…3 DAYS PASSED…
~KLEA POV~
3 days na ang nakalipas nung nag photoshoot kami. And, bwesit talagang Ethan na yun!. Panira ng araw!
'As in ah!? Araw-araw grrrr!!!!'
At eto na naman siya...
"Hi miss masungit!!. Good morning!!"
Tiningnan ko lang siya at ngumisi lang ang loko. At, nagpatuloy na din sa paglalakad
Breaktime pa pala namin ngayon
"Ay grabe naman!. Hindi man lang ako binati ng good morning din"
Nagpatuloy pa din ako sa paglalakad na walang tingin sa kaniya
"Miss masungit talaga oh!"
Dahil sa gusto ko na siyang umalis, huminto naman ako at hinarap siya. Dahilan nang pag hinto din niya
"Puwede ba Ethan! Tantanan mo na ako!!. Bat ba palagi kang sunod ng sunod!!?"
"Mag good morning ka din kasi sa akin!!"
"Hell no!!" wika ko at tinalikuran ulit siya at naglakad
"E di susundan at susundan pa rin kita!!"
Napangisi naman ako sa naisip ko. Tutal malapit lang din naman kami sa cr ng mga girls
"Tingnan lang natin kung kaya mo pa ba akong sundan"
Pumasok naman ako dun sa cr ng mga girls
"Eee!! Bakit yan nandito?!!"
"Palabasin mo yan girl!!!"
Tumingin naman ako kay Ethan. At isang ngisi ang natanggap niya sa akin habang naka crossed-arm pa
Kaya wala siyang ibang nagawa, kundi umalis na lang
[ F A S T F O R W A R D ]
Mag te-ten minutes na ata ako dito sa cr. Hindi kasi ako lumabas, baka naghihintay si Ethan sa akin sa labas. 20 minutes na lang mag bell na para sa susunod na subject
'Nagugutom na ako!!!'
"MA FRIEND!!"
Pumasok naman ang babaeng ito
"Nandito ka lang pala!. Saan-saan na kita hinanap eh!"
"Bruha, nakita mo ba yung lalaking nagsundo sa akin nung Tuesday sa room?? Si Ethan?!"
"Huh?! Bakit??"
"Nakita mo ba siya sa labas?? Nitong cr??"
Nagtataka naman siya sa sinabi ko
"Uhmm… Wala ma friend! Bakit??"
"Wala!. Sige, salamat bruha ah?!" wika ko. "Teka, bakit mo pala ako hinahanap??"
"Eh kase… Hindi pa ba tayo kakain?? Gutom na gutom na ako!!"
"Sige nga. Tara na!" sambit ko sabay hila sa kaniya
[ C A N T E E N ]
~ETHAN POV~
Inaasar ko lang naman kasi si Klea kanina. Bakit?! Wala lang! Gusto ko lang makitang mainis siya, HAHAHAH
"Insan, baliw ka na ba?? Bakit tumatawa kang mag-isa??"
"Wala!. May naalala lang ako about sa nangyari kanina. HAHAHAH"
"Ah okay!"
Nagpatuloy naman kami sa kinakain namin
Ng biglang…
"Hi Gerald!. Its me again!"
Napatingin ako dun sa babae
"Celine!" Ani Insan. So Celine pala ang pangalan niya, siya yung nakita kong palaging kasama ni Klea
"Puwede bang maki-share ng table sa inyo?!" aniya
"Of course!!, maluwag pa man din"
Tumabi naman sa akin yung Celine. Bale, magkatapat silang dalawa
'Mas mabuti pa sigurong, aalis ako noh?!'
"Mukhang kailangan niyo ata ng privacy?! Aalis na lang ako ah?!" wika ko sabay tayo
Pero may pumigil sa akin
"Si Insan nagdrama. Dito ka lang!!" Wika ni Gerald at pinaupo ako ulit
"Oo nga Ethan, mas masaya kapag kompleto tayo dito" si Celine
'Huh?? Ano raw?!'
"MA FRIENDD!!! IM HERE!!!" sigaw niya at kumaway-kaway pa
Tiningnan ko naman yung kinawayan niya. At, napapangisi na lang ako
SI Klea lang naman. Si Miss Sungit
'Iinisin lang kita babae ka. HAHAHAH'
Kitang-kita ko namang tumingin siya sa akin. At ang kanina niyang napakasayang mukha nung makita si Celine, ay napalitan ng galit / inis
At mas maganda pa kasi, magkaharap kaming dalawa
"Nandito ka namang lalaki ka!? Bakit ba kung saan ako pupunta makikita kita?!. Sinusundan mo yata ako noh?!"
