PART 40

1149 Words
–ETHAN POV– "Oo, yan ang tingin mo para sayo. Pero para sa akin, pagmamay-ari kita. Kaya't pasensya na sa gagawin ko sayo" Hahalikan ko na sana si Klea ng may ipinakita ang isip ko ****** "TULONGGG!!! TULUNGANN NIYO KOO!!!!" Napapangisi na lamang ako sa babaeng nandito sa harap ko. Hindi din naman siya makakatakas dahil may tali siya "Kuya huwag PO. Maawa po kayo sa akin. Bata pa po ako. Marami pa akong mga pangarap" mangiyak-ngiyak niyang sambit Pero?? Tsk!. Wala akong pakialam! Lumapit naman ako sa kaniya at may itinakip sa ilong niya. Kaya ayun!. Nakatulog ****** 'Sino yung babaeng yun??. Bakit blurd ang mukha niya??. At bakit ko nagawa yun??' "AAAAHHHHH!!!!!" napahawak na lamang ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito Tapos ay may mga ipinakita namang larawan ng mga babae at lalaki na namamatay, sobrang duguan pa ang mga ito 'Sino-sino sila??. Bakit ba ganito??" "UGGGGHHHHHH!!!!!" ____ –KLEA POV– Nakahawak pa din si Ethan ngayon sa ulo niya, pero hindi na siya sumisigaw at nanatiling nakayuko. Kaya ako na lang ang nagsalita "Ethan, okay ka lang??" mahinahon kong sambit Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang dalawang kamay niya. At tumingin sa akin "Anong nangyari sa–" pinutol naman niya yung sasabihin ko "Bumalik na tayo dun Klea. Panigurado akong hinahanap na tayo nina Pauline" _____ –GERALD POV– 'Nakaka badtrip naman oh!' Malapit ko na sanang mahalikanzz si Klea eh! Pero umepal si Insan at kinaladkad si Klea. At ngayon, hindi namin alam kung nasaan sila. Hindi ko din alam eh!. Kung bakit hindi ko sila napigilan kanina "Na-contact niyo ba silang dalawa??" tanong ni Pauline doon sa iba. Ngunit, umiling lang sila Lumapit naman sa akin si Direk Pauline "Iho Gerald, ano ba talaga ang nangyari??" tanong niya nung makalapit siya "Nag-uusap lang po kami ni Klea. Tapos ay bigla siyang dumating at kinuha nga si Klea. Ta's wala siyang pasabing umalis!" Napahawak na lamang siya sa noo niya. Sobrang nag-alala na ngayon ni Direk Pauline at ng iba pa. Maging ako man din "Direct nacontact ko na sila!" sambit nung manager nila Klea at Ethan ata?? "Anong sabi??" "Sabi ni Klea, pabalik na sila dito. Huwag na po tayong mag-alala" sagot nung manager "Thanks godd!" ___ –GASPER POV– "Bro, may nakuha ka bang inpormasyon kay Gerald??" tanong ko sa matalik kong kaibigan sa kabilang linya. Well, he's a investigator [ Meron bro, pero hindi pa lahat] sagot naman niya "Just tell me kung ano ang nakuha mo" sabi ko sabay tayo at nagtungo malapit sa bintana [Sure akong totoo ito. Pumapatay lang naman siya ng mga tao. In short, mamamatay tao] "WHAT??!! Is that true??" medyo mahina kong sambit. Baka madinig kasi ni Celine [ Oo. Dahil nagpunta na din ako sa police station kanina. May mga criminal records siya, r**e and etc. Pero ni hindi siya nakulong. Parang may nag-tinatakpan yang Gerald na yan!. And hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Mr. Ethan Daniel Rivera] "Huh?!!. Si Ethan?!?" gulat na gulat at lito-lito kong tanong [ Pero in his case, last almost 5 years ago pa. Pero itong si Gerald 2 months ago] "Ganon ba. Hindi pa din ako makapaniwala kay Ethan. Salamat bro. Ipagpatuloy mo lang ang pag-iimbestiga sa lalaking yun" [ Makakaasa ka bro. Trabaho ko din naman ito ] "Huwag kang mag-alala. Bibista ako dyan kapag may free time ako" [Sge bro] binabaan ko na siya