_______________________________
~ELDRAIN POV~
(Daddy ni Ethan)
"Hon, nakokonsensya na ako. Ipaalala na natin kay Ethan" sambit nung asawa ko na nasa gilid ko lang
I faced her and hold her hands…
"Ginusto naman natin din 'to. Masaya nga tayo dahil tagumpay yung operasyon! naging iba si Ethan!, sa dating pinaggagawa niya" wika ko
"Pero Tito. Baka mas magalit pa siya kung nagsinungaling kayo sa kaniya" sabat naman ni Vincent
Napag-isip-isip naman ako sa sinabi ni Vincent
"Sabihin niyo na po, wag niyo hayaang siya mismo ang maka diskubri" dagdag niya
"No!. Hindi na dapat malaman ni Ethan ang nakaraan niya. Nagawa naman natin lahat!"
Tumayo ako
"Napatay na natin yung kaaway. At higit sa lahat, nahanap na natin mula pa noon si Klea. Pinagtagpo na natin silang dalawa. At hindi natin magagawa yun kung wala ang tulong ng kaibigan ko"
"Pero hon! Hindi ka ba naawa sa apo moo! Natin. Lalaki siyang hindi niya kilala ang ama niya!!"
Lumapit naman ako sa asawa ko…
"Hon, nag-alala din ako sa apo natin. Sa totoo lang, naguguluhan na din ako! Hindi ko alam kung anong gagawin. Kung tama o Mali bang huwag nating ipaalala sa anak natin"
"If we tell him the truth, magagalit siya sa atin and he will go back, what he have done. If hindi naman natin sasabihin, ang apo natin ang magdurusa"
Lumayo na ako sa asawa ko
"Tito"
Tumingin ulit ako kay Vincent
"If ang decision mo is hindi ipapaalala kay Ethan. And I think that is not a good idea"
…
_________________________________
(~KINABUKASAN~)
–CELINE POV–
"MA FRIEND!!!!" sigaw ko kaagad ng makita si Klea dito sa hallway
'Na-miss ko ang babaitang toh!'
Niyakap ko naman siya ng mahigpit
"Bruha ano ba yan!. Grabe ka makayakap, parang isang taon tayong hindi nagkita!"
Kumalas na din ako
"Hindi isang taon ma friend. Kundi isang linggo!. Isang linggo na tayong hindi nagkikita kasi, busy na busy ka sa shooting niyo. Kahit man dito kayo mag taping sa school, hindi pa din kita makausap kasi. Napaka Arte ng mga staffs!" malungkot kong saad
'Yazz! Totoo yan!! Huhuhu!'
"Aysuss! Nag drama!. Alam mo bruha, hindi bagay sayo!"
"Seryoso naman ako ma friend!. Dyan ka na nga lang!" ani ko at aalis na sana ng hilahin niya ako
…
"Eto naman oh! Hindi mabiro!. Bagay kaya sayo!"
Nagparang isip bata naman ulit ako sa kaniya
"Pero ma friend, masaya naman ako nung wala ka. Guess who? Kung sino ang palagi kong kasama?!" nakangiti kong sambit sa kaniya
_________________________________
–KLEA POV–
Maloloko na talaga ako sa bruhang 'toh!. Mabuti na lang at sumasabay ako sa trip
"Huh?! Sino?"
"Si Ge–"
Hindi na niya natapos at may tinawag siya sa bandang likuran ko
"UY GE!!! GOOD MORNING!"
Napatakip na lang ako sa tenga ko dahil ang lakas niyang sumigaw
'Ipasali ko kaya ito sa… Wait… ano bang mga contest ang palakasan ng bunganga?!'
Inilayo ko na ang kamay ko sa tainga at tumingin sa likod
"GOOD MORNING DIN BABY KOO!!" nakangiting saad ni Gerald at nagsimula nang maglakad papunta sa gawi namin
At syempre, itong bruha. Kilig na kilig. My ghodd!! Sinabihan lang ng Baby ko?! Kikiligin agad?! Ano ba sila?! Magjowa?!!
"Bruha!!"
Nakuha ko naman ang atensyon niya
"Magjowa na ba kayo ni Gerald?!" ani ko, pero syempre binulong ko lang sa kaniya kasi palapit na si Gerald sa amin
"Malapit na kami pupunta dyan ma friend!" sambit niya at kinilig ulit
'Tadyakan ko kaya ito?!'
