–ETHAN POV–
2 days na ang nakalipas nung birthday ni Khiera. At dalawang araw na din ang nakalipas na okay na kami ni Klea, mabuti na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya nakakagaan ng loob, sobrang saya ko
Pero may isang problema lang talaga, si Gerald. Palaging ume-epal!. Kakainis talaga!. Yung para btaw'ng, sinasadya niya talaga??
Nakatingin pala ako sa picture namin. Natatandaan niyo pa?? Yung nagpicture taking sa birthday ni Khiera. Sinave ko pa talaga ito
'One family nga'
Tapos ay napapangiti na lamang ako…
Napako ang tingin ko kay Klea. Actually, sa smile niya
'Bakit ba ganito??'
Napahawak na lamang ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito at may mga nakaraang ipinakita
"Aaaahhhh!!!"
___
–KLEA POV–
Nakaupo ako ngayon dito sa pagsho-shootingan namin. Balik trabaho na naman, myghoddd!!. Pero, naging iba na ang lahat
Kung dati rati'y, naiinis ako kay Ethan, pero ngayon hindi na. Dahil siguro ito sa pangyayari noon. Mas mabuti din naman ito noh??
Napapangiti na lang ako sa picture namin. Hihihi. Ang cute eh!
"Klea??"
Nagulat na lang ako nung biglang may nagsalita. Agad ko namang pinatay ang phone ko at tiningnan siya
"Uy Ral!" sambit ko sabay ngiti na din ng napakalapad
"Magpapaalam lang ako sa'yo Klea. May pasok pa kasi. Kaya I need to go na!. Sorry kung hindi kita masamahan dito ngayon" aniya habang nanatili pa ding nakatayo
"Okay lang Ral, naiintindihan ko naman"
"Ok. Pero huwag mong kalimutan na kainin ang binili kong pagkain para sayo ah?!. Tsaka, may tubig na din dun kung nauuhaw ka. Huwag masyadong ma-stress"
"Eto naman oh!. Napaka sweet mo naman!. Ay ay sir!. Susundin ko lahat ng bilin mo" aniko sabay tayo at lapit sa kaniya
'Ang sweet niya sigurong maging boyfriend noh???'
"Sge Klea. Goodluck sa pag-arte" sambit niya at hinalikan ang noo ko
Tapos ay nagngitian muna kami, bago siya umalis
Pagkaalis ni Gerald ay balik din ako ng upo
___
–CELINE POV–
Recess time na. Kaya nandito kami ni Gasper sa canteen. Alangan namag sa library kami noh?!!. HAHAHAH
"For my princess" sambit niya at may inilagay sa harap ko. Ang mga katagang yun din ang nagpapangiti sa akin
"WOW!. Donuts!" parang batang sambit ko nung makita ko ang binili niya
"Alam ko na one of your favorites din yan ng princess ko" sambit niya habang paupo sa harap ko
"At dahil sa donuts… na remember mo pa??"
Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Ng biglang may mag flashback sa utak ko
***FLASHBACK ( 5 years ago )***
"Babe!!" tawag ko kay Gasper na siyang nagpahinto ito sa pagsusulat niya at tumingin sa akin
"Bakit babe??"
"Bakit wala na ang mga donuts ko at ice cream doon sa ref niyo??" sambit ko na nakatayo lang sa harap niya
Hindi naman siya sumagot at bumalik sa pagsusulat
"Babe!!!? Asan yunn!!!. Sinong kumainn!!!??"
"Walang kumain babe. Imbes nga itapon ko yun, ibinigay ko na lang sa mga bata sa kalye" aniya habang nagsusulat pa din
"E bakit mo ipinamigay??!!. Akin yun ee!!"
Padabog naman niyang inilagay ang ballpen niya at binigyan ako ng malalim ng tingin
"Babe. Tama na yang matamis, okay??. Hindi yan nakakadulot ng mabuti sa katawan mo!"
"Eh sa gusto kong kumain!" nakapout ko pang sambit
"TAMA NA!"
'Hala!. Sinisigawan na niya ako!'
"Bahala ka Jan babe!. Makaalis na nga dito!. Bibili na lang ako ng bago!"
****END OF FLASHBACK***
Napatawa na lang ako ng maalala yun. Heheheh. Grade 7 pa ako nun
"Naalala mo na Celine??. Ta's 1 month mo'kong hindi pinapansin nun!"
"Heheheh. Ang bata ko pa nun!. Ta's napaka childish ko" tawang-tawang sambit ko
"Naalala ko nga pa din ng dahil sa donut, sinagot mo'ko" bulong ni Gasper na dinig na dinig ko
'Kung sasagutin ko na kaya siya??. Sabagay, matagal na din naman siyang nanligaw noh?? Hindi niya lang sinabi kasi hindi niya alam ang sasabihin. Tas, sabi naman nila diba?? Relasyon ang papatagalin, hindi ang panliligaw!'
'Kaya buo na ang desisyon ko'
"Uhmm… Gasper??" Tumingin naman kaagad ito sa akin
"May sasabihin ako sayo" dagdag ko
"Ano yun Celine???"
"Tutal, magkakilala naman tayo noon pa. Gusto ko lang sabihin sayo. Na handa na ako muling tanggapin ang pagmamahal mo" nakatingin lang ako sa mga mata niya habang binabanggit yan
"So it means, sinasagot mo na ako??"
Tumango-tango naman ako, sabay ngiti na din
"Oo Gasper"
"REAALLY???. SURE???!!!" di pa makapaniwalang sambit niya
"Ayaw mo?? Babawiin ko na lang!" sambit ko at inirapan siya
"No no no!. Nagulat lang talaga ako!"
Tumayo naman kaming dalawa. At nagyakapan
"Than you Celine. Thank you" bulong niya sa tenga ko
"Deserved mong bigyan ng second chance Gasper" sambit ko naman at napapangiti
____
–KLEA POV–
Papaupo na sana ako ng bigla namang may tumawag sa akin
"KLEAA!!!" si Manager Sy pala. At bakas sa mukha niya ang pag-alala
'Anyare???'
"Bakit po??"
"Hindi ba kayo magkasama ni Ethan papunta dito??. Wala pa kasi siya eh!" aniya habang kunot noong nag-alala pa din
"Hindi po eh!. Tatawagan ko po–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at tatawagan na sana si Ethan ng…
" Nandito na si Sir Ethann!!!"
Ayts!. Nandito na pala ey!
____
–ETHAN POV–
Ningitian ko lang ang bawat taong madadaanan ko. May mga sinambit sila pero hindi ko pinakinggan, inaalala ko pa din ang nangyari sa akin kanina
Kung ano yun?? Ifla-flashback natin
***FLASHBACK***
Napahawak na lamang ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito at may mga nakaraang ipinakita
"Aaaahhhh!!!"
(**FLASHBACK 15 YEARS AGO**)
"Can I hug you for the last time, Ethan??"
Tumango-tango na lamang ako
At ang pagyakap ni Katherina, pinipigilan ko lang ang mga luha ko na huwag papatak
__
"Ba-bye Ethan, see you soon!"
Gustong-gusto kong pigilan si Kath, pero wala akong magawa
Nag- wacky muna ito, tapos ay tumawa. Kaya napatawa na lang din ako
'her smile. Hindi ko makakalimutan yan'
______
"Ethan! Picturan mo muna kami oh!"
Tiningnan ko naman si Klea
"Eh, bakit ako?!!"
"Sige na! Huwag ka nang maarte!!" aniya at ibinigay na sa akin yung phone niya
Wala naman akong ibang magawa
"Ayusin mo ah?!. At, maraming posts ah?!"
'Haist iba din!!'
"Sige²!! 1 2 3 smile!!"-ani ko at pinicturan cla
Napatigil na lang din ako ng makita ang smile ni Klea
'Yung smile niya, bakit ang familiar?! Anong ibig sabihin neto?!'
***END OF FLASHBACK***
'Yun ang mga nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin!'
'Ta's yung Katherina??. Hindi ko siya matatandaan. At bakit nasali pa si Klea'
'Hayst!. Ang gulo!'
'Pero kung hindi na ako maguguluhan. Kailangan ko nang maalala ang lahat-lahat'
'Kailangan nang bumalik ang memorya ko'
–END OF PART 38–