bc

The Mafia's Downfall

book_age18+
98
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
badboy
mafia
kicking
mystery
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

Sa mundong punong-puno ng kasinungalingan at kasamaan ay may nagbabadyang mabuong pag-iibigan.Si Rebecca Imperial ang babaeng naghahanap ng hustisya para sa kanyang napatay na ama. At sa kanyang pagsasaliksik at pag-iimbestiga ay nakilala niya si Tyron Rodriguez, isang arogante at mayamang negosyanteng punong-puno ng kayabangan sa katawan. Hindi ito nangiming magpakita sa kanya ng interes kahit ilang beses na niya itong sinupalpal. Subalit sadyang mapagbiro ang tadhana sapagkat hindi niya inaasahang si Tyron pala ang magiging susi para matagpuan niya ang kanyang hinahanap. Maiiwasan kaya niyang mahulog ang loob sa binatang sadyang napaka misteryoso ng pagkatao o mas uunahin pa rin niya ang kanyang misyon?Paano magiging ganap ang pag-iibigan ng dalawang taong salungat ang paniniwala sa buhay?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"My gosh, Becca bilisan mo parating si sir Tuzon!" Mahinang tawag sa akin ni Sylvia ang kasamahan kong baguhan ding NBI undercover habang madali kong inaayos ang cabinet na binuksan ko. We are currently sneaking out at our deputy director's private office para kumuha ng copy about the new case na hawak ngayon ng aming ahensya. It is very confidential and alarming at the same time dahil sa hindi birong bilang ng mga nawawalang tao na pawang nalulong sa online sabong ang involve. Kamakailan lang ay nagkaroon ng sunod-sunod na report sa aming tanggapan ang mga pamilya ng biktima na kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad. Our agency is getting more information about the alleged murdering issues to those missing people at ang hinala ng mga nasa itaas na opisyal ay may kinalaman ang pagkalulong ng mga ito sa uso ngayong online gambling na talamak na pinamumunuhan ng isang makapangyarihang Mafia syndicate. Marami na ring naglabasang mga assumptions na kesyo pinatay na raw ang mga nawawala at inilibing sa mass grave pero hangga't walang nakikitang katawan ang mga pulis ay hindi sila magbibigay ng pahayag kaugnay sa kaso. Madali kong nilikom ang mga files na nakalap ko sa mismong drawer ng Deputy director naming si Mr. Hanz Tuzon at inilagay sa dala kong backpack and hurriedly goes out of his office. "Nakuha ko na Sylvia, halika na. Teka sure ka bang pinatay mo lahat ng mga cctv sa area na ito?" Ang naniniguro kong tanong sa kanya. Inutusan ko kasi siyang pumunta sa may IT department para pansamantalang iblock-out ang mga cctv sa paligid ng office ni sir Hanz para makuha namin ang mga information at documents kaugnay sa kaso ng isang hinihinalang Mafia boss ng Pilipinas. I was very disappointed nang hindi ako nakasama sa team na siyang naatasang mag-iimbestiga sa naturang kaso sapagkat may malalim akong dahilan kaya gusto kong malaman kung sino ang lider ng mga nag-ooperate sa illegal na online sabong. And that may lead to answer all the questions kung saan dinadala ang mga ito, kaya ngayon ay para akong spy na sumasalisi para lamang makakuha ng lead. "Yes, binola-bola ko pa si Chris para sandali siyang umalis sa p'westo niya at mapatay ko ang cctv monitor dito." Sagot ni Sylvia habang madali na kaming naglalakad patungo sa sasakyan ko. "Thanks Sylvia, I really owe you big time." Sambit ko sabay tapik sa balikat niya. "Bakit ba kasi atat na atat ka sa kasong iyan eh hindi naman tayo kasama sa investigation team?" Maya-maya ay nagtataka niyang tanong. "Basta, may dahilan kaya gusto kong makasali sa team na maghahanap sa Mafia boss na iyon."Wika kong napapatiim ang tingin sa kawalan ng maalala ang rason kung bakit may nararamdaman akong poot sa mga lider ng sindikato. "Oh, siya sige na umalis ka na at ng mabasa mo na lahat ng mga ninakaw nating files."She said saka nagpaalam na para umuwi na rin. It was already 9 pm at sadyang nagpaiwan kami kanina para lang makakuha ng kopya sa report tungkol sa kaso. Pagkaalis ni Sylvia ay agad na akong pumasok sa loob ng kotse ko at madaling binuksan ang aking backpack para mapasadahan ko na ng basa ang mga documents na lahat ay patago kong kinuha. 's**t sinasabi ko na nga ba.' I told myself when I read a report kaugnay sa lahat ng mga underground activities sa mga naturang mafia syndicate. Dali-dali kong inayos sa pagkaka-file ang mga dokumento and drove my car away from the NBI building. Kailangang makagawa ako ng paraan para makasali sa team na aatasan ng aming deputy director, at may naisip na akong isang taong maari kong lapitan para siya mismo ang mag-recommend sa akin to join the investigating team task force na siyang hahawak sa kaso ng mga nawawalang sabungero. I drove all the way to Bulacan para lamang personal na kausapin ang matalik na kaibigan noon ng daddy kong si Ramon Imperial. My dad used to be working in the same field and a member of the task force Alpha na naatasan para dakpin noon ang notorious na Syndicate leader at naglingkod din siya sa PNP bilang isang Sarhento. Nasa anti-illegal gambling unit ang daddy ko noon kasama si ninong Hubert ang taong gusto kong kausapin ngayon. Subalit nagkaroon ng malagim na engkwentro between the authorities na kinabibilangan ng daddy ko at ang grupo ng sindikatong nasa underground business at pinamumunuan ng Local Mafia syndicate leader na hanggang ngayon ay hindi ko pa kilala kung sino. Sila ang mga pumatay kay daddy kaya naman ganoon na lamang ang kagustuhan kong mapabilang sa Investigating unit ng NBI para mabalikan ko ang taong kumitil sa buhay ng aking pinakamamahal na ama. My name is Rebecca Imperial, 28 years of age at nagtapos ako sa kursong BS in Psychology but I decided to do the police training after I graduated and soon applied to work in National Bureau of Investigation para sa kagustuhan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay noon ng daddy kong si Ramon Imperial and that happens 10 years ago pero hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa nadadakip ang mailap pa sa palos na Mafia boss na iyon kaya naman ako na mismo ang kikilos para mailagay sa malamig na kulungan ang walang konsensyang nilalang. I know na may kinalaman ang grupo ng taong iyon sa mga nawawalang mga sugarol sapagkat ang linya ng negosyo nito ay ang illegal na sugal at smuggling. While on my way ay naalala kong tawagan ang mommy ko dahil tiyak na nag-aalala na sila sa akin. She is based now in the US kasama ng nakatatanda kong kapatid ang aming bunso na isa na ring nurse sa America. My sister petition them noong makapangasawa ito ng puti at magkaroon ng sariling bahay at negosyo. My elder sister name is Joan at ang bunso naman namin ay si Brenna at lahat nga kami ay pawang mga babae. Ako ang nagmana sa tapang ng daddy namin at kahit abot hanggang langit noon ang tutol ni mommy na pumasok ako sa NBI ay ipinilit ko pa rin because of my promise on my dad's grave na hahanapin ko ang taong pumatay sa kanya sa kahit na anong paraan. And so here I am eager and very much determined to crushed that person into pieces. I heard my mom's phone ringing kaya saglit akong naghintay for her to pick it up and after a few moment ay sinagot na nito iyon and I heard her endless sermon again. "Hello Becca anak-- Bakit ngayon mo lang ako tinawagan ha? Where are you again this time?" Agad na ratsada nito na dahilan para ilayo ko ng kaunti ang cellphone sa aking tainga. "Mom easy lang, I'm on my way home na. Can I just call you kapag nasa house na ako, I'm driving." Agad kong pagsisinungaling dahil alam ko namang kokontrahin niya kapag binanggit ko ang balak kong gawin. She might as well get a heart attack kapag nalaman niyang gusto kong mapabilang sa isang kasong may kaugnayan sa taong pumaslang kay daddy at ayoko iyong mangyari kaya naman talagang inilihim ko sa kanya pati na rin ang traning na ginawa ko para makapasok sa naturang ahensya. "Mag-videocall ka agad anak kapag nakarating ka na sa bahay okay and please always take good care of yourself, ikaw lang lagi ang nasa isip ko Becca kung bakit naman kasi ayaw mong sumunod na lang sa amin dito ng mga kapatid mo." Anito na nagsimula na namang maging emosyonal. Matagal na niya akong niyayakag na mag-apply na lamang daw ng trabaho doon para magkakasama-sama na kaming lahat but I hardly refuse beacause I don't want to live in the US. Una ay dahil sa mas gusto ko dito sa Pilipinas lalo ang weather, Pangalawa ay dahil hindi ko naman talaga pinangarap ang tumira sa ibang bansa at Pangatlo ay ayaw kong basta na lamang sukuan ang kaso ni daddy without seeing that bastard in the jail. The man I've been looking for is a very dangerous man kaya kailangang mawakasan na ang kanilang kasamaan para sa ganoon ay wala ng inosenteng nadadamay. I move my head sideward at tinapos na ang usapan namin ni mommy. "Okay mom, but if I can't call back that means tulog na ako, I'm really tired today. Bye mom." Sambit ko na nagtahi ng alibi and then I pressed the end call button. I focused my attention sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ako sa Bucaue, Bulacan kung nasaan ang tirahan ni ninong Hubert Bustamante ang kasamahan noon ni dad sa trabaho na siyang nagrekomenda rin sa akin sa tanggapan ni sir Hanz Tuzon. Pagkarating ko sa tapat ng kanilang bahay ay humugot muna ako ng malalim na paghinga dahil may possibility na hindi siya sasang-ayon sa gusto kong mangyari. He knows very well how dangerous that syndicate were, at sinabihan na niya ako noon na laging mag-iingat dahil sadyang mapanganib ang gusto kong suungin. Pinindot ko ang doorbell at ilang saglit pa nga ay may kasambahay nang nagbukas ng gate at pinapasok ako kaagad dahil kilala na ako sa bahay nila. Nadatnan ko si ninong Hubert sa sala kasama ang may-bahay nitong si ninang Myra. "Good evening po ninong at ninang." Malugod kong pagbati sa kanilang mag-asawa na awtomatiko naman akong nginitian. "Iha, halika rito. Napadalaw ka at hindi ka man lang nagsabi earlier." Halatang nagulat ang reaksyon ni ninong nang makita ako. Kimi akong nangiti at lumapit sa kanila para mag-mano. "Kawaan ka ng Diyos anak." Ani ninang Myra na may maamo talagang mukha. "Ah--eh k-kasi po m-may gusto sana akong sabihin sa inyo 'nong." May pag-aalangang saad ko sa matalik na kaibigan ni daddy. Matiim siyang tumitig sa akin tsaka napakunot ang noo. "Ow, mukhang importante nga ang pag-uusapan ninyong mag-ninong, iha maiwan ko na muna kayo ha. Ipaghahanda kita ng meryenda." Sabat ng asawa nito na nagpasintabi sa amin. I smiled at her nicely at tumango bilang tugon. "Naku ninang 'wag na po, kumain na po ako sa labas kanina pero salamat po." I said in a pleasant voice. Tumango ang ginang at tsaka tumayo para magtungo sa kusina. Pagbaling ko kay ninong ay nakita kong naghihintay na siya ng sasabihin ko kaya naman nagtanggal muna ako ng bara sa lalamunan before I spill the tea sa kung ano ang sadya ko sa kanya in that late night.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.5K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
32.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
46.8K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
101.6K
bc

The Forgotten Wife

read
43.1K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
28.9K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook