Tinignan niya ang phone ni Garett. Ano naman ang gagawin niya roon? Bakit pinahawak pa sa kaniya? Paano kung may work related na tumawag o mag-text dito? Hahagilapin niya pa ito para ibigay ang phone? Dinala ni Garett si Nella sa inaayos na magiging playroom nito. Kasama nila si Dane. Nang nakaakyat na 'to habang buhat ang bata ay dumikit sa kaniya si Daniella kapagkuwan ay siniko siya. "Nag-usap na ba kayo ni Kuya Garett?" Nakikiusyuso na bulong nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "Oo. Nag-usap naman na kami." Daniella's eyes widened. "Tungkol sa relasyon niyo?" Kumunot ang noo ni Daneliya at agad umiling. "Ano'ng relasyon? Wala. Wala kaming pinag-usapan tungkol do'n. Wala naman na kaming dapat pag-usapan do'n, Daniella. Matagal ng tapos 'yon," paliwanag niya sa kapatid. "Pero u