ng tawag 'Tama nga ang kutob ko. Meron ngang tinataguan ang Gerald na yan!' "Babe??" Hala ka!. Paktay! Dahan-dahan ko namang nilingon si Celine. At gulat na gulat pa ang ekspresiyon na may halong kalituhan na din "Sino yung kausap mo??. At bakit may narinig akong iimbestigahan??. May pina-iimbestiga ka??. Sino naman yun??" sunod-sunod niyang tanong Nilapitan ko naman siya at inilagay niya muna ang bitbit niya sa lamesa "Babe, may ikinuwento lang sa akin ang kaibigan kong investigator" mahinahon kong sambit sa kaniya "Huh??. Bakit naman niya na-ikuwento sayo??. May koneksiyon ka ba sa iniimbestigahan niya??" Hala… Anong isasagot ko?? Hindi pa naman niya puwedeng malaman ang lahat Hinawakan ko muna ang mga balikat niya "No babe. Yung kaibigan ko na yun ay madaldal talaga. Kaya ayun!. Naikuwento niya sa akin" "Bakit nga!!??. Dahil babae yung iniimbestigahan niya noh?!. Tapos maganda at mayaman??!!. ANO HA?!!" Napabuntong hininga na lang ako at niyakap siya "Don't get jealous babe. Lalaki yung iniimbestigahan niya. At isa pa (kumalas ako at hinawakan ang mukha niya tapos ay tiningnan ito ng mabuti) Ikaw lang yung babaeng mahal ko. Babaeng mahal na mahal ko" Gumuhit naman ng ngiti sa mga labi niya at namula pa ang pisngi niya "Mahal na mahal kita babe!" sambit ko at hinalikan siya sa noo "Mahal na mahal din kita Gasper" Tinaasan ko naman siya ng kilay. Akala niyo siguro na mga babae lang ang marunong, kami ding mga lalaki noh! "Hala! Bakit??" "Tinawag mo'ko sa pangalan ko??. Hindi ba…" sambit ko na may ibig na ipahiwatig "Okay fine. Mahal na mahal din kita babe" Napapangiti na lamang ako at hinalikan ulit siya sa noo ____ (GABI) –ETHAN POV– Hindi pa din mawawala sa isip ko ang nangyari sa akin kanina Gusto ko nang explanations para malinawanagan ako. Or baka, alam nil mom and dad Yeah! Sa kanila na lang ako magtatanong "Ethan, ok ka lang?? Ano bang nangyari sayo kanina??" pambabasag ni Klea sa katahimikan "Hindi ko din alam Klea" tanging sagot ko na lang at nagfocus ang tingin sa daan … … ***fast forward (gabi)*** Nandito na ako ngayon sa bahay. Nakita ko naman kaagad sila dad and mom na kumakain sa dining "Good evening anak, nandiyan ka na pala" sabi ni mom pero binalewala ko na lang Nakatayo lang ako sa harapan nila "Oh bakit nakatayo ka lang dyan anak??. Kumain ka na oh!" sambit naman ni dad Inilagay ko muna ang bag ko at nagsalita na din "Mom, dad!. May dapat ba akong malaman??. May dapat ba kayong aminin sa akin??" Napatigil naman silang dalawa sa kakain. At nagkatinginan pa "Huh?? Anong ibig mong sabihin anak??" Si dad "Bigla pong sumakit ang ulo ko kanina at Kahapon na din. May mga ipinapakitang hindi ko maiintindihan. Pumatay raw ako ng tao at etc!" litong-litong sambit ko "Wala kaming alam dyan anak!" "Tanging kayo lang po ang may alam sa mga pinaggagawa ko noon!. Magsabi na po kayo sa akin!. Mom! Dad!" Nagkatingan naman ulit silang dalawa "Pasensya na anak. Wala talaga kaming alam" sambit ni dad "ALAM KONG NAGSISINUNGALING LANG PO KAYO!" hindi ko na mapigilang taasan sila ng boses "Kung ayaw niyo pong sabihin. Aalamin ko na lang po" aniko sa kanila at umalis na "AANNAAKK!!!" Hindi ko na nga sila pinansin at muling lumabas sa bahay'ng ito 'Gusto ko nang mga sagot sa tanong ko' 'Maghahanap ako ng paraan para muling makaalala ako' –END OF PART 40–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD