Nasapo ko ang aking dibdib parang hindi ako makahinga! Nag uulap na ang aking mga mata sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.
Walang lingon likod ay tumakbo ako palabas sa kwartong iyon. Tinatawag ako ng matandang kasambahay ngunit hindi ko pinansin iyon at tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo palabas.
“Ma’am, bawal po kayong lumabas.” Harang ng isang sa mga lalaking kasama ni Troy kanina.
“Palabasin mo ‘ko! Aalis na ako dito kaya tumabi ka d’yan!”
Ngunit kahit anong hawi ko sa lalaki ay hindi man lang ito natitinag sa pagkakatayo sa maliit na pintuan ng gate.
“Sabi nang umalis ka d’yan!” bulyaw ko sa lalaki.
“Bayad ang gabi mo kaya ano ang dina-drama mo d’yan?!”
Nahinto ako sa paghila sa lalaki nang marinig ko ang boses ni Troy. Narinig ko pa ang mga yabag nito palapit sa kinaroroonan namin.
“One hundred thousand pesos are not enough for you to act like that?” Nagtatagis ang mga ngiping wika nito matapos hablutin ang aking braso. “Go back inside ‘cause you and Theo need to talk!”
“Ayoko!” sigaw ko sabay hablot ng aking braso.
“You can't do anything about it, whether you like it or not! You're paid so you shouldn't complain!” Mariin pa ang pagkakatitig nito sa akin. Para bang kakainin ako ng buhay.
“Ibabalik ko ang pera mo! Basta aalis ako dito!”
“Okay! Fine! Go away! But once you get out of here, you won't see your twins anymore!”
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nagtatanong ang aking mga matang tumingin sa kanya. Ngunit tinalikuran lang ako ng loko. Para bang siguradung sigurado itong susunod ako sa kanya pabalik.
Pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na narito muli sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Theo. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.
Nagulat pa ako ng bumukas ang pintuan at ngumiti ang matandang babae sa akin. “Pumasok ka na, iha,” anito saka ako nilagpasan at tuluyang umalis.
“Pumasok ka na!”
Bigla akong napatuwid sa pagkakatayo nang magsalita si Troy. Kagaya ng matandang babae ay umalis rin ito. Iniwanan pa niyang bukas ang pintuan.
Nanginginig ang aking mga tuhod na humakbang papasok sa loob. Nakita kong nakatanaw muli ang lalaking Theo ang pangalan sa labas ng babasaging dingding.
“Maupo ka,” wika niya.
“Hindi na kailangan! Sabihin mo na ang dapat mong sabihin dahil gusto ko ng umalis!” tugon ko.
“About my children-“
“Wala kang anak!” Pagalit kong putol sa kanyang nais na sabihin. “Mga anak ko! Anak ko sila at hindi sa ‘yo!”
“Alam kong anak ko sila.” Bumaling na siya ngayon sa akin. “I know that they are mine, Aly.”
Napatda na naman ako dahil maging pangalan ko ay alam rin niya.
“I want to meet them-“
“Hindi p’wede! And how sure are you that you are the father, hmm? We both know what kind of job I have?” Pilit kong pinatatag ang aking boses.
“DNA test couldn’t lie, Aly,” seryosong sabi niya.
At sa muli ay natigilan na naman ako. Malakas rin ang pagkabog ng aking puso. Kahit magsinungaling ako ay alam ko sa sarili ko at sigurado akong isa siya sa mga posibleng ama ng aking kambal.
Pero kailan pa? Kailan n’ya ipina-test ang mga anak ko? Bakit wala man lang akong kaalam alam?!
“Tahimik na ang buhay namin ng mga anak ko. Kaya sana ‘wag mo ng guluhin pa! Kaya ko silang buhayin ng ako lang-“
“Tahimik?” He smirked at me. “Sa anong paraan mo sila kayang buhayin, for being a prostitute?” Naroon pa rin ang mapanuyang ngisi sa kanyang mukha.
“Wala kang alam sa pinagdaanan ko! Kaya wala ka ring karapatang husgahan ang klase ng trabaho na meron ako!” bulyaw ko sa kanya. “Hindi madaling bumuhay ng dalawang bata ng sabay pero kinaya ko! Oo! Proud ako bilang isang prosti dahil ‘yon ang bumuhay sa aming tatlo sa mga kumakalam naming sikmura! At kung ipinadala mo ako dito para lait laitin ang pagkatao ko nagtagumpay ka na! Ngayon, ako naman! Hinding hindi ko ipapakilala ang mga anak ko sa rapist na katulad mo!”
Pagkatapos ng mga sinabi kong iyon ay tuluyan na akong umalis. Hinarang akong muli ng tauhan ni Troy ngunit agad rin akong hinayaan matapos makatanggap ng tawag mula sa kanyang amo.
Pagdating sa bar ay agad akong kumuha ng alak. Nakailang shots na rin ako ng lapitan ako ni Madam Divine.
“Ang bilis mo naman yata? Akala ko uumagahin ka na naman, eh,” anitong malapad ang ngiti sa akin.
“Alam ko na ang ngiting ‘yan! Wala akong tip na maibibigay sa ‘yo. Sobra sobra pa nga ang ibinayad sa ‘yo ng costumer ko ‘di ba?”
“Aba’t-“
“Madam D, tawag ka ni bossing sa opisina n’ya,” tawag ni Monina dito.
“Hindi pa tayo tapos, ha!” Duro niya sa akin.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag inom ng alak. Hindi ako sanay uminom ngunit ngayong gabi parang gusto kong lunurin ang sarili ko.
“Anong nangyari?” Pang uusisa ni Monina sa akin nang makaalis na si Madam Divine.
“Natatandaan mo ba ‘yong nangyari sa akin n’ong unang araw ko sa Casa Aliwan dati,” wika ko.
Saglit na napaisip si Monina. “Ah! ‘Yong unang salang mo pa lang nabuntis ka na agad,” natatawa ring wika niya. “Oh! Anong meron?”
“Nakita ko ang isa sa kanila. At s’ya ang ama ng kambal ko!” deretsahang pag amin ko na ikinanganga naman ni Monina.
“Hindi nga?!” Nanlalaki pa ang mga mata nito.
“Totoo! At hindi ko alam kung anong gagawin ko.”
Kampante akong magkwento kay Monina dahil naging kaibigan ko na siya sa Casa Aliwan pa lang. Bukas rin siya sa pagku kwento ng kanyang buhay sa akin.
“Talaga? Paano?” Kunut noong aniya. Kumuha siya shot glass at tinabihan ako sa pagkakaupo. “Magkwento habang wala pang costumer.” Udyok pa niya sa akin habang sinasabayan ako sa pag inom.
“Kapatid s’ya ng lalaking naglabas sa akin kanina. Dinala n’ya ako sa bahay n’ong Theo. Pina DNA nila ang mga anak ko, Monina! Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero… pero alam nila! At gusto n’yang makita ang mga bata.”
“Ang kapal, ha! After what they did to you?! Ano gan’on gan’on na lang ‘yon?! They raped you, Aly! Tapos ang kapal ng mukha n’yang sabihing gusto n’yang makita ang mga inaanak ko!”
“Hindi matatawag na rape ‘yon dahil bayaran tayo!” Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi. “Natatakot lang ako kasi baka idaan nila sa legal na paraan. Natatakot akong mawala ang mga anak ko sa akin,” wika ko pa.
“Hindi mangyayari ‘yon, Aly. Pero baka naman nakonsensya s’ya!” biglang sabi nito.
“Ten years?! Ngayon pa s’ya nakonsensya kung kelan malalaki na ang mga anak ko. Nang mga panahong hirap na hirap ako sana d’on s’ya nakonsensya! Para may naiambag man lang sana s’ya sa buhay ng mga anak ko! Kung kelan malalaki na saka s’ya lilitaw! He is a stranger to me and especially to the twins. So I won't allow him to just get in into our lives!” mariing saad ko.
“Opinyon ko lang naman ‘to, Aly, paano kung s’ya na ang sagot para makaahon ka sa ganitong trabaho?”
“Tanggapin ko na lang gan’on?” taas kilay kong tugon.
“Ikaw na rin ang nagsabi. Walang maniniwalang ginahasa ka dahil ganito ang klase ng trabaho natin. Ito ang pairalin mo para sa future ng mga anak mo.” Sabay turo niya sa aking sentido.
“Monina-“
“Fairy tales are fake, Aly! Habang nabubuhay tayo sa mundong ‘to kasal man o hindi, nagmamahalan man o hindi. Hindi natatapos ang pagsubok ng buhay may katuwang ka man o wala. Kaya sa kalagayan mo, utak ang paganahin mo para sa magandang buhay nina Annarie at Alillie,” pahayag pa nito.
“Natatakot ako,” wika ko habang pinaglalaruan ang alak sa basong aking hawak.
“Mas matakot ka kung idadaan nila sa legal at wala kang habol. Mga anak mo sila kaya ikaw ang magsasabi kung ano ang dapat at hindi dapat sa para sa kanila. Kung gusto n’yang makilala ang mga anak n’ya, pagbigyan mo.”
“Paano kung kunin n’ya? Monina, ikamamatay ko kapag nawalay sa ‘kin ang mga anak ko. Sila ang buhay ko. Sa kanila na lang umiikot ang mundo ko at sila na lang ang meron ako.” Tuluyan na akong napaiyak.
“Hindi ko sila ilalayo sa ‘yo kung iyan ang inaalala mo.”