_______________________________
~KLEA POV~
"Kuya Ethan, if may free time po kayo. Laro po tayo ulit ah?!" ani Khiera
Nandito kasi Ethan, sinusundo naman ako. Magsho-shooting kami ngayon sa school
'Hays! Kaya ko naman mag taxi diba?!'
"Oo naman Khiera. Puwede bang bumisita ako dito, any time?! Para makapaglaro tayo?!"
Nagulat naman ako sa sinabi niya at sa sunod na sinambit ng anak ko
"Opo! Puwedeng-puwede!"
'Pashneia naman oh!'
"Anak, sge na. Aalis na si mommy. Yung palaging bilin ko sayo ah?!" ani ko at hinalikan siya sa pisngi
"Opo mommy! Pero…" hindi niya tinapos ang sasabihin niya
"Ano yun anak?!"
"Can you kiss Kuya Ethan po?!"
"What the?!" bulong ko baka marinig kasi niya
"Sge na po mommy!! Sa cheeks lang naman po eh!" pamimilit pa niya
Tiningnan ko si Ethan, nakangisi lang ito
'Putek!'
"No Khiera. Ako na lang ang mag kiss sa mommy mo"
Nagulat naman ako ng hinalikan niya ako sa pisngi. Or should I say, sa gilid ng labi ko
'Patay ka talaga sa akin mamaya Ethan!!!'
"Yehey!!! Salamat po Kuya Ethan!!!"
"You're welcome Khiera" ani Ethan at ngumisi-ngisi pa
"O sige na anak. Pumasok ka na!"
Ngumiti muna ito sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay
Pagkaalis naman ni Khiera ay hinampas ko kaagad si Ethan ng bag ko
"Aray Klea!!"
Patuloy pa din ako sa paghampas sa kaniya
"Gago ka!!!! Bakit mo'ko hinalikan ah?!!! Bwisit ka!!!" ani ko at pinaghahampas pa din siya
"Kung di ka talaga titigil, hahalikan ulit kita!!"
"Tinatakot mo pa ako ha?! Hindi ako matatakot sa–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong na out of balance dahil hagdan na pala dito
At mabuti na lang at nasalo niya kaagad ako
At nagulat na lang ako ng biglang may dumampi na malambot na bagay sa labi ko
–ETHAN POV–
Alam kong nagulat si Klea sa biglaang paghalik ko sa kaniya. Pero wala siyang magagawa, ang sakit-sakit kaya nung bag niya
'But… Something weird. Parang natikman ko na ang labi niya, noon pa'
Ibinaliwa ko na lang ang lahat. At humiwalay sa kaniya
Pagtingin ko naman sa kaniya ay, parang hindi ito makapagsalita, tapos ang pula ng pisngi niya. At napapangisi na lang ako, habang ganun pa din yung posisyon namin
"59 times mo 'kong pinalo. 59 times din kitang hahalikan"
'Yes guys! Binilang ko pa talaga'
Hahalikan ko na sana siya ulit ng napagtanto kong, late na kami. Patay kami ni Direk Pauline nito
"Reserve na lang yun. And, don't try na gawin ulit yun sa akin, kundi mas malala pa dyan ang magagawa ko sayo"
Naging speechless pa din siya, at ibinalik ko na siyang ipinatayo, tapos binitawan na at nagsimula nang maglakad patungo sa kotse ko
_______________________________
–GERALD POV–
"Putek naman to oh! Bawal raw ang mga tao dun sa shooting nila! Hindi ko tuloy makikita kung paano umacting si ma friend!" ani Celine
Naglalakad pala kami sa hallway ngayon. Habang akoy, iniisip pa din yung sinabi ni dad kagabi. Hindi ko alam kung susunod ba ako sa kaniya, o hindi
Napahinto naman ako dahil humarang sa dinadaanan ko si Celine, kumaway-kaway pa ito
"Buti at napansin mo na ako. Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka pala nakinig?!. Saan ba lumilipad yang utak mo?!"
"Sorry Celine. May malalim lang akong iniisip" wika ko
"Ah okay. Punta na 'ko sa room"
"Ihahatid na kita"
_______________________________
–KLEA POV–
Buong byahe akong naging tahimik
Nagfla-flashback pa din sa utak ko ang nangyari kanina. Pagtumingin ako kay Ethan, ay ngisi-ngisi lang ito
Tahimik pa din ako hanggang sa makarating kami sa school. Sa pagsho-shootingan namin
"Direk Pauline!! Nandito na si Klea at Ethan!!"
Lumapit naman sa akin si Manager Sy
"Klea, okay ka lang?! Para atang, may sakit ka??" pag-alalang tanong niya
"Ok lang ako Manager Sy. Huwag niyo po akong aalahanin"
"O siya iha, magbihis ka na lang ng uniporme mo"
"Sge po"
~FAST FORWARD~
Nakabihis na ako. Nagbabasa lang ako ngayon nung script habang inaayos naman ni Lisa yung buhok ko, simple lang ito na parang wala lang. Tapos si Lucy, sa mukha ko din naman
'Grabe, ganito pala magsho-shooting. Kailangan pa ng may mag make-up and etc. Ang dami pang ka oahan. Tsk!'
Yung scene na gagawin namin is yung, sa locker room. And what the–'
'Magki-kiss kami ni Ethan?!!!. No way!. Never na na mangyayari!'
"Miss Klea!!!!" sigaw ni Reyna habang pumasok siya dito
_______________________________
Nandito na ako sa may locker, dala yung bag ko 'kuno' habang nagpapa electricfan naman sa akin si Reyna
_______________________________
–ETHAN POV–
Hindi pa din mawala yung ngisi ko hanggang dito sa may hagdan. At may mga taga punas na naman ng pawis ko, taga electric fan, nilagyan din ako ng maliit na make-up at etc
'Ayaw ko talaga pag may ganito!'
"Ethan!"nani Manager Sy habang papunta sa gawi ko
"Bakit, manager Sy?!" tanong ko paglapit niya
"Na familiarize mo na ba lahat?!"
"Opo!. Nagustuhan ko nga po eh!"
"Good. Maiiwan muna kita, pupuntahan ko lang si Klea" aniya at umalis na
'May scene dun na halikan ko siya. HAHAHAH. Mababawasan na din ang 59 times. HAHAHAH'
…2 minutes passed…
"Ready na ba si Ethan?! Magsisimula na! Alam niyo na din ang gagawin niyo dyan!" nakamic na nadinig naming sambit ni Direk
Dumungaw naman yung assistant ko at nag thumbs up lang kay Direk
At lahat sila ay umakyat na papaitaas
"And 3 2 1. ACTION!!"
–BACK TO ZIARA POV–
Pagkasabi nun ni Pauline ay, humarap na ako sa locker na may kinukuha raw 'kuno'
Pagkatapos kong kunin yung notebook, tapos ni-lock ko na yung locker, ay siya naman ang pagtawag sa akin ni Ethan
"Miss Tuazon?!!" aniya habang papalapit sa akin
"Uy bakla. Anong ginagawa mo di-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hahalikan na sana niya ako ngunit inilayo ko ang mukha ko sa kaniya
"CUTT!!!"
"Klea, bakit?? Perfect na sana yung una!"
Tumingin naman ako kay Pauline
"Eh, sorry Pauline. Kailangan ba talaga na halikan niya ako?!!"
"Oo Klea. Huwag ka nang maarte kasi hindi lang naman ngayon magki-kiss, marami pa! At mas malala pa dyan!"
Hindi na lang ako nagsalita
'Makakaganti din ako sa lalaking 'toh!'
"Okay, from the top!!"
Umalis naman si Ethan at ibinalik ko ulit yung notebook sa locker
"100 DAYS WITH YOU, Sequence 3, TAKE 2. Action!"
Yun na nga! Kinuha ko ulit yung libro at ni-lock ang locker
"Miss Tuazon!!!!"
"Uy bakla. Anong ginagawa mo di–"
Gaya nung sa script, hinalikan niya ako pero hindi ko ibinubuka yung bibig ko at pilit siyang itinulak
"IPUNIN MO ANG LAKAS MO KLEA!!"
At gaya nung sinabi ni Pauline, inipon ko yung lakas ko
"Unti-unti ka na lang maiiyak dahil naalala mo yung nakaraan mo"
Naalala ko nga, yung lalaking nanggahasa sa akin. Hayop siya!
"AT… AT… TULAK!!"
Dahil sa naipon kong lakas at galit ay naitulak ko si Ethan habang bumubuhos yung luha ko
"TAKBO KLEA, TAKBO!!"
Tumakbo naman ako
At…
"CUT!!!"
"A VERY GOOD TAKE, GOOD JOB SA INYONG DALAWA!"
–END OF PART 13–