PART 35

1303 Words
~ETHAN POV~ Bwesit na buhay talaga oh!. Kailangan na kailangan ko na talagang magmadali ngayon. Pinangako ko naman kay Khiera na maaga akong pupunta sa kanila Pero anong oras na ngayon??. Mag 11 na Hindi ko alam kung bakit late pa akong nagising. Tapos pagpunta ko dito sa mall, sirado pa yung stall na pupuntahan ko. Kaya hinintay ko na lang Hindi din naman ako puwede pumunta sa ibang stall, kasi nandun lang yung Manika na gusto ni Khiera. Remember? Yung makitang gusto niyang ipabili sa mommy niya pero uminit ang ulo ni Klea dahil sa akin. Heheheh Kaya ito, bitbit ko na ngayon yung manika. May katangkadan itong mga 3 to 4 feet. Same na lang tuloy sila ng height ni Khiera "SH*T!" napamura na lamang ako sa nakita ko Yung gulong ng sasakyan ko, flat na Dali-dali kong inilagay ang manika sa loob ng kotse Tapos ay tiningnan ulit ang gulong "Bakit ngayon pa oh!. Ngayon pang nagmamadali na ako!. Sa pagkakatanda ko nama'y hindi ito flat nung kanina ah?!" Hindi na ako nag- aksaya ng oras at inayos na lang ito 'Mukhang matatagalan pa talaga ako neto' ____ ~SOMEONE'S POV~ Nakangisi lang akong nakamasid kay Ethan mula rito 'Tagumpay ang ginawa ko!. Mala-late na siya sa Birthday party'ng iyon. HAHAHAH' 'Alam kong matutuwa si Boss neto. HAHAHAH' Umalis na lang ako habang patawa-tawa. Baka kasi makita pa ako ni Ethan ____ –KLEA POV– It's 11 na pero hindi pa din dumadating si Ethan. Ang lungkot na tuloy ng mukha sa anak ko 'Ethan kasi eh!. Asan ka na ba??. May pinangako ka kay Khiera diba??' "Klea, tinawagan ko na si Ethan pero hindi siya sumasagot" ani Pauline na bakas sa mukha ang alala at lungkot Nandito na din pala sina Lucy, Lisa, Reyna na inaaliw ngayon si Khiera para sumaya ito. Pero kahit anong gawin nila, parang wa epek Tumawag na din ako kay Ethan, pero katulad nga nung sinabi ni Pauline, hindi din siya sumasagot Nilapitan ko naman ang anak ko at pinantayan siya ng tayo "Anak, di baleng wala ang daddy Ethan mo. Nandito naman kami oh!. Huwag ka nang malungkot plss" sambit ko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya "Mommy, gusto ko nga pong nandito siya. Wala na nga ang real daddy ko, pati na din po ba siya na daddy-dadyhan ko na, wala din??. Gusto ko ding ma experience mommy na meron akong daddy sa birthday ko" Maiiyak naman ako sa sinambit niya Wala akong ibang magawa kundi niyakap na lang siya ____ –BACK TO ETHAN POV– 11:05 na at sa wakas ay nandito na ako sa bahay nila Klea. Kaya agad na akong bumaba dala nung binili ko kanina "Sir kayo po ba si Ethan Rivera??" Tumango lang ako dun sa lalaking nakasalubong ko "Kanina pa po kayo nila hinahanap. Specially po dun sa bata" "Salamat. Dalhin mo lang ito dun" ani ko sabay bigay sa kaniya. Dahil base sa uniporme niya ay siya ang isang cater boy Kinuha naman niya ito kaagad at pumasok na kami at dumiretso sa likod ng bahay "Nandito na si Ethan" "Ethan, kanina ka pa hinahanap ni Khiera" Nandito pala yung mga staffs and etc Mas binalingan ko ang atensyon ko sa harap kong saan nandoon si Klea na yakap-yakap si Khiera "DADDDYY ETHANN!!" masiglang sambit ni Khiera at kumalas sa pagkakayakap sa mommy niya. Tapos ay tumakbo papunta sa akin Kinarga ko naman ito kaagad "You came. I thought that hindi ka na po makakapunta" "Tutuparin ko yung pangako ko sa'yo. Btaw, happy birthday. Anak" Napakagaan ng loob ko nung binanggit ang katagang yan "Thank you po. You call me anak na??" "Why not?!. Daddy mo naman ako dba??" Niyakap naman ako neto ng sobrang higpit "Thank you po talaga daddy Ethan!!. I'm so happy poo!!" Napapangiti na lang ako at niyakap siya pabalik Nakita ko naman silang lahat na nakangiting nakatingin sa amin ____ –KLEA POV– Mabuti na lang at nandito na si Ethan. At yung nakikita ko ngayon, nakakagaan ng loob. Inako na niya talaga ang pagiging daddy kay Khiera 'Sana nga, si Ethan na lang ang tunay na daddy niya' Hayst!. Ano ba 'tong naiisip ko??. Erase erase erase! ___ Nandito na kaming dalawang mag-ina sa harap ng lahat, at its time to picture taking, kaya todo smile naman ako. heheheh "Ethan, sama ka na sa kanila dali!!!" ani Celine na ikinagulat ko "Dali na Ethan!!. Para one family na kayoo!!" Family??!!!. WHAT!!!?? ____ –ETHAN POV– Wala naman akong ibang nagawa kundi sinunod na lang si Celine. Gusto ko din naman. Tsaka ano yung sabi niya? Family?. Heheheh Pumunta naman ako sa left side ni Khiera, habang si Klea naman doon sa right "Ayan!. Perfect!. Smile kayong lahat ah para, para talagang isang buong pamilya" Kinikilig naman ako nung sa tuwing binanggit niyang pamilya Nakayakap naman sa akin si Khiera, at mas lalo akong lumapit sa kanila "And 1 2 3, smile!!!!" _____ –AUTHOR'S POV– Pagkatapos naman magpicture nila Klea at Ethan together si Klea. Ay sumunod agad ang iba Sumunod sa kanila ay si Pauline, Celine, Gasper Third ay si Gerald at si Geraldine Pang-apat naman ay ang mga parents ni Ethan. Pero syempre, kasama naman si Ethan sa kanila at this time, kinarga na niya si Khiera At ang panghuli ay ang iba pa nilang bisita Pagkatapos mag picture taking, kinantahan naman kaagad nila si Khiera ?Happy Birthday to you Happy Birthday to you, Happy birthday, happy birthday Happy Birthday Khiera?? kanta nilang lahat "Make your wish na anak" sambit ni Klea na agad namang sinunod ng anak niya "Ang wish ko po Lord. Ay sana!. Si Daddy Ethan na lang po ang tunay kong daddy" nakapikit pang sambit ni Khiera at hinipan na ang kandila Napapangiti na lang si Ethan "YEHEYY!!!!" At nagkainan na nga silang lahat *FAST FORWARD* Lumipas ang mga oras, ay may pa konting pa-games pa sila sa lahat. Kaya para na silang bumalik sa pagkabata Puno lang ng tawanan at kasiyahan ang namayani sa buong lugar _____ –KLEA POV– Papunta ako ngayon sa gawi nila Lucy, Reyna at etc. Kakamustahin ko lang silang lahat "Hello sa inyoo!!" bati ko sa kanila at umupo katabi ni Manager Sy "Kumusta kayo dito.Nabusog ba kayo??" dagdag kong tanong "Busog na busog kaming lahat dito iha!" sagot ni Manager Sy "Kulang pa raw Klea, sabi ni Reyna kanina!" Napatawa naman ako kay Lucy "Kumuha ka pa don Reyna, marami pa namang pagkain" ani ko sabay tingin kay Reyna "Ay naku Klea, huwag na!. Nagbibiro lang ako kanina. Diet kaya ako oh!" aniya sabay tayo pa at nagpose Kaya tumawa na lamang kami "Ah Klea, may tanong pala ako" Binalingan ko naman ng atensyon si Lisa "Ano yun??" "Tingnan mo si Khiera at Ethan oh!" Tiningnan ko naman yung tinuro niya. Si Ethan tinuturuan niyang lumangoy si Khiera. Ta's naliligo na din ang iba maging si Celine at Gasper "Napakaclose nila noh?!. Btaw, sino at nasaan ba Klea ang tunay na tatay ni Khiera??" Binalikan ko naman sila ng tingin at ningitian lang ng pilit "Oo nga Klea, asan yung tunay na tatay ni Khiera??" "Bakit hindi niya kayo pinandigan??" Ngumiti muna ako ng pilit sa kanila at nagsalita na din "Mahabang istorya kasi" ani ko "Hay ano ba yan!. Gusto ko pa man tuloy malaman!" Tumayo naman ako "Ah sge ha?!. Maiiwan ko muna kayo dito, pupuntahan ko pa kasi ang iba" Ngumiti naman sila sa akin kaya ginantihan ko na lang din at tumalikod klna sa kanila 'Wala akong balak na sabihin man sa kung sino man, ang tunay na tatay ni Khiera' Wait… yung tattong dragon pala. Kailangan kong mahanap yun! Either kay Ethan lang o kay Gerald, baka meron sa kanila –END OF PART 35–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD