Mas gumaan na ang pakiramdam ni Daneliya sa kaisipan na sigurado na siyang wala ng bahid ng kasinungalingan ang pagkatao ng anak niya. Mas nakakahinga na siya nang maluwag. Pinanood niya ang pagkukulitan ng mag-ama niya. Tila hinahaplos ang puso niya. Kakayanin niya na talagang makawala nang tuluyan sa nakaraan niya kay Anthony dahil wala pala talaga silang koneksyon do'n. She's now free from him. At last. Wala na itong hawak sa kaniya. Mismong araw din na 'yon ay nagpaalam si Garett na aalis dahil makikipag-usap ito sa kaniyang attorney para maasikaso na ang birth certificate ni Nella. Lumapit ito sa kaniya bago umalis. "Would it be petty if I want to change her first name, too?" Seryosong tanong ni Garett sa kaniya. Napakurap si Daneliya. Sabagay, may kinalaman 'yon sa pangalan