May binulong ulit ako sa kaniya
"Huwag kang umasa. Masasaktan ka lang"
Lumingon ulit siya sa akin tapos ningisihan ko lang
_________________________________
(~C A F E T E R I A~)
–ETHAN POV–
"I think, ngayon lang ulit tayong magkasabay na kumain" ani Insan
Kaharap ko ngayon si Klea, habang katabi ko naman si Insan at kaharap niya si Celine
"Hindi naman talaga ako sasabay sa inyo, pinilit lang ako nitong si Celine!" sambit ni Klea at inirapan lang ako
'Nahihiya ba siya sa akin?! HAHAHAH'
"Wala namang masama ma friend!. Kakain lang naman tayo. Tutal, matagal-tagal na din tayong hindi nagkakasama" ani Celine
"Oo nga. Pero bakit ayaw mong sumabay sa amin Klea?! May hinihiyaan ka ba?? Nahihiya ka ba sa akin?? O kay Ethan??"
Tiningnan ko naman si Klea. Tiningnan ko siya directly sa mga mata niya . Nakatingin din siya sa akin. At agad na umiwas
"Wala naman Ge. May mga gagawin pa kasi ako" ani Klea
"Nagdedeny pa siya!"
Nagpatuloy lang kami sa kakakain. At ilang minuto na ding tumahimik…
Kaya binasag na ni Gerald
"By the way, ilang araw kayong papasok??" aniya
Ako na yung sumagot
"Hanggang Biyernes lang kami pinayagan ni Direk. Mas mabuti na nga ito at makakapagrelax" sambit ko
"Tanong lang ah?! Kailan ba matatapos ang shooting niyo" ani Celine
"Sabi ni Direk, malapit na. Hindi aabot sa dalawang buwan" sambit ko pa din ang sumagot
…
"And next week na ipapalabas yung trailer. Kaya sanay manuod kayo" ani Klea
"Sure Klea, Insan! Number 1 fan niyo kaya ako"
"Eh kung ayaw ko?!" sabat ni Celine
"E di 'wag! Huwag mo na din akong kakaibiganin!"
'Ibang klase pala ang dalawang toh!'
"Joke lang yun ma friend! Manonood ako! Excited na nga ako eh!. Number 1 fan niyo rin kaya akoo!" sambit ni Celine pero hindi siya pinansin ni Klea
"Ma friend, sorry naa!. Magpapa autograph nga ako sa inyo ah, kapag naging sikat na talaga kayo!"
"Sure!"
_________________________________
[ G A B I ]
–GERALD POV–
Kasalukuyan akong pinapatuyo yung buhok ko. Madali lang naman itong matuyo dba, kasi lalaki ako?!. Di naman din kabaan yung buhok ko. Ng biglang nagring yung phone ko sa ibabaw ng lamesa
Kinuha ko naman ito at pagtingin koy… si dad. Pilit ko naman itong sinagot. Kapag hindi ko ito kasi sasagutin, magagalit siya at hindi pa ako bibigyan ng next kong allowance
"Ebning dad. Bakit po kayo tumawag?!" sambit ko at umupo ibabaw sa kama
[Son, ano na namang ibinalita ng Tito mo sa akin! Kasama mo naman raw yung babaeng yun?! Si Celine!]
'Hay naku! Eto na naman kami!'
[Alam mong May mga mata ako dyan anak! Ibabalita agad nila sa akin ang bawat na pagkilos mo]
"Dad! Ayoko na pong gawin! Nagka interasado na po ako dba kay Celine! Sinabi ko naman yan sayo!"
[Sinabi ko din sayo anak. Tigilin muna ang namamagitan sa inyo!. Akala ko ba naman naiintindihan mo ang lahat ng ito?!!]
"Naiintindihan ko naman dad. Pero… A.Y.O.K.O. N.A P. O!!"
[Anak, gusto mo bang ipabalik kita dito sa States?!. At ipapakasal dun sa babaeng hindi mo naman mahal!. Ano?! Mamimili ka!]
Hindi ako nakasagot kay Dad. At napahiga sa kama ko
[Next week na kami uuwi dyan. Once na may nagbalita naman sa akin na kasama mo naman si Celine. Malalagot ka sa akin. Alam mo na ang gagawin ko sayo]
Pinutol na ni dad yung tawag at nanatiling nakahiga pa din ako
'Hays… kung pipiliin ko yun. Alam kong masasaktan si Celine. Kung hindi naman, ipapakasal ako dun sa malanding babae dun sa states'
'Hyst! Kainis! Bwesit naman oh!'
–END OF PART 16–