Nagising na naman siya na wala sa tabi niya ang anak niya. Napaupo siya sa kama at agad sinulyapan ang digital clock sa may bedside cabinet. Her eyes widened when she realized that it is almost 10 in the morning. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa bathroom para maligo at mag-asikaso. For almost four years since she woke up from comatose state, ngayon na lang siya tinanghali ng gising nang ganito. Sanay siyang maaga nagigising dahil nga kailangan pa niya asikasuhin ang breakfast nila lalo na at may trabaho pa si Anthony. "Shît! What happened to me?" bulong niya sa sarili habang nagtatanggal ng damit. Binuksan niya ang shower at hinayaan na dumikit sa katawan niya ang maligamgam na tubig. She washed herself swiftly. Ang lala ng tulog niya. Masyado pang malalim. Mukhang bumawi talaga a

