“KEIFER” SLEEP OVER! Wow! How exciting… Brrr. Sinong lalaki ba ang mag-e-enjoy sa isang sleep over? Wala, siyempre. Except me. Dahil kasama ko sa sleep over na ito si Aeone! Ang ganda-ganda niya talaga kahit walang make up. Tulad ngayon, pajamas lang suot niya pero ang ganda niya pa rin sa paningin ko. Nasa room na nila ako kasama sila. Kumakain kami ng french fries na binili namin kanina sa isang fast food. Nasa harap kami ng maliit nilang TV at nanonood ng isang romantic movie. English… Hindi ko alam ang title dahil hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin. Eh, paano ko naman kasi mapapansin, panay ang sulyap ko kay Aeone. Hindi talaga ako makapaniwala na after eight years ay nagkita ulit kami. At lumaki siyang napakagandang babae. Sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na ang movie na

