___________________________________
–KLEA POV–
"Oh! Klea!. Bakit nakabusangot ka diyan!" ani Pauline. Nakauwi na pala siya
"Mommy, are you okay??" sambit naman ni Khiera at yumakap sa akin
"Anak, puwedeng doon ka muna. Play with your toys. May pag-uusapan lang kami ng Tita Pauline mo" aniko sabay harap sa kaniya
"Ok po mommy" aniya at umalis
Pagkaalis niya ay nagsalita agad si Pauline habang akoy sumandal sa sofa at nag crossed-arm na inis na inis pa din
"Bakit ka nakabusangot Klea??"
"Kasi Pauline!. Malapit na akong masagasaan ng isang pangit na nilalang na walang modo, respeto at mayabang!" aniko sabay tayo
"Sure ka bang, pangit??"
"Oo I mean hindi!. Oo na nga!. Gwapo skya, pero anyabang!. Sobrang yabang talaga!. Eeeeee!!!. Bwesit siya!!. At isa pa, nabasag yung proyekto ko sa science!. Bukas pa naman I pass yun!"
"Bukas?? Diba sabado bukas??"
Ah oo nga pala. Sabado pa pala bukas
"May pag-asa ka pang gawin yun"
"Basta!. Bwesit ang lalaking yun!!"aniko at nagmartsang patungo sa kuwarto
___________________________________
KINABUKASAN
Nandito na kami sa tapat ng management nina Pauline. Dinala muna namin si Khiera at karga ko siya ngayon
"Good morning direk Pauline!"ani nung isang staff siguro
Ngitian lang ito ni Pauline. Marami ding bumati sa kaniya
____
"Ok guys!. Let me introduce you. Ms. Klea Nicole Aguas" pagpapakilala sa akin ni Pauline
Marahan ko munang pinatayo si Khiera tapos ngumiti sa kanilang lahat
"Hello po sa inyo lahat!" masiglang sambit ko
Nakarinig naman ako ng bulungan-bulungan nila
"Ang ganda niya!"
"Mas maganda pa siya sa personalan"
"Bagay na bagay lang sa kaniya si Ethan"
Hindi ko na sila pinakinggan
"Klea!. Si Xander Sy. Manager mo" pagpapakilala sa akin ni Pauline dun sa isang bakla
"Good morning po Manager Sy" ani ko at nakipagkamay. Tinanggap naman niya ito
"Hay naku! Bata ka! Ang ganda-ganda mo!" aniya
"Salamat po" ani ko at binitawan na ang kamay naming magkahawak
May lumapit sa aming kambal ata ito na dalawang babae at isang bakla
"Siya naman si Lisa, hair stylist mo "
Tiningnan ko yung Lisa nakangiti pa ito sa akin…
"Hello po Ms. Klea!" aniya at nakakaway pa
"Hello"
"Tapos, yung kakambal niya, si Lucy. Make-up artist mo" ani Pauline
"Good morning po"
"Good morning din" balik kong bati doon sa Lucy
Nag-one step si Pauline …
"At last, Siya si Rey, Reyna na lang ang itawag mo sa kaniya. Siya yung magiging Personal Assistant mo" pagpapakilala niya don sa bakla
Ngitian ko na lang ito…at silang lahat
"Grabe Pauline!! Redyng ready na nga talaga! Tsaka ang babait pa nila!"
"Sabi ko naman sayo eh!"
"Pero ako. Hindi pa ako ready" malungkot kong sambit
"Huwag kang ganyan!!"
Tumingin naman siya sa may bandang gilid niya at tinawag si Lucy
"Lucy!!!"
"Yes po, direct Pauline!!"
"Asan si Ethan??!. Dumating na ba siya??. Kailangan nilang magkilala ni Klea"
"Yun na nga po ang problema direct eh!. Wala pa po si sir Ethan!. Tinatawagan na namin siya, pero hindi siya sumasagot!" wika naman nung Lucy
"Naku talagang batang 'yun!"
At tumingin siya sa akin…
"Pasensya ka na Klea ah!? Hindi mo pa ngayon makilala si Ethan. Ang lading man mo"
"Okay lang yun Pauline. Baka hindi talaga itinadhanang magkita kami ngayon"
Iniwan ko naman siya at pinuntahan ang anak ko. Si Khiera na kinakausap ngayon ng ibang empleyado
"Uhmm. Excuse me!!" wika ko. Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat
"Ma'am Klea, nandiyan ka po pala!"
