PART 2

1191 Words
Part II "Klea, napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sa'yo??" ani Pauline sabay upo at lagay nung binitbit niyang bag "Sayang din naman kasi kung tatanggihan mo pa. At isa pa, bagay din naman sa'yo yung role na gaganapin mo" dagdag niya Ako kasi ang ibibida niya sa next na teleserye niya Pinaupo ko muna si Khiera katabi ni Pauline at umupo na din ako "Pero Paul, hindi ba yan makakaapekto sa pag-aaral ko?? Gusto ko pang makapagtapos" "Klea. Huwag mo nang aalahanin yun. Kami na ang bahala diyan. Kadalasan din namang sabado at linggo tayo mag-shooting" "Mommy, iiwanan niyo po ba ako?. Wala na po bang magbabantay sa akin??" Sulpot ni Khiera "Khiera. Maghahanap din naman tayo ng yaya mo. Puwede ka namang isama namin sa shooting" "Mommy?? What's shooting??" "Never mind anak. Malalaman mo rin paglaki mo. O ito oh!" Ani ko at ibinigay sa kaniya ang isang biscuit Hinawakan naman ni Pauline ang kamay ko "Plssss Klea, pumayag kana. Ikaw lang kasi ang. nakita at nagustuhan ko. Plss Klea!!. Pleeeaassee!! Isipin mo. Para din naman ito kay Khiera” kulang na lang ay lumuhod si Pauline sa harap ko “Sge na nga Paul!. Mapilit ka eh!. Sisiguraduhin mo lang na, hindi ito makakaapekto sa pag-aaral ko” “Salamat Klea, SALAMAT!!” masayang sambit niya sabay yakap sa akin ng mahigpit “Mommy!! Tita Pauline!! Naiipit po ako!!” Ah oo nga pala. Yung anak ko.. “Sorry baby” ani ko sabay kumalas si Pauline “Im sure sisikat ka!, kayo ng magiging leading man mo. Madaming tao ang magkakagusto sa inyo, dahil bagay na bagay talaga kayo Klea” aniya. Napangiti na lang ako sa kaniya “Para oras na din Klea, na ipakita mo sa publiko ang kakayahan at ang tinatago mong kagandahan. At Im sure, luluhod sa harapan mo para magsorry. Ang pamilya na itinakwil ka. Peke mo pala silang pamilya. At ang mga taong, pinabayaan ka lang. Sa oras na kailangan mo sila” “This is your paghihiganti Klea. This is!” mahabang salaysay niya habang nag-imaimagine style pa Ilan segundo din ay nagring ang phone ni Pauline. Kaya agad niya itong kinuha at sinagot [Hello Direk. Ano na po?? Nakumbinsi niyo na po ba siya??] ani nung nasa kabilang linya “Yes na yes!!. Salamat at nakumbinsi ko na. Thanks godd!” [Good news yan direct. Sana ay ipakita mo na siya sa amin. Marami kaming nag-aantay dito] "Bukas na bukas. Pupunta kami diyan" [Sge direct. Excited na din yung ibang staff dito. Handa na rin ang hair stylist niya at make-up artist] "Sge-sige salamat" ani Pauline at ibinaba na ang phone niya "Sino yun??" takang tanong ko "Siya si Xander Sy. Bakla din. Siya ang magiging manager mo. Manager Sy na lang ang itawag mo" "Po?? Manager?? May manager agad ako??" di makapaniwalang tanong ko "Oo!. Hindi lang manager kung di, may hair stylist at make-up artist ka na. Personal assistant din. Matagal ko na kasing ipinakita sa kanila yung mga pictures mo. Sabi agad ni Xander na kapag papayag ka na raw maging artista ay siya agad ang magiging manager mo. Di nga siya makapag- Intay, pati na rin ang maging hair stylist at make-up artist mo. Atat na atat na silang makita at maayusan ka" Nalaglag na lang ang panga ko sa sinabi niya All this time, excited talaga sila??. Paano kung ayaw ko??. Chaaar!!. Para din naman ito ni Khiera. Para hindi na rin kami aasa kay Pauline "Mommy, hindi ba tayo bibili ng ice cream???" Nabaling ang atensyon