#HBD_Khiera!
____________________________
~KLEA POV~
Araw ng Linggo. This is the day!
Nandito pala ako sa kuwarto ng anak ko. Hinihintay siyang gumising habang may party hat pa sa ulo ko
Actually, kagabi pa kami nagdesign sa labas. Oo kami kasi, ako, si Darl, si Pauline at tumulong na din si Celine. Mga 10:30 na nga kami natulog kagabi
Ta's kanina, 4:00 pa kaming gising ni Darl pati na din si Celine para magluto. Hindi na namin ginambala pa si Pauline. Inaantok pa nga ako eh!
Nabalik na lang ako sa katinuan ng gumalaw si Khiera kaya lumapit pa ako sa kaniya
Ng iminulat na niya ang kaniyang mga mata ay…
"HAPPY BIRTHDAY ANAK!!!" masiglang sambit ko
Tumingin naman ito sa gawi ko at bumangon na. Kaya sinamahan ko na lang siya sa kama
"Mommy, thank you poo!" aniya na nakapikit pa din ang mga mata tapos ay ngumiti sa akin
Niyakap ko naman ito at kumalas din
"Excited ka na ba sa araw'ng 'toh?! Baby??" nakangiti ko pa ding tanong
"SUPEE DUPER PO MOMMYY!!!" masiglang sambit niya with tayo pa
"But before that (ume-english na akoooo!)" sabi ko sabay paupo ulit sa kaniya
"Magsisimba muna tayo. Okay??"
"Sge po!" sagot naman niya
"Ipagliligo muna kita"
Bumaba naman ako sa kama at binuhat siya papuntang cr
May 1 hour pa din naman kami bago magsimula ang misa
____
"Happy Birthaday inaanak!"
"Happy Birthday Khiera!"
"Happy Birthday alaga!"
Sari-saring bati ang natanggap ng anak ko pagkalabas namin
Binaba ko naman ito at niyakap nilang tatlo. Gising na pala si Pauline
"Thank you po Tita Pauline!. Salamat din ninang!. Thank you po Yaya Darl!" nakangiti namang sambit ng anak ko
"Oh Klea, aalis kayo??" napatingin na lang ako kay Pauline ng magsalita ito
"Ah oo Pauline, magsisimba lang kami" nakangiting sagot ko naman sa kaniya
*FAST FORWARD*
_________________________________
–CELINE POV–
Hey you!. Whazz up mananap!. HAHAHAH
Pagkaalis ni Klea kasama si Pauline ay nakipag chikahan muna ako kay Darl??
"Darl?? Noh??!" tanong ko sabay lapit sa kaniya. Nagtutusok kasi siya ng mga hotdog sa stick
"Opo ma'am Celine" sagot naman niya
"Ano ka ba!. Kagabi ka pa parating nag ma'am sa akin!. Celine na lang"
"Ah eh… Pasensya na po. Ganyan lang naman po kasi ako"
Nagkuwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan habang ginagawa ang mga dapat naming gagawin
_____________________________
–GERALD POV–
"Kuya, excited na po ako na malaro ulit si Khiera. Best friend ko na po siya kuya!"
Malapit din namang mag 9
Papunta kami ngayon sa bahay nila Klea. Remember? Birthday ni Khiera??
"Mabuti na lang kung ganon. Alam ko din namang magbe-bestfriend din kayo kaagad eh!. Si Khiera pa ba?, napaka friendly kaya nung batang 'yun!" sambit ko habang focus pa din sa daan ang tingin
"I hope she will like our gift po!"
"Alam kong magugustuhan niya kung ano pa yan!"
Maganda yung ireregalo namin ni Khiera, I mean kang Geraldine lang pala. Isa siyang sapatos na may magandang designs at may nakaukit dun na 'my best friend'. Actually, ganon din ang suot na sapatos ni Geraldine ngayon, violet lang ang sa kaniya, samantalang pink naman ang kay Khiera
Tapos ako ay nagdala na lang din ng konting pagkain. Wala kasi akong maisip kung ano ang iregalo sa batang 'yun eh!
Inihinto ko na ang kotse ko dahil nandito na kami
"Were here na!"
Dali-dali namang bumaba si Geraldine dala nung regalo niya. Kaya bumaba na din ako at binuksan muna yung pinto sa passenger seat. Tapos ay kinuha ang dalawang putaheng nandun
Mas pinili kong maaga pupunta dito, para na din makatulong ako sa kanila
…
…
Pagpasok namin ay nakita ko kaagad yung katulong nila at si… Celine
Nagtama naman ang paningin naming dalawa
"Uy Ge este Gerald!. Nandito na pala kayo!" aniya habang nakangiti pa
Ilang araw ko na ding hindi siya nakakausap. At Ge pa din pala ang tawag niya sa akin
"Ate, where is Khiera??"
"Oo nga. Asan si Klea at Khiera??" tanong ko at inilapag na ang dala ko dun sa kung nasaan sila kanina
"Nagsimba lang sila" sagot naman niya at ngumiti
'Na miss ko siya. Sobra!. At yung ngiti niya ngayon oh!'
…
______________________________
–CELINE POV–
Nung una ay nagulat pa ako sa biglaang pagdating ni Gerald at nung kapatid niya
At yung pagtagpo ng mga mata namin, lumakas ulit yung t***k ng puso ko
Wala akong maisalita. Speechless kumbaga
"Ate, where is Khiera??" tanong nung kapatid niya at may dala pa ito
"Oo nga, asan si Klea at Khiera??" ani naman Ge at inilapag niya yung bitbit niya dito
"Nagsimba lang sila" tanging naisagot ko
Sorry na lang Ge. May Gasper na ako
______________________________
–THIRD PERSON POV–
"Asan si boss??" tanong ko sa kanila
"Diba, hindi pa siya nakaalala??" sagot naman nung isa
"Gago!. Hindi yun!. Yung bagong boss natin ang tinutukoy ko"
Kiniwelyuhan ko naman siya "Ano?! Kay **** ka pa rin??. Hindi sa bagong boss natin??. Alam mo na ang parusa dyan!" diin at may galit kong sambit
"Hindi naman po sa ganun. Sa bagong boss po ang serbisyo ko"
"GOOD!" binitawan ko na siya
Umupo naman ako dito sa sofa
"So asan na nga siya??" tanong ko ulit at kinuha ang wine sa glass
"Nasa bahay nina *************"
"Oo nga pala, may handaan sa bahay nila ngayon"
Hindi ko na siya pinansin
'Malapit na malapit nang maganap ang mga plano namin ni boss'
'Konting tiis na talaga'
'Pero hihintayin pa din namin ang pagbabalik ng alala ni Ethan, bago kami kikilos' sambit ko sa isipan at ngumising mala demonyo
_________________________________
–KLEA POV–
Time check. 10:15 am na
Kompleto na ang lahat na nasa lamesa. Dito pala gaganapin sa may pool, ang gilid na nito ay pool. Para na tuloy siyang pool party
Inilibot ko ang paningin ko
Ayos na ayos na ang lahat na nasa lamesa. Tapos may decoration din na 'Happy Birthday Khiera' ta's may picture pa ng anak ko sa bawat balloon. Yung mga upuan naman ay na ready ko na din, I mean naayos na nung mga lalaki sa nagpa cater
Oo nagpacater kami. Pero nagluto pa din kami kanina. Mga deserts lang din naman at mga pambata. Heheheh. Tiningnan ko yung pool, may mga balloon na din na palutang-lutang
Nakabihis na pala ako ngayon. Naka maikling short lang ako at naka sleeveless na fit sa akin. Kaya kurbada ang lahat
Nahagilap naman sa mga mata ko si Khiera na nakaupo sa may gilid, kaya nilapitan ko ito
"Oh anak, bakit tila parang malungkot ka??"
Nakita ko kasi sa mukha niya
"Eh kasi mommy (tayo), wala pa po si daddy Ethan!"
Pinantayan ko naman ito ng tayo
"Sabi niya po, maaga siyang dadating dito. Pero wala siya"
Oo nga pala. Asan na ba yung Ethan'g yun??
"Huwag ka nang malungkot anak. Alam mo naman yang daddy Ethan mo, tinutupad niya talaga ang pangako niya sayo. Baka ilang minuto lang, dadating na yun" sambit ko sabay hawak sa kaniya
"Sana nga mommy. Hindi po magiging kompleto ang birthday ko kapag wala siya" malungkot niyang wika
"Dadating din siya. Ah?!. Huwag ka nag malungkot. Play na lang kayo ni Geraldine oh!" ani ko sabay turo pa kay Geraldine na kasama ang kuya niya
"Sge po mommy" aniya naman at alam kong ngiting pilit lang yun. Tapos ay umalis na siya
Tumayo naman ako ulit. At malungkot na tumingin sa anak ko
'Asan ka na ba kasi Ethan!'
…
…
–END OF PART 34–