Nakangiti siyang tumango habang naaalala ang bata. Naaalala niya na ang gaan gaan ng loob niya kay Yohan. Ang bait pa no'n at mature for his age. "Yes. And I like him so much. He's very polite and well-behaved. If you see him, makikita mo ang sinasabi namin ni Nella. Para ka sigurong nakatingin sa younger version mo," aniya habang ngiting-ngiti. Nanatiling seryoso ang mukha ni Garett kapagkuwan ay natulala. Napawi ang ngiti ni Daneliya nang mapansin na mukhang may malalim itong iniisip. Yumakap dito si Nella at gusto ulit makipaglaro. Garett tried to play with her again pero mukhang may iniisip talaga ito. Maya-maya ay binuhat na nito si Nella at pinatulog sa may dibdib niya habang nakatayo. He was caressing her back softly. Pinagmasdan niya ang mag-ama. Daneliya smiled. Fatherhoo