ko kay Khiera. Katatapos lang pala nito sa biscuit niya “Ayun po mommy oh!. Can we buy po?? Plss!” aniya at nagpapacute pa sabay turo kay manong sorbetero “Sge na nga!. Isa lang ha??” ani ko. Niyakap namn ako neto ng mahigpit “Thank you po mommy!” masayang sambit niya ___________________________________ “Congratulations Klea!. Ikaw naman ang first honor sa lahat” ani ma'am Joy. Teacher ko sa English Ipinaskil na kasi kanina sa bulletin board ang mga honors para sa 3rd grading. At ako yung first honor!!. Congrats self!! “Salamat po maam” ani ko at ngumiti “Ipagpatuloy mo yan iha. Alam kong kapag ikaw ang magiging top 1 pa din sa fourt grading, ay ikaw na ang valedictorian” “Salamat po ulit maam!” “Mauna na ako sa iyo iha. Pumasok ka na din" “Sige po maam.Salamat po ulit” Nagngitian muna kami bago siya umalis. Pag-alis niya ay tiningnan ko ang bulletin board “Hayst! Ang sarap sa feeling maging top 1!” napapangiti na lang ako at nagdesisyon nang pumunta sa classroom. Baka ma late pa ako ___________________________________ (~FAST FORWARD~) Habang naglalakad ako palabas ng university na'to habang dala-dala ang tatlong libro at ang proyekto ng science ay biglang... **BEEP Hindi ko namalayan na natumba na pala ako at lahat ng dala ko ay nasa sahig “Ang project ko!!” sigaw ko ng makita kong basag na ito Dali-dali akong tumayo at pinuntahan yung sasakyang malapit nang makabangga sa akin. Mabuti at huminto siya, pero hindi bumaba “Hoy bumaba ka jan!!. Kung sino ka man!. Wala kang modo!!. Bayaran mo yung project ko!!. Hayop ka!. Muntik mo na akong sagasaan ha!. Bumaba ka jan!!. Bumaba ka!!” galit na sabi ko habang sinipa-sipa at katok-katok sa kotse niya Di parin siya bumaba kaya sinipa-sipa ko pa “SABI KONG BUMABA KA JAN EH!. HINDI MO LANG BA, BABAYARAN ANG PROJECT KO!. IPAPAKULONG TALAGA KITA KAPAG HINDI KA BUMABA DI-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto Kaya't natumba naman ako. Hayst!. Dali-dali akong bumangon “Ano bang kailangan mo miss?” Tumingin ako sa kaniya. Shakte!!. Ang gwapo niya. Pero Klea, galit ka sa kaniya. Galit ka “Grabe!. Kung makaasta ka, parang walang nangyari!” matapang kong saad Ganyan nga Klea! “Malapit mo lang naman akong sasagasaan!. At YUNG, PROJECT KO SA SCIENCE! NABASAG MO!” dagdag ko pa Dumukot naman ito sa bulsa niya. At kinuha ang pitaka. At kumuha ng 5k. Anong akala niya!!? “Is this enough??” aniya sabay pakita nung 5limang libo at binitawan yun. Bastos noh??! Pinulot ko yung 5k at bumalik ng tingin sa kaniya “Thanks ha??. But no thanks!” sambit ko sabay kuha sa kaniyang kamay at ibinalik don ang pera “Sige na!. I know that your need money lang naman eh!. Ganyan naman kayong mahihirap” Anong tingin niya sa akin, mukhang pera?? “Hoy! Hoy! Hoy! Anong tingin mo sa akin?? Mukhang pera??. At isa pa, ang yabang mo din eh noh!?. Porket mayaman ka!, ganyan-ganyanin mo na ang mahihirap!!” “FYI!. Lalaking walang modo, bastos, walang respeto na mayabang!. Kakarmahin ka sana!! Chee!!” sigaw ko sa kaniya at umalis na Pinulot ko na ang libro ko at yung nabasag na project ko tapos tinapon. Sayang, ipapass ko pa naman bukas. Gagawa na lang ulit ako ng bago ___________________________________ (~BAHAY~) Inis-inis akong umuwi. Sino pa naman kasi ang hindi iinisin sa nangyari kanina! ___~END OF PART II~___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD