~KLEA POV~
Time check✔ 7:20 a.m
Sobrang excited ko na talaga sa araw na 'toh!. Mame-meet ko na yung pinaka-idolo ko!! Si ms Ziara!!
Habang tinutulungan kong maghahanda ng almusal namin si Darl (Yaya ni Khiera) ay nakita ko namang pababa ng hagdan si Pauline
"O Pauline, aalis ka na?!"
Huminto naman ito at humarap sa akin
"Yes Klea. Mauuna na ako sa iyo"
"Eh, mag-almusal ka muna" wika ko
"Doon na lang. And, pupunta si Ethan dito mamaya. Susundo sa'yo"
Bigla namang nag-init yung dugo ko dahil nadinig ko naman ang pangalan niya
"Huwag na Pauline. Magta-taxi na lang ako. Kaya ko naman din"
"No no!. Pumayag na si Ethan. Sige na, aalis na ako"
May sasabihin pa sana ako ng umalis na
'Hay naku!. Ang saya-saya ko na ngayon oh! Tapos, manggugulo naman yung Ethan na yun!. Tsk!'
Bumalik naman ako sa kusina. At nakita ko naman kaagad si Darl na nilalagay ang huling luto namin
"Darl, kamusta pala yung pag-aapaga mo sa anak ko?! Okay lang ba siya?! Hindi ba nangungulit sayo?!" ani ko sabay upo
"Hindi naman po ma'am. Nakakatuwa nga yung anak mo!. Minsan lang, napakadaldal!!"
Napatawa naman ako…
"Haist! Ganyan talaga yan!. Hindi ko alam kung saan nagmana!. Hindi naman ako madaldal!. At tsaka, Klea na lang ang itawag mo sa akin" sambit ko
"Sige. Puwede ba magtanong Klea?!"
"Oo naman!. Ano yun?!"
"Sino ba ang tatay ni Khiera?! Nasaan siya?!"
Napatigil naman ako sandali dahil sa tanong niya
…
"Mahabang istorya" tanging nasagot ko na lang
___
(~ETHAN POV~)
Nandito na ako sa harap ng bahay nina Pauline. Tapos na rin akong mag-doorbell. Naghihintay lang ako kung sino ang bubukas ng gate
Ilan sandali pa'y
"Kuya Ethan!!!"
Napatingin ako dun sa baba. Si Khiera ang nagbukas sa akin
"Khiera, asan yung mommy mo?!" tanong ko sabay pantay sa kaniya ng tayo
"Nasa loob po!. Hali po kayo! Pasok po!"
Nakasunod lang ako sa kaniya habang papasok kami
*Lakad
*Lakad
*Lakad
"MOMMYYY!! nandito po si Kuya Ethan!!!" sigaw niya doon sa may itaas
May nakita naman akong babae doon sa may kusina, naglilinis. Ngunit, binaliwala ko na lang ito. Baka, yaya lang nila
"Khiera anak"
Napatingin naman ako sa kanila. Nakababa na pala si Klea
"Ang palaging bilin ni mommy ah?! Magpakabait ka kay Darl!. Okay ba?"
"Always mommy!!" nakangiting sambit ni Khiera
"Very good anak!. O sge na, aalis na kami ng kuya Ethan mo" aniya sabay tayo
(SA LOOB NG SASAKYAN)
Mga 5 minutes pa bago kami makarating ni miss sungit. At ito, kanina ko pa talaga napapansin na, sobrang tahimik. As in!. Na miss ko tuloy ang kaingayan niya
"Uy miss sungit!. Bakit tila kanina ka pa tahimik dyan!" ani ko sabay tingin-tigin lang sa kaniya. Kailangan ko kasing mag focus sa daan
Ngunit tahimik pa din siya
"Naging pipi ka na ba?! Kung nga. Magandang balita! Hindi ko na maririnig ang kaingayan mo!!"
"Wala kang paki!! At puwede bang, huwag mong sirain yung napakagandang araw ko ngayon!"
"Bakit ba?! Birthday mo ngayon?!"
Tumawa naman siya…
"Sira!! Magdrive ka na nga lang!. Nagsimula na akong mainis sayo eh!"
___
(~KLEA POV~)
Pagka park ni Ethan ng kotse niya, bumaba na din ako. Hindi ako katulad ng iba noh! Na naghihintay pang may bumukas!. Napaka Arte!!
Excited na excited na talaga ako na makita si Ms. Ziara. Actually, dinala ko nga yung libro niya para papipirmahan ko. Eee!! I'm so excited!!
'Pero I wonder lang, ano kaya yung title ng gagampanan namin?! Hindi pa kasi sinabi eh!'
Papunta na sana kami doon sa office ni Pauline ng biglang humarang si Manager Sy. Myghoodd!! Manager din pala ito ni Ethan!!
"Good morning manager Sy!" dinig kong bati ni Ethan
"Good morning po!!" bati ko din
"Good morning din sa inyong dalawa!!. Mabuti at dumating na kayo, naghihintay na siguro ngayon si Miss Tuazon sa inyo!"
"Huh?! Talaga po!? Asan po siya??!" excited na sambit ko
"Tara na nga!. Mukhang excited ka na eh!"
"Heheheh. Syempre po!"
___
…
"Miss Tuazon, nandyan na po ang gaganap bilang Aze at Ziara" sambit ni Manager Sy dun sa babaeng nakatalikod sa amin
'Ma heart!! Ang lakas ng t***k niya!!. Kyaahhh!!!'
Ini-ready ko na ang phone ko dahil unti-unti na siyang humarap
'Waahh!! Ang ganda niyaa!!!!'
"Hi sa inyong dalawa!!" nakangiting sambit niya
"Hi po Miss Tuazon. I'm Ethan" ani Ethan at nakipagkamay kay idol
"Hello Ethan. You are Aze"
'Aze??!! Yun ba yung 100 days with you??!! Kyaahhh!!!! Ang sayaa koo!!!'
"Hi"
'Ako ba yung tinutukoy niya?!'
"Hello po!!!. Klea po!!" ani ko at nakipagkamay. Actually, basang-basa na nga yung kamay ko dahil pinagpawisan dahil nga sa sobrang excited ko na makita siya
"So ikaw pala yung gaganap na ako" aniya
"Alam niyo po. Idol na idol ko po kayo eh!. Puwede po bang payakap?!!"
"Uhhmm sure!"
Pagkasabi niya ay niyakap ko naman siya kaagad
Ngunit mga 3 seconds lang ata yun kasi humiwalay na din ako
"Dahil nakilala ko na kayo. So, start na tayo!?"
"Pero wait po muna!" ani ko sabay pigil sa kaniya
"Bakit Klea?!"
"Puwede po bang, bago dyan. Pakipirmahan po ito?!" wika ko sabay kuha ng libro na nasa small sling bag ko at ballpen na din
"Sure!! No problem!"
(~ETHAN'S POV~)
Myghodd! Kanina pa ako naboboringan dito. Grabe ang babaeng ito, parang ngayon lang nakakita ng sikat
"Dahil nakilala ko na kayo. So, start na tayo!?"
'Ay yes! Salamat!'
"Pero wait po muna!"
'Haist Klea!!! Grabe!!!'
"Bakit Klea?!"
"Puwede po bang, bago dyan. Pakipirmahan po ito?!" ani Klea sabay kuha doon sa bag niya
Libro lang pala at ballpen
"Sure!! No problem!"
Agad naman yung pinirmahan ni Miss Ziara. At ibinalik din kay Klea
"Maraming salamat po!!"
"You're Welcome. Tara na! Magsimula na tayo"
'At sa wakas!'
__FAST FORWARD__
Pagkatapos naming mag familiarize ng first scene ata, ay itong dalawang 'toh, kanina pa nag-uusap
"Alam mo ba miss Ziara. Idol na idol ko po talaga kita eh!. Pero sayang po nung, araw po ba na sabi nila na ipinakilala niyo si Aze sa mga tao. Sayang po, wala po ako nun!"
"E, bakit hindi ka pumunta?!"
"Wala po akong pera nun eh!. Ta's nahiya na akong manghingi kay Pauline. At alam niyo po ba, pinapangarap ko lang noon na makita ka at maka-usap. Ngayon oh! Natupad na!"
"Matutupad din naman ang mga pangarap mo, kung matuto kang maghintay"
___
Dahil bored na talaga ako. And its 10: 09 am. Naisipan kong, bumili ng makakain
Tatayo na sana ako ng biglang…
"Ethan! Picturan mo muna kami oh!"
Tiningnan ko naman si Klea
"Eh, bakit ako?!!"
"Sige na! Huwag ka nang maarte!!" aniya at ibinigay na sa akin yung phone niya
Wala naman akong ibang magawa
"Ayusin mo ah?!. At, maraming posts ah?!"
'Haist iba din!!'
"Sige!! 1 2 3 smile!!" ani ko at pinicturan sila
Napatigil na lang din ako ng makita ang smile ni Klea
'Yung smile niya, bakit ang familiar?! Anong ibig sabihin neto?!'
–END OF PART 9–