PART 14

1227 Words
…DAYS PASSED… (Nagpatuloy lang sa pagta-taping sina Ethan at Klea) _____________________________ ~GERALD POV~ Its Saturday, nandito na ako ulit sa harap ng bahay nina Celine. Wala lang! Gusto ko lang ulit siyang makasama Tiningnan ko naman yung oras sa relo ko. And its 9:00 a.m. Saktong-sakto, baka gising na siya o baka hindi pa "Tao po!!!!" malakas kong sigaw dahilan para marinig ng mga magulang niya "Sino si–. Ay iho! Ikaw lang pala yan!" ang mama niya "Magandang umaga po" bati ko sa kaniya "Magandang umaga din sayo, pasok ka muna" aniya At pumasok ako… (~SA LOOB NG BAHAY~) Pagpasok namin ay pinaupo naman ako dito sa maliit na sala nila. Nandito nga yung tatay ni Celine, nagbabasa ng dyaryo "Magandang umaga po" bati ko sa tatayo niya Nakuha ko naman ang atensyon niya at tumingin ito sa akin "Ikaw pala Gerald. Magandang umaga din sayo" Pagkatapos kong magmano sa kaniya ay umupo na din ako "Gigisingin ko lang si Celine ah?! Nagpuyat kasi kagabi" ani mama niya at umalis na _____________________________ –CELINE POV– Napagising na lang ako ng may yumuyugyog-yugyog sa akin "Anak, gising na dyan!!" 'Si mama pala' "Ma! Mamaya na po! Inaantok pa'ko eh!" ani ko Ipipikit ko sana ulit yung mata ko ng may sinabi siya ulit dahilan ng paggising ng diwa ko "Si Gerald nandyan sa baba!!. Bumangon kana riyan!" Napabangon naman ako at hinarap siya "Po?? Ano pong ginagawa niya dito??" Pumunta naman siya doon sa may bintana "Ewan ko! Ikaw lang naman ang pinupunta niya dito" aniya sabay hawi nung kurtina "O siya anak! Bababa na ako! Magluluto pa ako!" aniya at umalis na Pumunta naman agad ako dun sa maliit na cr namin dito sa taas …… Pagkababa ko ay nakita ko si mama doon sa maliit na kusina namin. At si Gerald at papa nga, sa sala "Baby ko! Nandiyan ka na pala!" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Gerald. At agad na nilapitan siya "Good morning baby ko!!" Kinurot ko naman siya, sabay pabulong sabing: "Nandiyan si papa oh!" Tiningnan ko naman siya at ngumisi lang ang boang "Ah anak" Tumingin kami kay papa "Magjowa na ba kayo?!" aniya at tinuro pa kami "Hindi po pa!" _____________________________ [F A S T F O R W A R D] –GERALD POV– "Maraming salamat po Tito, Tita" sambit ko Paalis na kasi kami ngayon ni Celine "Walang anuman iho. Nawa'y nabusog ka sa niluto ko, kahit konti lang yun" mama niya "Ok lang po kahit ganun lang. Nabusog naman po ako. Ang sarap-sarap niyo palang magluto" Yung papa naman niya ang sumagot "Ito pa! Nanalo kaya ito nung cooking contest, nung katulad niyo pa kami" Napatawa naman sila "Sige po. Hihiramin ko naman po ito ulit yung anak niyo" "Ma, pa. Alis na po kami" Aalis na sana kami ni Celine ng biglang tinawag ako ulit ng papa niya "Gerald sandali!" Humarap ulit kami sa kaniya "Ano po yun??" "Ayaw na naming makitang, umiiyak na naman ulit yung anak namin" aniya 'Parang may hindi ako nalalaman' "Hinding-hindi ko po yan magagawa sa kaniya. Pangako po yan" ani ko at ngumiti sa kaniya Tumalikod naman kami sa kanila at umalis na _____________________________ –KLEA POV– Hyst! Pagod na pagod na ako. Simula lunes pa kami nagta-taping, Simula noon pa din nasisira yung araw ko. Dahil sa nakita kong pagmumukha ni Ethan 'Grrrr! Bakit ko ba nabanggit ang pangalang iyon!' At ngayon, salamat na lang at may 2 hours break kami. Gusto ko lang magpahinga ng mga oras na yan. Gusto ko lang matulog "Mommy" Napatingin naman ako sa anak ko. Nandito pala siya kasi, bumisita lang kasi raw siya sa akin. At may dala pang tubig at towel "Mommy oh tubig. Alam ko pong pagod po kayo" Imbes na tubig yung kunin ko ay siya ang kinuha ko at pinaupo sa lap ko 'Kahit pa man pagod ako. Pero kailangan ko pa ding bigyan ng oras si Khiera. Nakaka walang stress din naman siya' "Napaka sweet mo talagang bata ka!! Pa kiss nga!" ani ko at hinalik-halikan siya sa buong mukha niya "Mommy eww!" "Eww eww ka pa dyan!" Pinunasan naman niya yung mukha niya gamit yung towel na dala niya 'Abat napaka oa ng batang 'toh ah?!' Nakita ko namang tumawa si Yaya Darl "O siya, doon ka muna sa Yaya Darl mo. Matutulog muna saglit si mommy" Tumayo naman siya "Sge po mommy, magpapahinga na po kayo!" Napapangiti naman ako dahil sa kacutan niya _____________________________ –CELINE POV– Nasa park ulit kami ni Gerald, naglalakad kami ngayon "Baby ko, puwede bang magtanong??" aniya "Sge Ge, ano yun??" Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad "Uhm… Curious lang kasi ako sa sinabi ng papa mo kanina, anong ibig sabihin niya??" Na gets ko naman kaagad siya. Yung sinabi ni papa na 'Ayaw na naming makitang, umiiyak na naman ulit yung anak namin' "Ah… past ko yun. Huwag monang isipin. At huwag na nating pag-usapan" wika ko na lang "O sge, kung yan ang gusto mo" Umupo naman ako dito sa may nakita kong upuan "Baby ko, dito ka muna ah?! Bibili lang ako ng ice cream" aniya at pagtingin ko sa kaniya'y wala na Kinuha ko na lang yung phone ko. Yung binili pa niya. Magfa-f*******: na lang ako Magka-open ko naman agad, ay. Nag-notif yung memories sa akin At napatitig na lang _____________________________ –GERALD POV– Pabalik na ako kay Celine dala ang dalawang ice cream na 'to Pagtingin ko naman sa kaniya'y , parang may tinitingnan siya sa phone niya Paglapit ko naman dito'y, may tinitingnan siyang pic 'Wait… si Celine ito. Pero sino yung kasama niyang lalaki??' "Celine??" Nagulat naman ito at agad na tinago ang phone niya Ibinigay ko naman sa kaniya yung isang ice cream, tapos tumabi sa kaniya "Sino yung lalaki?? Siya ba yung, sinasabi mong past mo??" Tumingin muna ito sa malayo, bago nagsalita … "Yun ay si Gasper, matagal ko nang ex yun. Magfa-five years na ata. Kinalimutan ko na din ang lalaking yun!" "Kinalimutan?? Pero bakit mo pa din tinitingnan ang mga picture niyo??" "Hindi!. Nagme-mories lang kasi yun sa f*******:! Wala namang masama diba, kung titingnan ko lang!" "Oo. Tama ka" ani ko at kumain ng ice cream … "Pero alam mo Ge. Mahal na mahal ko yung lalaking yun!. First love ko kasi si Gasper. Ta's alam mo, nung nag break kami. Iyak lang ako ng iyak. Ilang days ata akong tulala, at hindi kumakain" I felt so sad for her "Kaya pala sabi ng papa mo na, ayaw na niyang makita Kang umiyak" "Oo Ge. Natakot na akong masaktan. Pagod na akong umiyak. Kaya sabi ko sa sarili ko, maging masaya naman ako" aniya "E ikaw Ge. May ex ka din ba??" dagdag niya … "Wala. NGSB ako. Magkatulad din kaming insan eh!. Hindi ko din alam kung bakit wala akong naging girlfriend before. Baka siguro, pangit ako" "Hindi totoo yan!. Ang gwapo mo kaya!. Kaya nga, nahulog agad ako sayo nung una kitang makita" aniya pero binulong lang niya ang bandang dulo Pero narinig ko… "Ano yun?!. Nahulog ka kaagad sa akin?!" Tumingin naman csia, at namumula na yung pisngi niya "Wala!. Sabi ko, kakainin ko na tong ice cream kasi natutunaw na!" Napatawa naman ako "Nagdedeny ka pa ah?!" –END OF PART 14–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD