_____________________________________
~KLEA POV~
Nandito ako ngayon sa Earth. HAHAHAH. Earth naman talaga yung tinatapakan ko ngayon, alangan nama'g Mars. Hindi na tuloy ako makahinga, at saka nag pang astronaut na ata ang suot ko. HAHAHAH. Author niyo, baliw e
Back to seryoso…
Kababa ko lang sa tricycle, na sinasakyan ko. At papasok na sa academy'ng ito
"Good morning iha!" bati nung guard
Alangan namag babati siya ng good evening eh noh?! Maaga kaya ngayon!
"Good morning din ho, manong guard" ani ko at ipinakita sa kaniya yung ID ko
Ganito naman talaga sa mga paaralan dba? Pinapakita muna ang ID bago pumasok?
At ito nga, pinapasok na ako
Hindi ko alam kung bakit hyper na hyper ako ngayon. Ano kaya ang nakain o nainom ko?? Milo?? Gatas??Pero ikaw hindi pinitas?!
Hay naku! Magkatugma ba yun?!
Pagpasensyahan niyo na ako. Araw ko kaya ito
Or baka, dahil linggo na din
'Hala ka! Hindi ako nakapagsimba! Baka magagalit si Lord nito!!! Tapos na ang misa sa oras na ito ohh!!!'
'Dadaanan na nga lang sa simbahan mamaya'
Nagtataka ba kayo kung bakit nasa paaralan ako araw ng linggo??
Kukunin ko lang naman yung pesteng este mga test papers, dahil nag-exam na. Sa Friday lang yung exam. Pero diba nga, nagshoting kami. Kukunin ko lang naman, tapos aalis na din ako. Na-miss ko yung baby ko. Heheheh
Hay! Bakit ba ang daldal ko na sa inyo. Ba-bye na nga!
_____________________________________
–ETHAN POV–
Its Sunday. And its our rest day. Sabi ni Pauline, magpahinga muna raw kami ngayon. Masama raw kapag overwork na
Nandito pala ako sa labas ng bahay nina Klea. Wala akong paki kung nandito ba siya o wala. Si khiera lang naman talaga yung pinunta ko. Nag promise ako sa bata na kapag may free time ako, maglalaro ulit kami
Hayst salamat at bumukas na yung gate nila! Kanina pa ako naiinitan
"Sir Ethan, ikaw lang pala yan" ani Yaya Dar!?! Darl ang pangalan nito noh??! Am I right?!
May hawak pala akong jollibee sa isa kong kamay, para kang Khiera lang ito
"Pasok po kayo Sir" ani nung yaya kaya't pumasok ako
"Hey, huwag mo na akong tawaging Sir, it is to formal. Ethan na lang" wika ko habang naglalakad kami papasok
"Sige po. Ethan"
Ngumiti lang ako sa kaniya at napatigil na lang ako nung bumukas ang pinto at iniluwa don si Khiera
"KUYA ETHAN??!!"
Ibinigay ko kay Yaya Darl yung hawak ko at tuluyan na siyang pumasok sa loob
"KUYA ETHAN!!!"
Agad naman siyang yumakap sa akin, kaya pinasan ko na lang siya
Pero iba na naman yung nararamdan ko. I felt so… sobrang saya ng puso ko
"Nandito po ba kayo para maglaro tayo?!" aniya
"Yes Khiera"
"Thank you po. Dahil you made your promise, na kapag may free time ka, maglalaro tayo ulit"
"Welcome Khiera. Tumutupad naman ako sa mga pangako ko"
_____________________________________
–KLEA POV–
POV ko ulit?? HAHAHAH
Tapos na pala akong dumaan sa simbahan. Pinagdasal ko lang na sana, I crushback na kayo ng crush niyo. CHOSS!. Huwag na kayong umasa sa paasang yun!. HAHAHAH
Kababa ko lang sa tricycle. Tricycle ulit dba?! Mahirap ngayon ang mommy niyo. HAHAHAH. Kailangan ko lang magtipid kasi, malapit na ang 4th birthday ni Khiera
Nagtaka naman ako sa nakita ko
'Bakit nandito ang kotse ni Ethan??! Nandito ba siya?? Nasa loob ba siya?'
Pareho kasi ito sa kotse niya. Imposible namang sa kapitbahay, mini-memorize ko pa yung plate no. Noh?!
"Ano namang ginagawa ng lalaki yan dito!!" bulong ko at pumasok na talaga sa bahay
_____________________________________
–ETHAN POV–
Nagswi-swimming lang kaming dalawa ngayon at naglalaro na din. Syempre, naka topless ako noh?! Ang hot ko din kaya. HAHAHAH
I wonder nga, hindi ko akalain na may pool pala sila sa bakuran nila. Pero nandito kami sa 2-3 feet lang, ambaba dba?! Hindi kasi marunong lumangoy si Khiera, at natatakot din siya
"By the way po kuya Ethan"
Napatingin ako kay Khiera
"Malapit na po yung birthday ko. Next month na po. Magfo-four na po ako"
Same nga sila nung kapatid ni Gerald
"Ganun ba?!. Anong gusto mo para sa birthday mo?! Ipagbibili kita" nakangiti kong sambit
Pero naging malungkot ang mukha niya
"Eh, kaya niyo po bang bilhin yung daddy ko?!!"
Napatigil na lang ako
"Yun na yun lang naman po yung gusto ko. Every Christmas, my past birthdays. Palagi kong hinihiling na makilala ko na yung daddy ko. Pero hanggang ngayon kuya Ethan, hindi pa din natutupad" maiiyak na siya sa sinasabi niya
Naawa ako kay Khiera. Alam kong masakit ang lumaking walang ama. Hindi ko man naranasan yun, pero naawa talaga ako sa kaniya
"Sino ba yung daddy mo?? Alam ba ng mommy mo kung sino siya?!"
Hindi na siya sumagot dahil may tumawag sa kaniya
_____________________________________
–KLEA POV–
"BABY!!! Here's mommy naa!!" tawag ko kay Khiera ng makapasok ako
Ang sosyal diba?! Hihihihi
Nandito nga si Ethan, sabi ni Darl pagpasok ko. Bwesiitttr!!! Ang lalaking yun!!!. Hindi man lang nagsabing pupunta siya dito
"BABY!! KHIERA!!"
Napalingon na lang ako dun sa bandang bakuran ng may tao dun
"MOMMY!!! I'm here po!!" nakakaway pa niyang sambit
Ako na lang ang lumapit sa kaniya dahil… basa siya?? Naglalaro ba sila ng tubig?!. Patay talaga sa akin yung Ethan na yun!!
"Mommy, nagswi- swimming po kami ni kuya Ethan. Ayun po siya oh!" wika niya at itinuro dun sa pool
Tumingin naman ako, dahil papagalitan ko lang si Ethan. At pagtingi ko sa kaniya ay sya din ang pag-ahon niya. At parang nag slowmo ang lahat
Tapos hindi ko namalayang napatulala na lang ako
'Lord godd!! Ang hot na hot niyaa!!. May pa pandesal pa!!. At yung ano niya… yung Ano! Alam niyo na yun!'
'Ay naku! Ano-ano na ba itong naiisip ko!! Ang sama!!!. Galit ka pa din sa kaniya Klea!! Tandaan mo yan!!. Huwag kang magpapadala sa abs na yan!'
'Diyosko!! May pandesal na nakahanda!!'
_____________________________________
–ETHAN POV–
Napapangisi na lang ako, abot talaga sa tenga. Kanina pa nakatitig si Klea sa hot kong katawan
'Ngayon ah?! Alam ko na kung paano ka papaakitin. Hahahah'
"MOMMMYY!!!"
Nakita ko namang gulat na gulat siya, at bumalik sa katinuan
"Huh anak?? May sinasabi ka?? Ano yun?!"
Yan kasi eh! Titig pa!
_____________________________________
~F A S T F O R W A R D~
Bumalik naman ulit kami ni Khiera sa pool. At naalala ko, Hindi pa pala niya nasasagot yung tanong ko
"Khiera, yung tanong ko kanina , nasaan yung daddy mo?? Alam ba ng mommy mo kung nasaan at sino siya??"
"Hindi ko po alam kuya Ethan eh!. Tanungin niyo po si mommy"
Umahon ulit ako, at pinuntahan si Klea na nagce cellphone lang
_____________________________________
–KLEA POV–
Ramdam na ramdam ko ang presence ni Ethan na palapit sa akin. Pero hindi ko ito nilingon, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapalandi sa kaniya
'WAAAHHH!!! Bakit ang hot kasi niya eh!'
"Hey Klea! Puwede ba magtanong?!" aniya pero hindi ko pa din siya nililingon
"Puwede bang malaman kung sino ang daddy ni Khiera?!"
Nagulat naman ako sa kaniya at tumingin na din. Pero diretso lang sa mga mata
"Ethan, puwede ba! Akin na yun, labas ka na dun! Huwag ka nang mangialam!" sambit ko with matching tayo pa. At balik din kanina sa ginagawa ko
Naglakad naman siya don pabalik sa pool
"Kuya Ethan?!" dinig kong sambit ng anak ko
"Dahil hindi ko pa po kilala yung daddy ko, puwede po bang, ikaw muna yung daddy ko?!!"
Anak ng!!? WHAT?!!!
"Sure Khiera!. Puwedeng-puwede!"
Lagot ka talaga sa akin Ethan kaaa!!!!
"Yehey!!!"
At ito namang anak ko, sayang-saya
"Pero, one last question po. Do you love my mommy?!?"
Sheddang anak ko 'to oh!
"Diba po ang mommy and daddy nagmamahalan?!. Do you love my mommy, daddy Ethan??"
Tumingin naman ako kay Ethan. Kanina pa 'tong lalaking 'toh ah!
"Uhm… Yes anak"
Pigilan niyo ko! Baka lunudin ko tong lalaking toh!
"If you love her, can you kiss my mommy?? In the lips po?!!"
Kanina pa talaga ako sa batang ito
"Anak! Tumigil ka! Yari ka talaga sa akin mamayang bata ka!!"
Tiningnan ko si Ethan, ngumisi lang ito
"Sure anak!"
Lumapit ng lumapit naman siya sa akin habang nakangisi
'Mukhang pinagkakaisahan ako ng dalawang to ah!'
May unan naman sa gilid ko kaya yun ang hinagis ko sa kaniya
At dali-daling tumakbo
'WAAHHH!!!'
–END OF PART 15–