"Mommy!!!!" patakbong sambit ni Khiera at niyakap ako. Kinarga ko naman siya
"Nakakatuwa po ang anak niyo ma'am Klea!"
"Klea na lang. Napaka pormal naman kung Ma'am Klea. Pareho din lang naman tayo dito" sambit ko
"Sge. Klea. Ako pala si Gail at soya naman si Heart"
"Nice meeting sa inyong dalawa" aniko
"Sayo din Klea. Napakabait mo. Maiwan muna namin kayo. Meron pa kasi kaming trabaho eh!" Sambit ni Heart
"Sige-sige. Naintindihan ko"
[~BAHAY~]
"Mommy"
"Yes anak? Bakit??"
Pinapatulog ko muna siya ngayon. Tapos pagnakatulog na siya, gagawa na ako ng mga assignments
"Malapit na po yung 4th Birthday ko"
Oo nga!. 3 months na lang, birthday na niya
"3 months pa ang lilipas anak. Matagal-tagal pa din yun"
"But for me, malapit na yun mommy" aniya
"Sige nga. Malapit na nga lang. Ano ang gusto mong regalo??" aniko habang tinapik-tapik ng marahan ang kaniyang balikat
"Alam niyo naman po na isa lang yung gusto ko diba??. I want to meet my daddy, mommy. Wala naman po bang masama dun diba??"
"Oo anak. Walang masama"
"Tutuparin niyo po ba ang kahilingan ko?. Hahanapin niyo po ba si daddy??"
Ilan segundo muna ako nakapagsalita
Ang hirap bhie!. Ano ba ang isasagot ko sa Batang ito!
"Mommy?? Hahanapin niyo si daddy?!"
"Oo anak!. Ita-try ko. Si Lord na ang bahala"
"Promise po?!"
Ngumiti na lang ako sa kaniya. Hindi ako maka pangako. Ang hirap hanapin sa taong hindi ko kilala!
"Sige anak. Matulog ka na!. Good night!" sambit ko sabay ayos sa higaan niya
At bumaba na din ako sa kama niya
"Good night din mommy!. I love you!"
"I love you din anak!"
At hinalikan ko siya sa noo at pisngi niya
Ipinikit naman din niya ang kaniyang mga mata. Kaya ini-off ko na ang ilaw. At lumabas na din ng kuwarto niya. Hindi naman siya matatakot na siya lang mag-isa. Nasanay na aiya. At paminsan-minsan rin, tinatabihan ko siya
Pagkalabas ko ay lumapit agad ako kay Pauline na naglo-loptop. Pero ako, malungkot pa din. Iniisip ko pa din yung sinabi ni Khiera
"O Klea, malungkot ka ata. May problema ba??"
Napansin niya pala ako
"Si Khiera kasi eh!. Ang anak ko" sambit ko sabay harap sa kaniya
"O bakit?? May problema ba sa kaniya??" aniya habang nagta-type pa din
…
"Hiniling niya ulit. Sa 4th birthday raw niya. Gusto na niya makita ang daddy niya"
Napatigil naman ito sa ginagawa niya at tiningnan ako
"Nag promise ka naman sa kaniya??"
Tumango-tango naman ako
"Patay tayo dyan!. Alam mo yang anak mo. Kapag promise, promise talaga. Dapat tuparin!"
"Yun nga eh!. Hindi ko alam, kung sino yung lalaking yun!. Ang hirap hanapin Pauline kapag hindi mo kilala yung tao!"
"Diba, naikuwento mo sa akin noon na. Pauwi ka noon, 4 years ago. Sa bahay niyo. Then may biglang dumukot sayo na mga armadong lalaki??"
"Oo. Bakit??"
"At Doon naganap ang hindi inaasahan. At nagbunga, si Khiera na yun"
"Isa lang ang masasabi ko sa taong yun. Demonyo siya. Wala siyang puso!" galit na sambit ko
"Feel ko lang ah?! May gusto sayo ang lalaking yun, matagal na. And mayaman siya, base dahil may mga tauhan siya" aniya
"Tsk!. Kung mayaman siya, hindi sana niya ako pinabayaan nung panahong walang-wala na talaga ako!. Pinanagutan na niya sana si Khiera, nagpakilala na sana siya sa akin!"
__~END OF PAT lll~__