'Tsk!? Ako pa talaga?!'
Hindi naman ako nagpatinag at tumayo din ako
"Correction Miss Sungit. Ako ang mas nauna dito sa canteen. So ikaw ang sumusunod sa akin, hindi ako. Okay?!"
Nakataas lang ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Miss sungit talaga! Or Miss Suplada na lang. HAHAHAH
"Come on guys, canteen 'toh oh!. Kaya tutal nandito ang lahat ng studyante, para kumain. Walang mas nauna sa inyo"
Umupo na lang ako
"Oo nga ma friend. Umupo ka na, para makapagsimula na din tayong kumain"
___
–KLEA POV–
Kung suntukin ko kaya ang lalaking 'toh?!. Panira!
Masaya na sana ako oh!, kasi nandito si Cutie Gerald. Pero… grrrrr!!!
"Oo nga ma friend. Umupo ka na, para makapagsimula na din tayong kumain"
"Maghahanap na lang ako ng ibang mauupuan" ani ko
"Go!. Kung makahanap ka"
Hindi ko na pinansin si Ethan. At tumalikod na sa kanila
At ng biglang…
'Bwessiiittt!!!'
'Imagine! Napuno yung canteen!! Ni isang upuan wala!. Dito lang talaga!!. May naghahanap pa nga ng ibang estudyante na mauupuan nila'
Humarap ulit ako sa kanila
"O ano miss sungit?! Nakahanap ka?! HAHAHAH"
'Grrr!!!'
Wala akong ibang nagawa kundi umupo na lang
"Malas ka kasing lalaki ka eh!"
__
GABI, 8: 09 PM
~ETHAN POV~
Papasok na ako ngayon sa bahay ng biglang may nagtext sa phone ko. Kaya kaagad ko itong tiningnan
]Direk Pauline❤
Good evening Ethan! Huwag mo sanang kalimutan bukas ah?!]
Aw oh!. Bukas. Magsisimula na kaming mag shooting
[From Ethan❤
Good eve din Direk!. Hindi ko po yan makakalimutan!] reply ko at pinatay na din ang phone
Pagpasok ko ay nakita ko naman kaagad sila mom and dad. Para atang kadadating lang nila
"Good eve mom!. Good eve din dad!" sambit ko at humalik sa pisngi nila
"Good eve din anak!"
"Kadadating mo lang din naman pala. Akala namin na, natutulog ka na"
"Nope. Eto nga ako oh!" Biro ko
"Ikaw talaga anak ah?!. O siya!, mauuna na akong matulog sa inyong dalawa!"
"Sige hon"
"O sge" ani mommy at umakyat na papaitaas
___
F A S T F O R W A R D
Matutulog na sana ako ng bigla kong naalala na, may nagtext pala kanina. Nung nagkukuwento kami ni daddy
Kaya naman chineck ko kung sino ito
[Direk Pauline❤
Pakisundo na rin dito sa *****. Si Klea. Isasama ko sana siya, kaso. Mas mabuting sabay kayong pumasok. Sige Ethan ah?! Salamat!]
Napangisi ulit ako. Wala lang! May balak lang ako kay Klea bukas. HAHAHAH
[From Ethan❤
Sige Direk. Maasahan niyo po ako. Always?]
___
~KLEA POV~
Mahimbing ng natutulog ngayon si Khiera. Kaya dahil hindi pa ako inaantok, nagbabasa muna ako ng w*****d books
WAAAHHH!! Ito yung bagong libro ni ate Ziara Tuazon eh!. Actually, yung isa niyang libro, nabili at nabasa ko na. Favorite author ko yun eh!
"Uhmm Klea?!"
Lumapit naman ako kay Pauline
"Yung writer pala ng movie na gagampanin niyo ay, gusto niya raw kayong makilala"
"Uhmm okay!. Sino ba siya Pauline?? Anong name niya?!"
Ilan segundo muna ito bago nagsalita
"Si Ms. Ziara Tuazon"
At nagulat na lang ako sa binaggit niya
'Is this real!?? Kyaahhh!'
"WHAT??!! SERIOUSLY PAULINE?!!"
Dahil napagtanto kong ang ingay ko ay, hininaan ko na lang ang boses ko
"Eh, idol na idol ko si Miss Ziara eh!"
'Waahhh!! My ghodd!! I'm so excited!!!'
–END OF PART 8–