____________________________________
–KLEA POV–
"AND 3 2 1, CUT!" naka mic na sambit ni Pauline
'Haist salamat'
"GOOD ACTING KLEA!. CONGRATS!"
Ngumiti lang ako. Hindi ko kasi nakita mula rito si Pauline dahil puro lights lang yung nasa harapan ko
"Miss Klea, mag palit ka na ng damit para sa susunod na scene"
Tumayo naman ako at lumapit doon kay Reyna
Habang naglalakad kami patungo sa dressing room ay nagsalita naman ang amaw
"Klea klea Klea"
Napahinto naman ako at tiningnan siya
"Ang panget-panget mo naman umarte. Hindi ka magaling"
'Pigilan niyo 'ko ah?! Baka anong magawa ko sa lalaking 'toh!'
"Sinabi ko bang, magaling ako?!. At tsaka, hindi ko kailangan ng opinyon mo!! BWESITT KA!!"
Tumalikod naman ako sa kaniya
____________________________________
"Haist! Kagigil talaga ang lalaking 'yun!. Sa susunod talaga, papatayin ko na yun!" inis na sambit ko at umupo sa may swivel chair
"Klea, ganun talaga yun si Ethan. Mapagbiro minsan, pero may kabaitan din naman siya"
"Kabaitan!!?? Wala akong nakikitang bait sa kaniya! Baka kayo lang ang pinapakitaan niya. Pero ang totoo naman, hayop siya, bwesit siya!"
Nakita ko naman sa may salamin na tumawa siya sa akin
"Magbihis ka na lang Klea, huwag mo na isipin si Ethan. Nakaka wala lang yan ng kagandahan mo" aniya
____________________________________
~CELINE POV~
"Gerald, Ge na lang yung itawag ko sayo ah?! Mas maganda kasi at nice" wika ko
Naglalakad na kami ngayon sa mall
"Okay lang, kahit ano pa yan. Basta galing sayo, my baby" aniya at kumindat sa akin
'Kyaahhh!!!'
"Huwag ka namang pa-fall Gerald" medyo pabulong kong sambit pero parang narinig niya ata
"Huh?! Ano yun?!"
"Wala! Sabi ko, san ba tayo mag-uuna?!"
"Malapit na tayo, baby" aniya at umakbay pa sa akin
'Bwesit oh! Bakit ba ganito siya?! Hulog na hulog na talaga ako! Okay lang naman din noh?! Kasi, sasaluhin niya ako. HAHAHAH'
____________________________________
Pumasok na kami sa stall ng SamSung?!!
"Hoy Ge! Bakit tayo nandito?!"
Huminto naman kaming dalawa. At nakita ko naman yung ibang babae na todo pabebe at papa cute sa kaniya
"Bumili ka na ng bagong phone mo"
"Huh?! Wala naman akong pambayad!"
"Akong bahala, libre ko'tong lahat. Tutal, ako naman yung nakasira sa phone mo kanina at ako din yung nagyaya sayo. Kaya pumili ka na, my baby"
'Feeling ko talaga, sasabog na ako. Grabe magpakilig ng lalaking 'toh!'
____________________________________
Tapos na akong pumili, nasa counter na kami ngayon. At yung kamay niya, nasa bewang ko na
"Heto po lahat maam, sir" ani nung babae
At kinuha na niya yung bag tsaka sukli
"Maraming salamat miss"
Aalis na sana kami ng biglang, nagsalita yung babae
"Uhm sir! Puwede po ba magtanong?!" aniya
Auto kilig naman siya at yung dalawang katabi niya pang babae
"Yes, ano yun?!"
"Girlfriend niyo ba si ma'am??" ani nung isa
Tapos nagulat na lang ako sa sinagot niya
"Oo!. Hindi ba halata?!. Kung gusto niyo nang patunay, eto oh!"
At nagulat na lang ako ng hinalikan niya ako sa pisngi
"Ah eh… Sorry po sir. Stay strong na lang sa inyo"
"Salamat" aniya at lumabas na kami
(Sa labas)
"Uy Ge! Bakit mo'ko hinalikan sa pisngi?!! At bakit mo sinabing girlfriend mo'ko?! Wala namang tayo diba?!"
'Sana maging tayo na lang Gerald'
"Kung sasabihin ko kasing wala akong gf, magpapapabebe naman yun sa akin. At hingin yung number ko. Ayoko ng ganong babae. Kaya ayun! Wala akong ibang naisip kundi yun na lang!" aniya
"Ah okay"
"Pasalamat ka nga dahil sa pisngi mo lang, gusto ko kasing sa lips" aniya at nauna nang naglakad sa akin
'Ano raw?? Sa lips?? E, papayag naman ako ah?! Chaar!'
"Hoy Ge! Sandali!!"
____________________________________
(~GERALD POV~)
Kaya ako umuna naglakad kanina kasi, kinikilig ako sa sinambit ko. Heheheh
At, ito kami ngayon. Patapos na palang mag-lunch. Tapos na pala ako, siya na lang ang hindi. At hawak ko ngayon ang bagong phone niya, may aayusin lang
Itina-type ko lang naman yung number ko. Sa akin lang kaya ang number na nandito, bago pa diba?! HAHAHAH
Kinuha ko naman yung akin, at u
Isinave din ang number niya. Nilagyan ko pa ng nickname na 'my baby'. Wala lang! Cute lang pakinggan
"O eto tapos na! Pakilagyan na lang
ng pangalan ko or anything na anong gusto mong itawag sa akin" ani ko
"Ito oh! Nilagyan ko din kasi ang sa akin" ani ko sabay pakita pa sa kaniya
Tapos na pala siyang kumakain
"Mamaya na. Mag-iisip pa ako kung anong mas maganda pa" aniya. "By the way, salamat pala ah?!"
"Para saan?!"
"Sa lahat ng ito!. Alam mo Ge, first time kong may nanglibre sa akin na ganito kalaki!. May mga dress, sapatos at iba pa. Maraming salamat talaga"
"Walang anuman. Eh, yung family mo ba?! Hindi ka ba nabigyan ng ganito kalaki?!"
"Nope. Dahil na din sa kahirapan ng buhay, at kapag magsasabi naman ako sa kanila na 'ma, gusto kong bumili ng ano' hindi naman sila papayag. May babayaran pa raw silang utang. Pero, okay lang din yun! Naiintindihan ko naman"
Medyo nalungkot naman ako sa sinabi niya
"Huwag kang mag-alala! Babawiin ko yun lahat! Palagi kitang lilibrehan!"
"Ay naku Ge! 'Hwag na! Baka ma spoil pa ako sayo!. Okay lang na ganito"
____________________________________
(~CELINE POV~)
"Ge, kitakits na lang tayo bukas. Salamat ulit " wika ko. Nasa tapat na kami ng bahay namin
"Kitakits" aniya
Kinuha ko naman yung mga paper bags na dala niya
"Good night Ge"
"Good night din, my baby"
'Ayan naman siya oh! Sa my baby niya!'
Pinisil muna niya ang pisngi ko. At umalis na siya
____________________________________
–ETHAN POV–
Its 9 pm na. Pero hindi pa din ako makatulog dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon. Yung pagpicture ko kila Klea at Ziara
'Familiar talaga yung mga ngiti niya. Yung feel btaw, na matagal ko na siyang kilala at matagal ko nang nakikita ang ngiti na yun?!'
Bumangon naman ako at lumabas sa kuwarto. Pupuntahan ko lang silang dad at mom, para magtanong. Sila lang naman ang nakakaalam ng lahat
*Tok
*Tok
*Tok
"Mom dad! Gising pa po ba kayo?!" ani ko
"Oo anak! Pasok ka!"
Pagpasok ko naman ay parang matutulog na sila sana
"Bakit anak?! May problema ba?!"
Umupo muna ako dun sa may dulo ng kama
"Mom, dad. Sure po ba talaga kayo na wala akong naging girlfriend before?!"
"Oo naman!. Bakit??"
Kinuha ko naman yung cp ko sa bulsa at ipinakita yung pic ni Klea kahapon. Sinave ko kasi ito kanina
"Pamilyar po kasi yung ngiti niya eh!. Cya po si Klea, yung ka partner ko"
Nagkatinginan naman silang dalawa. At parang, nag-uusap gamit ang mga mata at utak
'Parang may Mali ah?!'
–END OF PART 11–