PART 33

1173 Words
_________________________________ –KLEA POV– Araw ng sabado ngayon at bukas na ang birthday ng anak ko Nandito pala ako sa mall para mambili ng mga kakailanganin bukas. Ano-ano nga ba??. Sabi kasi ni Ethan, pupunta raw ang mommy at daddy niya. Tapos sabi ni Pauline, iimbitahan raw niya ang ibang staffs doon Kalorkee!. Balak ko lang sanang pang children's party lang, pero puro matatanda pala ang dadalo. Ta's binigyan din ako ni Pauline ng konting pera. Tinanggihan ko nga nung una, pero mapilit siya "Mommy!!" Tiningnan ko naman yung anak ko. Nakalimutan ko palang sinama ko siya ngayon tsaka pati na si Darl "O bakit anak??" "I want those dolls po oh!" aniya at may tinuro Tiningnan ko naman yung tinuro niya. Puro mga barbie "Sge anak, Tara!" Nakahawak pa din siya ngayon sa kamay ko habang papunta kami doon Huwag kayong magtaka kung bakit hindi namin kasama si Darl at Pauline. Oo kasama din namin siya. Pero nandun lang sila sa mga grocery habang kaming dalawa ay nandito sa mga laruan at clothing area "DADDYY ETHAANN!!" Wait… WHAT??!! Si Ethan nga, at ngayon ay karga na niya si Khiera "Ethan, anong ginagawa mo dito??" kunot-noong tanong ko sa kaniya "Mall 'to Klea, puwedeng-puwede lang akong pupunta dito" Abay, namimilosopo pa ah?! _________________________________ –ETHAN POV– Kita-kita ko namang nainis si Klea sa akin. HAHAHAH. She's so cute. Katulad na lang itong si Khiera, mag-ina mga talaga sila "Daddy Ethan, I'm glad you're here po!" sambit ni Khiera na nakangiti pa "Ano ang gusto mo dito, ako na ang bibili" "Talaga po??!!. Salamat po daddy Ethann!!!" Ngumiti lamang ako sa kaniya "Yun po oh!. Yung mg–" "Khiera anak. Tara na!" putol ni Klea "But mommy I want–" "Tara na kasi!. Huwag matigas ang ulo!" Ibinaba ko na si Khiera. Ang lungkot ng mukha niya ngayon "Sa iba na lang!. Marami pa namang magaganda dun!" dagdag niya at kinuha na ang kamay ni Khiera Umalis na sila kaya sinundan ko na lang "Huwag kang sunod-sunod sa amin Ethan!!" "Mommy, wala naman pong masama kung susunod sa atin si Daddy Ethan diba??" sambit naman ni Khiera ____________________ –BACK TO KLEA POV– Hindi ko na sinagot ang anak ko at nagpatuloy na kami sa lakad. Wala akong paki kung sumunod si Ethan "Teka Klea. Bakit ba sa tuwing nagpapakita ako sayo ay nagagalit ka??. Gusto ko lang malaman Klea. Bakit ba??" Huminto naman ako at hinarap siya Actually tama naman siya eh! 'Bakit nga ba??' "Uy diba sila yung gumanap bilang Aze at Ziara??" "Oo tama ka ngaa!!!" Iilan lang yan sa mga narinig namin. Tapos ay nagkumpulan na ang mga tao dito Panay video at picture pa ang iba "Mommy, who are them??. Why they picturing us??" Nakadinig naman ulit ako ng mga bulung-bulungan "Mommy raw!?. May anak na si Klea??" "Ang cute naman ng anak niya!" "Tara na Klea, baka kung ano pa ang mangyayari sa atin dito" ani Ethan at binuhat na si Khiera Aalis na sana kami ng hinarang naman kami nung ibang tao "Ms. Klea wait lang po. Magpapa-picture lang po kami sa inyo!" Tiningnan ko lang sila at nag-aalinlangang ngumiti *FAST FORWARD* _____________________________, –CELINE POV– Birthday na pala nung inaanak ko bukas. Regaluhan ko talaga siya ng pinakabest na regalo. Heheheh Pero teka… alam kong nandun din si Gerald bukas. Pero okay lang din naman. Unti-unti na akong nakakamove-on sa kaniya at dahil lahat yun sa tulong ni Gasper "Gasper, anong ginagawa mo dito??" sambit ko pagkabukas ko sa pinto. May dala pa siyang mga cellophane na may laman at sa isang kamay ay bulaklak "Hindi ba puwedeng bumisita??" "Uhm puwede naman!. Pasok ka!" Pumasok naman ito gaya ng sinabi ko Wala pala sila mama at papa. At hindi ko alam kung bakit "Ah Celine, flowers for you" sambit niya sabay abot nung bouquet Kaya buong puso ko namang tinanggap "Salamat Gasper" ani ko at umupo na kaming dalawa "At may dala din akong favorite mo. Ice cream" sambit naman niya at iniabot ang isa pang supot Wala akong nagawa kundi kunin na lang ito. Natatakam din naman kasi ako. heheheh "Sandali lang Gasper ah, ilalagay ko muna ito sa taas" ani ko at tumango naman siya Dali-dali naman akong umakyat papasok sa kuwarto ko at iniligay yun sa may maliit na lamesa Pero teka… napagtanto kong this fast few days ay palagi na lang niya akong binibigyan ng bulaklak. Bakit ba?? Hindi naman niya sinabing manligaw siya Matanong nga lang mamaya Pagbalik ko sa sala ay nakita kong kumakain na siya ng ice cream kaya umupo ako sa upuan kaharap niya Tapos ay kinuha ko muna yung isa pang ice cream "Uhm Gasper, puwede magtanong??" Tumango-tango naman ito "Kasi eh… sa nabilang ko. More than 10 na ang mga flowers na ibinigay mo sa akin at iba pa. Bakit ba??" Huminto naman ito at tumingin ng seryoso sa akin "Hindi ba obvious Celine??. Nanliligaw ako sayo" WHAT!? "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin??" "Dahil hindi ko alam kung paano sasabihin. At ngayong alam mo na, hayaan mo ako ulit na ipadama ang pagmamahal ko sayo" Kyaaahhhh!!!. Sasagutin ko na ba ito??? Heheheh _____________________________ –KLEA POV– Pagkatapos nung nagpa-picture sa amin kanina ay mabuti na lang at dumating si Pauline at Darl. Tapos ay pinigilan ang mga tao "Yun pala ang hindi ko nasabi sa inyo Ethan at Klea" ani Pauline habang naglalakad kami dito sa parking lot "Ang alin Pauline??" takang tanong ko "Mag-ingat kayo kapag lalabas kayo. Baka may makakilala sa inyo at damugin naman kayo ng mga tao" aniya "Grabe nga nung kanina" dinig kong sambit ni Ethan habang pasan niya si Khiera "Huwag kang mag-alala Klea. Nasabi ko na kay Darl ang lahat ng gagawin at bibilhin niya" "Sge. Salamat ulit Pauline" sambit ko na lang ___________________________ –SECOND PERSON POV– Presentata akong nakaupo ngayon sa opisina ko. Yes may maliit akong opisina Ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang assistant ko "Ma'am! Ma'am!" tawag niya habang papalapit sa akin "Mabuti at nandito ka na. Kumusta yung ini-indorseran ko, kailan raw yung photoshoot??" Umupo muna ito sa harap ko bago nagsalita "Yun na nga po ang problema ma'am. Sabi ng manager niyo, kinancel na ng Ceo. Dahil sabi nung CEO, mas bagong mukha, mas kikita!" "WHAAT!!. Sino ang babaeng yan!" Napatayo na ako sa galit "Si Ms. Klea Aguas ma'am" nakayukong sambit niya Pero its okay. Meron pa naman akong isang endorsement "Eh yung isa!. Kailan raw magsimula!?" nakataas kilay'ng tanong ko "Kinancel din po ma'am. At same lang ng dahilan" "WHAT?!!!! HINDI PUWEDE YANN!!" Dahil sa galit ko ay natapon ko yung baso "Umalis ka dito!! Wala kang silbii!!!" Dali-dali naman itong umalis na nakayuko pa Bumuntong hininga ako at humarap sa bintana 'Akala ko ba, mabait yang Kleang yan. Akala ko, magka same vibes kami. Akala ko, mas angat ako sa kaniya' 'Mang-aagaw din pala siya' 'Humanda ka sa akin Klea' –END OF PART 33–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD