Rebecca's POV
"Anong dahilan iha at nagpunta ka rito ng ganitong oras?" Agad tanong ni ninong sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa katawan dahil sa ura-urada kong pagbisita sa kanya. "Pasensya ka na po ninong kung naabala kita, medyo importante lang po kasi ang sadya ko." Napapakamot sa batok kong tugon. "Wala namang kaso sa akin iyan iha, tutal ay hindi pa naman kami natutulog ng ninang mo. At matagal na rin na hindi tayo nakakapag-usap. Kumusta na ang mama mo?" Nakangiting tanong na niya. "Maayos naman po ang lagay nila ng mga kapatid ko doon sa US ninong at hindi na po ako magpapaligoy-ligoy sa pakay ko sa inyo. I need your help po para isali ako ni sir Hanz sa team na aatasan niyang mag-imbestiga ukol sa mga nawawalang sabungero na ang hinala ay kagagawan di-umano ng Mafia lider na siyang pumaslang noon kay daddy." Diretsahan kong saad na siyang ikinatigil ng retired police Sergeant. Narinig ko siyang humugot ng malalim na buntong-hininga at tsaka ako binalingan. "Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakalimot sa gusto mong paghihiganti Rebecca." Aniya na inaarok pa ang reaksyon sa mukha ko. Napakuyom ako ng kamao pagkaalala sa pagkawala ng aming ama. Ako ang pinakamalapit noon kay daddy sa aming tatlo ay ako lang ang nagkaroon ng interest sa kanyang trabaho bilang isang alagad ng batas and I even wanted to follow his footstep at kumuha ng Criminology subalit ayaw ni mommy dahil babae raw ako at delikado raw ang propesyong gusto ko. Kaya imbes na criminology ang kuhanin ko ay Psychology na lamang at iyon nga ang tinapos kong kurso. But I never felt satisfaction on my profession at sadyang may hinahanap akong ibang bagay until I secretly enroll a police training and soon I applied as one of investigator sa NBI at sa tulong nga ni ninong ay nakapasok ako sa naturang ahensya. Kaya dinoble ko ang aking effort at mas ginalingan ko ang trabaho para mapansin ako ng aming deputy director na si Mr. Hanz Tuzon. Siya ang may hawak sa mga malalaking kaso katulad ng paghahanap sa notorious na Mafia leader ng Pilipinas na hinihinalang siyang may pakana sa lahat ng pagkawala ng mga taong nalulong sa mainit na online gambling that was being operated illegally pero hirap ang mga alagad ng batas na sugpuin ang naturang negsoyo dahil nga sa lawak ng kapangyarihan ng mga taong protector sa naturang illegal na online derby.
Ipinilig ko ang aking ulo at muling bumaling kay ninong. "Malaki ang utang sa akin ng taong iyon ninong at hindi ko basta-basta papalampasin ang ginawa niya." Matatag ang tinig kong turan na desidido sa gusto kong pasukin. "Subalit patay na ang taong iyon at ang pagkakaalam ko ay anak niya ang pumalit sa kanya." Saad ulit ng matanda informing me about that person. "Mas lalong kailangan kong kumilos 'nong dahil kung gaano kasama ang taong iyon ay tiyak na ganoon din ang bunga niya. Hindi ko uurungan ang isang taong sobrang garapal sa pera at mamatay taong katulad nila. I need to do something not just to get the justice for my dad's death but for all those victims na hindi kayang banggain ang demonyong Mafia leader na iyon." Matapang kong sambit sabay tiim ng tingin sa kawalan. Kung hindi ko man makuha ang matagal kong hinahangad na hustisya sa pagkamatay ni daddy ay handa akong tumulong para magapi na ang mga walang kaluluwang sumusira sa buhay ng maraming pamilya dahil sa pagiging ganid nila sa salapi. Napapailing-iling naman si ninong sa mga sinambit ko. "Bilib na talaga ako sa tapang mo Rebecca, You really like you're dad." Anito pa sabay tapik sa balikat ko. "This is what I want ninong, Gusto kong ituloy ang nasimulan ni dad." I told him na buo ang loob. "Okay, I will talk to Hanz para isali ka sa grupo ng mga mag-iimbestiga, but I'm reminding you iha na masyadong delikado ang gusto mong pasukin kaya dobleng ingat ang gawin mo. Mahirap kalabanin ang isang Mafia leader and you know that." Paalala ni ninong. Tumango ako bilang sagot at niyakap ko pa siya bilang pasasalamat. Agad na rin akong nagpaalam na uuwi na at humingi ng pasensya sa asawa nito sa pang-aabala ko sa kanila.
