Ang bilis lang no'n. Kinuhaan ng sample si Nella at Garett sa pamamagitan ng pag-swab sa loob ng bibig nila. Sabi ng kumuha, dalawa hanggang tatlong araw daw ang kailangan hintayin bago makuha ang resulta ng DNA test. "Para saan 'yon, Mama?" takhang tanong ni Antonella. Naiwan sila sa loob at si Garett naman ay hinatid sa may labas ang kumuha ng sample. She smiled at her daughter. "Para sa isang test, anak." Lumabi ito ngunit hindi na nagsalita pa. Pagdating ni Garett ay may bago na naman itong kasama. Babae 'yon kaya napatuwid ng tayo si Daneliya. She noticed how fashionable the lady was. "Oh, that's them!" Tila excited na saad nito nang makita sila. She forced a smile. Si Antonella naman ay kinawayan ang babae. "Hi po!" "Tish, this is Daneliya Mallory," pagpapakilala ni

