Matagal sila magkatitigan. Daneliya can't believe it. So he's ready to accept her child if ever na hindi talaga ito sa kaniya? Naisip niya si Anthony. Gano'n din naman ito. Kung kay Garett talaga na anak si Nella, ibig sabihin ay tinanggap din nito ang bata nang walang pagdadalawang isip. Ngunit ang pagkakaiba ng sitwasyon, Daneliya cheated on Garett with Anthony. At sa kabila no'n, willing pa rin siyang tanggapin ang bata kung sakaling bunga ito ng pagtataksil niya. "Garett, hindi mo alam ang sinasabi mo..." mahina niyang sinabi. He clenched his saw. "I clearly know what I am saying, Mallory." Napayuko siya ngunit agad hinawakan ni Garett ang baba niya at inangat 'yon para magkatitigan sila mula. "When I say that I want you, I mean it. I want you in my life again. I never stoppe