Kinabukasan ay agad akong nakatanggap ng tawag mula mismo sa aming deputy director at ipinatatawag ako sa kanyang opisina. Nakaramdam ako ng excitement dahil tiyak na naka-usap na siya ni ninong ukol doon sa ipinunta ko sa bahay niya last night. Mabilis talagang kumilos si ninong kahit kailan. Sa isip-isip ko habang naglalakad para magtungo sa private office ni sir Hanz Tuzon. Tinanguan ko ang kasamahan naming agent sa labas ng opisina bago ako mahinag kumatok.
"Come in!" Narinig kong pasigaw na turan ng Direktor kaya pinihit ko na ang door knob at pumasok sa malamig na office room nito. "Good afternoon sir." Ang bati ko nang nasa harap na niya ako. Kasalukuyan siyang nakayuko at nakatingin sa monitor ng computer nito. Sir Hanz Tuzon is about 33 years old at isang matikas at matapang na lalaki. He was considered as an Alpha male dahil sa lakas ng personality nito and almost lahat ng mga babaeng single sa ahensya namin ay pinag-uukulan ito ng paghanga. Except for me dahil ang tingin ko sa kanya ay isa ring lalaking tanging aliw lang ang hanap sa mga babae and I couldn't find him attractive though. Nag-angat siya ng mukha at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang talampakan tsaka ito napapangisi. 'Mukha talagang babaero.' Naisip ko tuloy at bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang.
"Good to see you Miss Imperial, take a seat dahil ayokong nangangalay ang isang napaka gandang babaeng katulad mo." Anito na iminwestra pa ang upuan sa harap niya. Halatang nagpapalipad hangin. Gusto ko siyang irapan subalit hindi ko naman p'wedeng gawin iyon dahil siya ang superior ko. "Thank you sir." Ang tanging nasambit ko at tumalima sa paanyaya niya. "So I'm not gonna beat around the bush here Miss Imperial, at may idea ka naman siguro kung bakit kita ipinatawag." Anitong diretsong tinumbok ang dahilan ng pagpapatawag niya sa akin. Kimi akong napatango. "S-siguro naman sir ay qualified ako para maging parte ng investigating team ukol sa kidnapping case ng mga nawawalang sabungero." Pahayag kong hindi na rin nagpaligoy-ligoy pa. I saw his lips moved at napangisi ulit. He looks amused. "You are a brave girl Rebecca and I'm beginning to like you." He said na ngayon ay may malagkit ng tingin sa akin that causes me to have goosebumps. Bigla akong nairita sa kaharap ko. "I came here for work sir not to flirt."Mataray kong saad na dahilan para mapa bunghalit siya ng tawa. Mas lalo tuloy nalukot ang noo ko sa pagiging weird niya. "Oh yeah I know, and yes Rebecca you are in, but you have to do me a favor." He said at ikinatuwa ko ng sobra ang pagpayag niyang makasali ako sa grupong aatasan niya para sa investigation. Umaliwalas ang mukha ko na kani-kanina lang ay naasar sa kanya. "Ano po 'yon sir?"Tanong ko sa pabor na tinutukoy niya. "This case is very confidential at lahat ng taong ipapadala ko sa investiagtion team ay magiging lihim na spy, that means no one should ever know about this even your family member, do you understand Miss Imperial?" He said na ngayon ay seryoso na ang mukhang nakatunghay sa akin. "I understant sir at makakaasa po kayong hindi ito lalabas sa kahit na sino." Pagbibigay ko ng assurance ukol sa confidentiality ng naturang imbestigasyon. "I will send all the the reports in your e-mail mamaya para maumpisahan mo ng pag-aralan and please hindi ka maaring kumilos without coordinating the whole team. Mataas na tao ang babanggain natin Rebecca kaya you have to be focused." Aniya pa and dismiss our conversation after. "Thank you for trusting sir and I promise to do my best para sa ikalulutas ng kaso." Saad ko bago nagpaalam na sa kanya para bumalik sa aking cubicle sa kabilang bahagi ng naturang ahensya.
Masaya akong nagbalik sa working table and started to do my job by reading all the files na palihim naming kinuha ni Sylvia kagabi. Ilang pages lamang iyon at mostly ay mga article from local news print na kung saan galing ang mga report ng mga series of kidnapping and almost lahat ay iisa ang koneskyon, they were all been addicted to the online derby and fail to pay their debt kaya malamang sila ay dinukot at ang lumalabas pa ay pinapatay na raw ang mga ito. But what's mysterious is wala namang na-recover na ni isang bangkay kaya iyon ang malaking pala-isipan ng mga alagad ng batas. Sino ang lider ng notorious na Underground syndicate at saan nila dinadala ang mga taong dinudukot? Mga tanong na siyang magiging lead namin sa gagawing imbestigasyon. ' gagawin ko ang lahat para makilala ka.' I told myself patungkol sa leader Gagawinna siya naming nakaambang hanapin. Kung saan man kami mag-uumpisa ay wala pa akong idea but one thing is for sure I have to be physically and mentally ready para sa aking bagong misyon.