“KEIFER” MASAYA ako nang pumasok ako sa Prisitine Academy ng araw na iyon. Hanggang ngayon kasi ay naaalala ko pa rin iyong stolen kiss ko kay Aeone. Kahit tulog siya noon at wala siyang alam, okey lang sa akin. Minsan nga ay ako na ang mag-aaya sa kanila para mag-sleep over. He he… Medyo maaga pa kaya konti pa lang ang estudyante na nasa classroom namin. Wala pa rin sina Aeone at Chloe. Si Olive naman ay naliligo pa nang umalis ako. Excited lang talaga akong pumasok dahil kay Aeone. Umupo na ako sa seat ko. Hindi pa man ako nagtatagal sa pagkakaupo nang isang lalaki ang lumapit sa akin. Pamilyar ang mukha niya. Sa pagkakaalam ko ay kaklase namin siya. “Hi. Ikaw si Keira, right?” sabi ng lalaki sa akin. “Ako nga. Bakit?” tanong ko naman. “May nagpapabigay kasi nito sa’yo…” Mula sa li

