____________________________________
~CELINE POV~
Papalabas na kami ngayon sa simbahan. Natapos na kasi ang misa. Kasama ko lang naman yung pamilya ko. Ng, makita ko si ma friend kasama yung anak niya. Bumibili ng popcorn
"Ma pa, pupuntahan ko lang si Klea" paalam ko sa kanila
"Sge anak. Mauna na lang kami sa bahay"
"Sige po pa" ani ko
Umalis na naman sila. Nasa likod lang kasi ng simbahan ang bahay namin. Kaya, puwedeng-puwede lang lakarin
Lumapit na ako sa may gawi ni Klea
"MA FRIEND!!"
Nakuha ko naman ang atensyon niya at tumingin siya sa akin
"Uy bruha!!"
"Hi po Tita Celine!!"
Kumaway naman ako kay Khiera
"Mabuti na lang bruha at naisipan mong magsimba. Hindi yung, puro kademyohan lang yung ginagawa mo!"
"Grabe ka naman ma friend! Hindi naman ako ganun eh!" wika ko with paiyak-iyak pa
'Huhuhu. Masakit kaya ang sinabi niya!'
"Ano ka ba! Joke lang yun!. Sineryoso mo agad!. Alam ko namang paminsan-minsan mabait kang tao eh!. Kilala kaya kita"
Na-touched naman ako sa sinabi niya
"Puwede na bang umiyak ma friend?!" mangiyak-ngiyak kong sambit
"Sira!! Anong nakaka-iyak nun!" aniya. "Sige na bruha, mauna na kami"
"Huh?! Saan kayo pupunta?!!"
"Sa trabaho ko"
Alam ko na kung anong trabaho niya. Sinabi niya sa akin noon
'Sana ol actress na dba??'
"E di, goodluck na lang ma friend. Galingan mo sa pag-arte"
"Salamat bruha. O siya anak, magpaalam ka na sa Tita mo" aniya kay Khiera
"Ba-bye po!!"
Ang cute talaga ng batang 'toh!
____________________________________
Habang naglalakad ako dito sa gilid ng kalsada. Ng biglang may nag-text sa phone ko
Kaya kinuha ko ito sa may bulsa
Pagtingin koy, Si mama lang pala
[Mama:
Anak, nasaan ka na?!]
Oo nga pala. 30 minutes na Simula nung nagpaalam ako sa kanila
Nagta-type na sana ako ng biglang…
*BOGSH!*
Halos maiyak na ako nung nakita ang phone ko. Basag-basag na ito
"PHONE KO!!!"
"Im so sorry miss"
'Wait… familiar yung boses ah?!'
Pagtingin ko naman sa kaniya. Ay nagkasabay pa kami
"Celine??!!"
"Gerald??!!"
____________________________________
Nandito na kami ngayon sa Park. Nilibrehan niya ako ng ice cream
"Sorry talaga Celine ah?! Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko kanina"
"Uhm… okay lang yun. Ikaw pa!. Baka coincidence lang talaga na, magkabangga tayo" ani ko
Myghodd!! Sira na yung cp ko!!!
"Pero paano yung phone mo?!!"
"Oo nga eh!. Matagal na din na nasa akin yun!. Grade 7 ata siguro ako" ani ko sabay tingin sa kaniya at balik din sa malayo
"Aws!"
Ilan segundong tumahimik. Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng ice cream
Ng biglang…
____________________________________
(~GERALD POV~)
Pagtingin ko naman ulit kay Celine ay, may ice cream sa gilid ng labi niya
"Wait lang!"
Yung tissue naman sa apa ng ice cream kanina ay yun na lang ang ipinahid ko
At… napatingin na lang ako sa magandang labi niya
'Perfect na perfect! Yung pagka pink. At yung, ang sarap bitaw halikan?!'
Hindi ko namalayang napakalapit na ng mukha ko sa kaniya
"Gerald, anong ginagawa mo?!?"
Nabalik naman ako sa realidad at inilayo agad ang mukha ko sa kaniya
"Sorry Celine. Sorry"
Tumingin naman ako sa malayo. At ilan segundong tumahimik
May naisip naman ako. Para mabayaran ang pagkasira ko sa phone niya
"Uhm Celine, wala ka bang gagawin"
"Wala naman. Bakit?!"
"Uhm kasi… Puwede ka bang maaanyahan na lumabas?! I mean, punta tayo sa mall"
"Sure! Pero bago yan, puwedeng umuwi muna ako sa bahay namin?!. Yari ako kay mama kung mamaya pa ako uuwi. Magpapaalam na lang din ako sa kanila"
"Sge-sge. Nandon lang ang kotse ko"
____________________________________
(~GERALD POV~)
Ang lapit lang pala ng bahay nina Celine mula doon kanina kung nasaan kami. Sanay naglakad na lang kami at hindi na lang nag kotse
"Gerald, okay lang namin din kung hindi mo'ko sasamahan. Magpapaalam lang ako kila mama"
"Okay lang. Gusto ko rin makilala ang mga magulang mo"
Nakita ko namang kinilig siya sa sinabi ko at inilayo pa ang mukha
At nagsimula na din siyang maglakad…
*Lakad
*Lakad
*Lakad
Kanina ko pa napapansin na halos lahat ng kapitbahay nila ay nakatingin sa akin
'Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?!! Chaar!! HAHAHAH'
"Celine, ganyan ba talaga sila kapag may bagong tao sa paningin nila?!" medyo pabulong kong sambit sa kaniya
"Ah… Ewan!. Pagpasensyahan mo lang. Baka ganyan lang talaga sila"
Hindi ko naman sila pinansin at nagpatuloy na kami sa paglalakad
____________________________________
(~CELINE POV~)
Malapit na kami ngayon ni Gerald sa bahay namin. Ilang hakbang na lang, ay nakita ko naman kaagad si mama na nagtatanim sa labas at si papa, nag-aayos ng motor niya
Lumapit naman agad ako sa kanila
"Ma! Pa!" ani ko at nagmano sa kanila
"Anak, buti at dumating ka na" sambit ni papa
"Bakit hindi ka nag-reply sa text ko sayo?!" ani naman mama
"Nasira po kasi yung phone ko ma eh!" wika ko
"NaSIRA!!?? SINONG NAKASIRA!!?"
Napayuko na lang ako sa napakalakas na boses ni mama. At sumulpot si Gerald mula sa likuran ko
"Mawalang galang napo!. Pasesnsya na po ah?! Pero ako po yung nakasira" magalang na sambit niya
Napatingin ulit ako kay mama. At nakangiti na silang dalawa ni papa
"Nandiyan ka pala iho!. Papasukin mo muna siya anak!"
"Sge po ma"
Hinarap ko naman si Gerald
"Pasok ka muna Gerald"
____________________________________
(GERALD POV)
Nakaupo lang ako dito sa may sala nila. At yung, kaharap ko naman ay mga magulang ni Celine. Speaking of Celine, magbibihis muna raw siya
At itong mga magulang niya. Tanong ng tanong
"Anong buong pangalan mo iho?!" ani mama niya
"Prince Gerald Fuentes, po" sagot ko naman
"Fuentes?! So kayo ang may-ari ng paaralan na pinapasukan ng anak namin. Magkaklase ba kayo?!" tanong naman ng papa niya
"Hindi po eh!. 3rd year college na po ako" ani ko
"Eh iho, nanliligaw ka ba sa anak namin?!!" ani mama niya
Napatawa naman ako ng mahina
"Ah eh…"
'Ano bang isasagot ko dito?'
"Ma tama na po yan!"
'Hayst! Mabuti na lang at dumating si Celine'
"Hindi naman po nanliligaw sa akin si Gerald. Magkaibigan lang po kami" aniya at nasa tabi ko na siya
Ang sexy pala niya sa suot niya. Fit na fit sa kaniya
"E anak, dyan nagsisimula ang lahat!!"
____________________________________
( F A S T F O R W A R D )
Nasa labas na kami ni Celine. Dito malapit sa kotse ko habang naglalakad
"Gerald, pagpasensyahan mo na sila mama at papa ah?!" aniya
"Okay lang. Besides, nakakatuwa nga eh!" aniko
Pinagbuksan ko naman siya ng pinto. At pumasok naman siya. Tapos, umikot na lang ako dun at umupo sa driver seat
"Gerald, bakit mo pala ako naisipang isama?!" aniya pagpasok ko
____________________________________
(~CELINE POV~)
"Uhm wala. Gusto lang kitang kasama"
'Waahh!! Narinig niyo yun?!! Pa-fall naman itong si Gerald oh!'
"Maka-usap. And specially, I want to know more about you"
'Kyyaaahhh!!! Pa fall amputaaa!!!'
–END OF PART 10–