PART 36

1107 Words
–ETHAN POV– Kitang-kita ko na kanina pa ito busy si Klea sa pag entertain sa mga tao. Ni parang hindi pa nga siya kumakain Tiningnan ko muna si Khiera. At sa ngayon ay naglalaro naman sila nina Celine at Gasper. Mabuti na nga lang Umahon na ako at kumuha ng pagkain Balak ko lang sanang ibigay kay Klea Malapit na ako sa kinaroroonan niya. Saktong timing dahil natapos na siya sa pakikipag-usap at naglalakad naman para sa susunod I was about to call her name, when someone cut me "Klea, kinuha na kita ng pagkain!. Nakikita ko kasing parang kanina ka pa hindi kumakain!" its Gerald Na naman?? Naunahan naman niya ako?? "Salamat Ral ah!?. Halika, samahan mo ako!" Nanatili lang akong nakatayo dito at parang hindi makakilos. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa "How I wish na ako na lang si Gerald" bulong ko Ngumiti na lang ako ng pilit. Nakatingin din pala ang iba sa akin "DADDYYY!!!" Tumalikod na lang ako sa kanila at pinuntahan si Khiera Tapos ay, nilusong ko lang yung paa ko, hanggang sa tuhod. At umupo dito habang hawak ko pa din yung pagkain "Khiera anak, lapit ka muna kay daddy" Hyst!. Kapag tinatawag ko talagang siyang anak ay napakagaan ng loob ko "Why po daddy??" Nakalapit na pala siya sa akin "Tikman mo 'tong cake mo, diba masarap" Pinakain ko naman siya "Oo nga po!. I want more pa!" Napapangiti na lang ako at pinakain pa siya Naramdaman ko namang may tumabi sa akin, pero hindi ko na ito nilingon "Mukhang naunahan ka kanina Ethan ah!" sambit ni Gasper at ngumisi ng nakakaloko Alam niyo'ng Gasper na'to? Feeling close eh!. Bago pa lang kaming nagkakilala, at kung maka asta parang matagal na! "At ano ngayon?? Wala akong pakialam!" Binalik ko naman ang tingin kay Khiera at pinakain ulit ito "Napakasungit mo naman!. Alam mo Ethan, mang-aagaw s***h babaero talaga yang si Gerald. Nung una, si myCeline ang pinakilig niya. Tapos, sinaktan din niya pala. Hindi ko alam kung ano pa ang sumunod na nanguari sa kanila. Basta ako??" Tiningnan ko siya "Rumesbak kaagad ako!. In the first place naman talaga, ako yung mahal ni Celine. Noon pa!. Kaya ikaw pareng Ethan, huwag kang susuko. Labanan mo si Klea kung mahal mo talaga siya" "Ano bang pinagsasabi mo??!. Lumayas ka na nga!" ani ko sabay pagtatakwil ko sa kaniya Nakangisi lamang siya tapos ay lumusong na sa pool at pinuntahan si Celine 'Sabagay, tama naman yung sinabi niya' Tiningnan ko ang gawi nila Klea at napakain-kain na rin Nagtatawanan lamang ito at nag-uusap. Magkatabi pa talaga sila ng upo. As in! Sobrang lapit na ng katawan nila Kaya hindi ko mapigilang maiinggit "Daddy Ethan, do you love my mommy na po noh?!" Napatingin naman ako kay Khiera ng magsalita ito. Ang cute pa niya sa salbabidang nakapalibot sa kaniya "Hindi anak noh!" sabi ko na lang sa kaniya at nagpa iling-iling pa "Weee!. Alam ko po ang tao kapag nagsisinungaling siya at hindi daddy. At ikaw po ay nagsisinungaling, aminin niyo na po!" Ngitian ko muna siya ng pilit at nagsalita na din "Tama ka anak. Pero sana, huwag mong sasabihin sa mommy mo ang lahat ng ito ah?!" "Sure po!. Tutulungan ko nga po kayo daddy eh!" Napapangiti na lamang ulit ako "Hindi ko po hahayaang si Tito Gerald ang makakatuluyan ni mommy!. Hindi ko po siya gusto" Bahagyang napatawa ako sa kaniya "Ah anak. Kukuha lang ako ng maiinom mo ah?!" "Sige po" Tumayo naman ulit ako Tapos ay tiningnan ulit ang gawi nila Klea at Gerald. Ganon pa din sila kanina ____ –KLEA POV– Habang nag-uusap kami ni Gerald ay biglang may naalala ako Yung tattoo!. Baka nasa kaniya! Tiningnan ko naman yung gilid ng braso niya. Perfect spot na makikita ko kasi nasa right side ko siya. Ta's yung tattoo ay nasa balikat na medyo nasa likod. Ay basta! "Alam mo Klea and BWABWABWA" Hindi ko na siya pinakinggan pero tumango-tango lang ako sa kaniya. Mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kaniya "Klea may langgam!. Pakitanggal plsss!!!" Perfect timing! "O sge" Tiningnan ko yung likod niya. Napaka clear skin ni Gerald Katulad ng sinabi niya nga, hinanap ko kung nasaan yung langgam 'Salamat na lang sa langgam' "Klea dalliii!!!" At sa wakas ay nahanap ko na ang hinanahanap ko. Ang langgam at… Ang… Tattoong dragon!. Meron nga si Gerald!. Kulay Red ang kulay neto! Agad ko namang pinatay yung langgam "Hyst!. Mabuti na lang" Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko 'Tama nga ang hula ko' "Klea, bakit ganyan ang mukha mo??. May multo ba sa likod ko??" Nabalik na lang ako sa realidad ng biglang magsalita si Gerald "Ah ral, puwe–" hindi ko na ito natapos ng biglang may sumulpot "KUYAAA!!!" Si Geraldine "Hi po Ate Kleaa!!" nakangiting bati niya nung nakita ako Ningitian ko na lang din ito "Geraldine, bakit mo tinatawag si kuya??" Hindi ko na napakinggan ang sunod na sinabi nila ng makita ko naman yung tattoo sa likuran ni Gerald 'Possible na bang si Gerald ang ama ni Khiera???' 'Ang lalaking nangrape sa akin noon??' ___ –CELINE POV– Kitang-kita naming dalawa ni Gasper kung paano makatingin ng galit si Ethan kay ma friend at Ge Pero btaw, hindi na ako nasasaktan. Tama!. Parang wala lang sa akin ang lahat! Pero, team Ethan ako eh!. Gusto ko si Ethan ang makakatuluyan ni ma friend "Mahal na talaga ni Ethan si Klea noh?!" Napatingin na lang ako kay Gasper ng magsalita ito. Nakaupo lang pala siya habang nilulusong ang dalawang paa sa pool, tapos ay nakatingin lang doon sa kanila "Oo nga!. Klarong-klaro naman oh!. Tsaka, alam ko na. Noon pa" sambit ko na parehas din kaming tinitingnan "Eh ikaw Celine, kailan mo ulit ako mamahalin??" Ha?? Anudaw?? Mamahalin?? Kailan nga ba?? Tiningnan ko si Gasper. At this time, nakatingin din pala ito sa akin "Ah Gasper …" Ano ba ang isasagot ko sa lalaking ito?? "May kukunin lang ako ah?!" palusot ko. Sana gumana Tumango-tango naman siya kaya't umahon naman ako sa pool Ang totoo niyan guys, wala naman talaga akong kukunin Ewan ko!. Kukuha na lang siguro ako ng desert or something like that! Hyst! ____ – GASPER POV– 'Sana Celine. Sana babalik na yung pagmamahal mo sa akin' Pagkaalis naman ni Celine ay binalingan ko ulit ng atensyon sina Klea at Gerald Nung una talaga, masama na ang kutob ko sa Gerald na ito?! Parang, napipilitan lang siya. Parang, ang dami niyang tinatago Pero alam ko na ang gagawin ko!… Iimbestigahan ko siya! –END OF PART 36–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD