PART 12

1225 Words
______________________________ ~KLEA POV~ [Klea, puwede ba kaming pumunta dyan sa school niyo] ani Darl sa kabilang linya "Puwede naman, pero mamaya pa. Pag lunch na. Bakit ba?!" [Eh kasi, sa kagustuhan lang ni Khiera] "Sge, pupunta kayo dito mamaya ng mga 11:30. Dito na rin kayo mananghalian ah?! Aantayin ko kayo mamaya sa labas ng gate" [Sge Klea. Salamat] [Yehey!!! Salamat po mommy!!!] rinig kong sambit ni Khiera "Puputulin ko na anak, Darl ah?! Malapit na yung susunod naming subject" [Bye mommy!!!] "See you mamaya, anak" ani ko at pinutol na yung usapan namin Tiningnan ko naman yung relo ko, last subject na pala namin ito sa umaga Pumasok naman ako dahil pumasok na rin yung magiging titser namin (~F A S T F O R W A R D~) ______________________________ –ETHAN POV– Lunch time na Kanina ko pa hinahanap si Klea, pero wala akong Klea'ng nakikita. Na miss ko lang na asarin siya. HAHAHAH Hanggang sa nakita ko dito sa canteen si Insan at si Celine, yung matalik na kaibigan ni Klea "Whazz up Insan!" sambit ko sabay tabi sa kaniya "Wazz up din Insan! Mabuti at natapos ka na sa ginagawa mo. Nakita ko kasi kanina na parang may hinahanap ka ata" "Uhm oo. By the way Celine, asan si Klea??" ani ko "So… si Klea pala yung hinahanap mo!" ani Gerald with tawa pa "Bakit mo hinanahanap si ma friend Ethan?! Miss mo siya noh?!" 'Hay naku! Bagay nga sila! Sarap iuntog sa pader!' "Bahala nga kayo!! Hinahanap ko lang naman yung tao! Wala namang masama dun!" ani ko sabay tayo at aalis na sa kanila ng biglang magsalita si Gerald "Sabihin mo na lang kasi Insan, na concern ka sa anong nangyayari kay Klea ngayon. HAHAHAH" Hindi ko na siya pinakinggan at tumalikod na sa kanila 'Makabili na nga lang ng pagkain' Ng biglang nagsalita na naman si Celine "Hoy Ethan sandali!! Hindi naman ito mabiro oh!" Tumingin naman ako ulit sa kanila. At lumapit tapos umupo "Si ma friend kasi, nandun! Sa labas ng paaralang ito! Hinihintay ang anak niya" aniya "Si Khiera?! Siya yung anak niya ba?!" "Oo!" "Wait… si Klea?! May anak na?! Kailan?! Sinong ama?!" sunod-sunod na tanong ni Insan Napatawa naman ako sa kaniya "Na late info ka ata Insan! HAHAHAH" "I'm serious. Sinong ama?!" Napatigil naman ako sa pagtawa ng binanggit niya iyon "Hindi ko alam. Maski si Klea, hindi niya alam. Oo, best friend ko siya. Pero hindi ko alam yung buong pagkatao niya, hindi kasi siya nagkukuwento sa akin" Pagkatapos banggitin iyon ni Celine ay, tumahimik din naman kami ______________________________ –KLEA POV– [Darl, nandito ako ngayon sa may waiting shed. Alam na ni Khiera kung nasaan ito] text ko Naka crossed-arm lang ako dito habang nakatayo, at hindi na pinapansin ang mga estudyanteng labas pasok sa paaralan Ilan sandali pa'y… "Mommyyy!!!!" Napatingin naman ako sa likod ko at doon ko nakita si Khiera na tumatakbo papunta sa gawi ko Binuhat ko naman siya kaagad at nakayakap pa siya sa akin "Miss na miss ko na ang baby ko!!" sambit ko at hinalikan-halikan siya sa pisngi "Miss din kita mommy, and I'm not a baby. Malaki na po ako!" "Oo nga. Ang bigat mo na!" Biro ko sa kaniya "Uhm… Klea! Bili muna ako ng ulam natin!" ani Darl at aalis na sana siya "Darl! Doon na sa loob! Tara na!" Hinarap ko naman ulit yung anak ko "Tara na anak! Excited ka na bang makita ulit ang Tita Celine mo?!" "Oo naman po mommy! But" "Ano yun baby?!" "Diba po si kuya Ethan, dito din nag-aaral. Puntahan po natin siya mommy!! Gusto ko po rin siyang makita!!" "Pero anak kasi…" "Sge na po mommy!!! Plsss!!" aniya at nag puppy eyes pa "Sige na nga! Ang kulit mong bata ka!!" sambit ko "Pero before that, ibaba muna kita, ang bigat-bigat mo!!" at ibinaba ko siya "Tara na po mommy!!" Hinawakan naman niya ang kamay ko ______________________________ —ETHAN POV— Nandito ulit ako ngayon sa canteen, nakalimutan ko kasing bumili ng maiinom kanina Habang kinukuha pa ni ate, ay biglang may tumawag naman sa akin… "KUYA ETHANN!!!" 'Boses yun ni Khiera ah?!' Tumingin naman ako sa may bandang likod ko. At si Khiera nga, tumatakbong palapit sa akin. At nakita ko namang napahinto si Klea at yung kasama nilang babae Binalingan ko naman ng atensyon si Khiera, at agad itong kinarga. Napaka friendly nang batang 'toh, di katulad ng mommy niya na masungit "Hi po kuya Ethan! Mabuti na lang po at nagkita tayong muli!" masayang sambit niya at nakakapit na siya sa leeg ko "Oo nga. What brings you here?!" tanong ko sa kaniya "Uhm… wala po! Gusto lang po kitang makita, at si mommy din!" "Ah… okay!. Nag-lunch ka na ba?!" "Hindi pa po eh! Sabi kasi ni mommy, dito na lang raw kami maglu-lunch" "Maganda yan! Ako na ang bahala sayo, ako na ang magpapakain sayo. Okay lang ba yun?!" "Oo naman po kuya Ethan!. Napakabait mo po!" Sumingit naman sa usapan namin si Klea "Uhm… Excuse lang ah?! Kunin ko na yung anak ko, papakainin ko pa ito" ani Klea "No mommy! Si kuya Ethan na lang po ang magpapakain sa akin!" "Anak Khiera, huwag matigas ang ulo!" Humarap naman si Khiera sa akin na malungkot ang mukha "Next time na lang Khiera. Sundin mo na ang mommy mo, baka sasabog na yan sa galit" ani ko pero deep inside tumawa na ako. At ibinaba na si Khiera "Don't worry Khiera, same lang din naman tayo ng table" ______________________________ (F A S T F O R W A R D) –AUTHOR'S POV– "Hindi ko talaga akalain na may anak ka na Klea. Ang kyut niya oh!" ani Gerald sabay turo kay Khiera na naglalaro kay Ethan "Magmana talaga sa kaniya ang kagandahan mo ma friend" dagdag naman ni Celine "Alangan namang hindi!. Ako yung nanay diba?!" pagbibiro ko sa kanila … … "Magka edad lang pala sila ng kapatid ko. Girl din" biglaang pagsalita ni Gerald "Asan sila ngayon?!" tanong ni Celine "Nasa US. Uuwi sila next month. Ipapakilala ko talaga sa kaniya si Khiera, pagdating niya" ______________________________ (GABI) –GERALD'S POV– "Zup dad! Bakit kayo napatawag?!" ani ko sabay ang pag-upo ko sa kama [Sinabi sa akin ng Tito mo. Nakita ka raw nyang may kasamang babae kahapon. Is this true?!] Hindi naman ako nakasagot sa kaniya [Anak, ngayon pa lang sinasabihan na kita. Tapusin mo na ang kung ano mang namamagitan sa inyong dalawa] "But dad, nagsimula na din akong magka-interest kay Celine!" [Putulin mo na ang ugnayan ninyong dalawa! Pinauwi kita sa Pinas, para tulungan ang Tito at Tita mo! May misyon ka diyan anak!] "But dad, ayoko na pong gawin iyon!. Magagalit pa si Insan sa akin kung gagawin ko yun. Dad, liligawan ko na nga si Celine" [Anak naman! Puwede mo namang gawin iyan. Pero pagkatapos na ng lahat ng 'toh! Please anak, sana maiintindihan mo. Para din naman ito kay Ethan!] "Dad, baka nga po. Magalit siya eh! Pag nalaman niyang, all this time, nagsisinungaling ako sa kaniya. Or worst, baka patayin pa niya ako!" [Hindi niya yan gagawin sayo!. Basta anak, gawin mo ang misyon mo!] "Dad?! Dadd!!!!" Naputol na yung koneksiyon naming dalawa 'Lintek na buhay naman 'to oh!' –END OF PART 12–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD