She smiled at them and glanced at Antonella. "Daniella, Dane, this is my daughter. Your niece. Her name is Antonella Emory," masaya niyang pagpapakilala sa mga ito. "Nella, this is your Tita and Tito. Tita Daniella and Tito Dane. Say hi, my love," dagdag niya pa. Nagtitigan ang tatlo, si Dane at Daniella ay hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa bata. "Hi po Tita and Tito," ani Antonella at kinawayan pa ang dalawa. Napakurap si Daniella saka napasapo sa noo kapagkuwan ay lumapit si Dane at inilahad ang mga kamay sa harap ng bata. "Ako na ang magbuhat sayo para hindi na mabigatan ang Mama mo," nakangiti nitong sinabi kay Nella. Her kid looked at her, making sure that it was okay. Nakangiti niyang tinanguan si Antonella saka niya maingat na ipinasa kay Dane ang bata. Nang mabita

