" Humagikhik ito. Si Edith ay napatawa na rin sa naiisip na kalokohan ng kaibigan nila. Daneliya just shook her head at iniba na lang ang topic. Nag-window shopping lang sila habang palakad-lakad sa mall matapos kumain. Maya-maya ay nakatanggap si Lindy ng message mula sa uncle nito kaya bumalik sila do'n. The three of them are all excited, positive that they are going to hear good news. Pagdating nila roon ay natahimik sila nang makita ang seryosong mukha ni Tito Nems. "Daneliya, nagkaroon ka na ba ng contract about modelling?" tanong nito. Napakurap siya saka umiling. "No po. Not yet, Tito Nems." Tumango ang lalake. "It's weird..." Kumunot ang noo ni Lindy. "Bakit Uncle? May problema ba?" Tumango si Tito Nems. "Pagpasa ko sa mga friends ko ng portfolio ni Daneliya, I was so positive na they will get her dahil nakita ko na nagustuhan nila siya. But after they did a quick background checking, they disapproved her." Tila bumagsak ang puso ni Daneliya sa narinig. "P-po? Dahil po ba wala akong experience?" Umiling ang lalake. "No, hija. It's because they found that you're blacklisted to almost all company here in the Philippines, pati na rin sa modeling industry." Napatayo si Daneliya at nanlaki ang mga mata. "What? Paanong nangyari 'yon?" She remembered all the rejection she received when she was applying for a job. Tila dinurog ang puso niya pero higit do'n, she's eager to know the answer why she's on the blacklist. "Someone put your name on the blacklist. And all I know that it's someone who has Alejandro on their name but surely, powerful ang taong ito para magawa niya 'yon." For a second, her mind went blank. Sunod ay pumasok lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya. Mga pisikal at verbal na pananakit na natanggap niya mula kay Priscilla, mga paghihirap niya na mag-apply sa trabaho, ang paghihirap ng pamilya niya dahil kinailangan niya mag-settle sa trabaho na mababa ang sahod kahit kaya niyang humanap ng high-paying job, ang natanggap niyang sama ng loob sa pamilya niya, and Evans cheating on her. And now, one thing is in her mind. Revenge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD