–KLEA POV–
Time check✔ 9:45 pm
Natapos na din yung party (chaar!) ng anak ko. Nandito lamang ako sa pool, nakalusong ang mga paa ko. Habang umiinom ng alak
Tsaka, malinis na ang lahat ng nandito. Except na lang dun sa mga naiwang designs. Tapos alam ko namang tulog na sila Pauline ngayon
"Klea??"
Hala?? Sino yun??. Impakto?? Duwende?? Diwata??
Nilingon ko naman kaagad ito. At si Ethan ang nakita ko. Habang nilalaruan niya ang susi sa daliri niya. Oo nga pala, nandito pa pala siya
"Napatulog ko na si Khiera. Magpapaalam lang ako Klea na uuwi na ako"
Ngitian ko lang siya ng pilit. At muling humarap
'Oo nga pala!. Yung tattoo!!'
"Ah Ethan??" sabay nun ang pagharap ko ulit sa kaniya. Mabuti na lang at hindi pa medyo nakaalis
"Bakit Klea??"
"Uhm… Puwede bang samahan mo'ko dito??" sambit ko at humarap ulit, ta's uminom
Ilang sandali din ay tumabi na 'to sa akin. Tapos ay binigyan ko kaagad siya ng bote ng beer
"Oh"
Tinanggap naman niya ito pero hindi ininom
___
–ETHAN POV–
Hindi ko alam kung bakit tinawag ako ni Klea. Bahala na!. Gusto ko din naman siyang makausap
"Ah Ethan??" aniya at tumingin sa akin. "Salamat pala ha?!"
'Wow!. Pangalawang beses ko ng narinig na nagpasalamat siya sa akin'
"For what Klea??" mahinahon ko lang sambit
"Sa kanina… Tinupad mo ang pangako ng anak ko" aniya at balik tingin dun sa kung saan
Habang ako'y, nakatingin pa din sa maamo niyang mukha
"Alam mo Ethan, kanina ko lang nakita ang buong ngiti ni Khiera. Sobrang-sobrang saya niya talaga. Nung past birthdays kasi niya, masaya naman siya pero 75 over 100 lang. Pero ngayon Ethan, 100% na ang saya niya" tumingin na din siya sa akin
"Kaya ang laki-laki ng pasasalamat ko sayo. Sa katunayan nga, simula nung na daddy-dadyhan ka niya. Never niya nang binanggit at tinanong sa akin ang totoong daddy niya"
Alam kong maluluha na siya pero pinipigilan lang niya
"Salamat talaga Ethan ah?!. Maraming salamat" aniya at ngumiti
"Your welcome Klea. Masaya din naman akong makitang masaya si Khiera. Ang anak ko"
____
–KLEA POV–
"You're Welcome Klea. Masaya din naman akong makitang masaya si Khiera. Ang anak ko"
Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko. Napapangiti na lang ako ng matamis. Tapos ay, uminom ulit
"Pero one question Klea. Puwede mo bang sagutin yung tanong ko kahapon??"
Ha?? Ano?? Tanong??. Alin??
"Yung. Teka Klea, bakit ba sa tuwing magpapakita ako sayo ay nagagalit ka??. Bakit Klea??"
Ah yun pala!
Pero ano ang isasagot ko??
"Uh… kasi…. Kung about dyan, sorry na lang Ethan. Hindi ko din kasi alam. Hihihi" aniko at nag peace sign lang sa kaniya
"Its okay"
Lumagok na lang ulit ako. Ng biglang meron akong maalala
'Yung tattoong dragon!'
Paano ba ito…
"Ah Ethan??" sambit ko sabay tingin na din sa kaniya
"Yes??"
"Puwede bang yakapin kita??"
Alam kong nagulat siya basi na din sa ekspresiyon ng mukha niya
"Bilang pasasalamat ko lang sayo" dagdag ko
"Sige. Okay lang"
Lumapit naman ako sa kaniya. At niyakap nga siya tapos ay inilagay ko ang baba ko sa balikat niya
Perfect timing kasi ito. Tutal naka saliko lang din naman siya. Makikita mo talaga yung tattoo
At nagulat na lang ako. Hindi nga ako nagkakamali
Yung dragong tattoo ni Ethan, pareho lang sa kinalalagyan ng kay Gerald. Pero iba ang kulay neto, kulay black. Diba red yung kay Gerald??. Tama ba ako??
Pero may iba pa akong nararamdaman. Ma heart!. Ang lakas ng t***k niya
Last thing din. Ang bango ni Ethan. Yung btaw parang baby ang Amoy?? Oo yun!
____
–ETHAN POV–
I felt so…
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko…
At naramdaman ko din ang lakas ng t***k ng puso ni Klea
Kumalas na din si Klea at umiwas ng tingin tapos ay uminom ulit
Pero parang… nakakita siya ng multo basi sa itsura niya
"Klea, bakit ganyan ang mukha mo??"
Uminom muna ito ulit at tumingin na din sa akin
"Ah Ethan, puwedeng magtanong??"
Naghihintay lang ako sa susunod niyang banggitin
"May nakita kasi akong… tattong dragon sa gilid ng balikat mo na likod na. Tapos, yung ganyan ding tattoo nakita ko kay Gerald. Kayo lang ba ang may ganyan??. At bakit kayo nagpa tattoo ng dragon??"
Ipinatong ko muna ang mga kamay ko sa tuhod bago nagsalita
"Nung una Klea, nagtaka nga ako nung nakita ko ang tattoo'ng yan. Pero ikinuwento ni Gerald noon. Sabay kaming nagpagawa niyan (tingin sa kaniya). Pero magkaiba ang kulay kasi, favorite ko ang black. Ta's favorite naman niya ang red"
"Kayo lang ba ang may ganyang tattoo??" tanong ulit niya
"Maybe" tanging sagot ko
"Bakit kayo nagpa tattoo ng dragon??" aniya naman
"Kasi, sabi ni Gerald. Year of a dragon kaming dalawa"
Tumango-tango naman si Klea at tumingin ulit sa kawalan. Tapos ay uminom
'Ako din naman ngayon ang magtatanong'
"Klea, puwede bang ako naman ang magtanong??. At, naway sana'y, sagutin mo" sambit ko
"Okay. Go"
Seryoso ko naman siyang tiningnan. At nagtanong na din
"Sino ang tunay na tatay ni Khiera?? Asan siya?? At bakit niya kayo pinabayaan??" nakakapagtaka lang kasi eh!
Bumuntong -hininga muna ito tapos ay balik tingin sa kung saan habang painom-inom pa din
"Mag 15 years old ako nung buntis ako kay Khiera" paninimula niya
"Naglalakad lang ako nun, pauwi na sana sa amin. Ng biglang may dumukot sa akin at ipinasakay nila ako sa isang itim na van. (Inom). Tapos ay may itinakip sila sa ilong ko kaya nakatulog ako"
"Napagising na lang ako sa isang madilim na kuwarto. (inom) Tapos ay nakahiga na ako, habang ang mga kamay ko ay nakatali sa kama. Ilang minutong lumipas, may pumasok na isang naka mask na lalaki. Wala akong idea kung sino siya (inom)"
Kitang-kita ko kung paano namumuo ang luha sa gilid ng mata niya
"Unti-unti naman siyang lumapit sa akin habang nakangisi. Kaya alam ko na ang binabalak niya (inom). Sumigaw lang ako ng sumigaw ng tulong (inom). Hanggang sa, may ipina-amoy siya sa akin kaya nakatulog na ako ulit"
Pumatak na talaga ang mga luha niya
"At doon niya pala ako binaboy *sobs* (inom)"
Hindi ako makapagsalita. Naaawa lang ako kay Klea
"Ang hayop niya Ethann!! (inom). Demonyo siyaa!!" *sobs*
"Kaya ang maisasagot ko sa tanong mo Ethan (inom). Hindi ko siya kilala. Hindi ko kilala ang nang-r**e sa akinn!!!. Ang tanging alam ko lang, KAMPON SIYA NI SATANAS!"
Niyakap ko na lang si Klea
___
*FAST FORWARD*
Time check✔ 10:45 pm na
Kanina pa ito umiinom si Klea. Nakaka-apat na bote na siya ng beer. At panglima na ang iniinom niya ngayon. Wala na din pala ang paa niya sa pool. Kaya nagdesisyonan ko na lang na pigilan siya
"Klea tama na yan!. Ang dami mo nang nainom oh!"
"Pabayaan mo'ko Ethan!!" aniya at akmang iinom na sana ng kinuha ko
"ANO BA ETHAN!!. SINABI NG PABAYAAN MO'KO EH!"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya ta's tumayo
"Lasing ka na Klea, ihahatid na kita sa kuwarto mo"
Inilalayan ko siyang tumayo. Pa tumba-tumba pa ito. Lasing na nga talaga siya
"Huwag mo'kong alalayan Ethan, kaya ko pa ang sarili ko"
Maging sa boses din ni Klea. Mahahalata mo talagang lasing na siya
"Ethan, sa oras na malaman at makilala ko ang hayop na yun. IPAPAKULONG KO TALAGA SIYA!" huli niyang sinambit at natumba na nga. Mabuti na lang at sinalo ko kaagad
Binuhat ko naman siya na pang bridal-style
'Na-iimagine ko tuloy, bubuhatin ko siya ng ganito pagkatapos ng kasal namin. Hihihi'
–END OF PART 37–