Akala mo ay nakakita ng multo ang lalake sa harap niya nang makita na siya ang nagbukas ng pinto para dito. He looked at her from head to toe. "What are you doing here?" His manly voice filled her ear. Hindi naman nagpatalo si Daneliya saka ito tinignan din mula ulo hanggang paa. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito sa bahay namin?" Masungit niyang tanong. It is really Garett Adamson. The same man she met at the resort back in Ilocos. The tall, hot, and drop dead gorgeous man owning a cold pair of gray eyes. "T-teka, Ate!" ani Dane at hinila siya paalis sa may pinto. Nang harapin niya ang mga kapatid niya ay lito ang mga mukha nito. "Akala ko ba wala kang maalala?" pabulong na tanong ni Daniella. "Wala nga!" sagot niya saka sinulyapan si Garett

