____________________________
–KLEA POV–
"Babye na anak ah?! May gagawin pa si mommy" sambit ko kay Khiera sa kabilang linya
Nandito pala ako ngayon sa favorite place ko sa school. Dito sa garden. Nakaupo sa ilalim sa isang malaking puno
[Ba-bye din mommy!! I love you!!]
'Hyst! Napaka sweet talaga ng anak ko'
"Lab you din anak!"
Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na din
Tiningnan ko naman yung time sa phone. 11:00 am na pala
Wala kasi yung teacher namin sa last subject sa umaga. Kaya free lang raw gala-gala sa loob ng school, pero bawal lumabas. Bawal lumabas. Pero pagsinabing mag comply ka~
'Hyst! Na-ala Kim Chiu tuloy ako. HAHAHAH'
Pero alam niyo kung bakit ako nandito?!. Diba dito rin ang place sa ibang characters sa w*****d kapag naboboringan sila?!!. HAHAHAH. Chooss!
Gusto ko lang ng tahimik na lugar. Sa library sana ako pero, nakita ko dun si Ethan. Kaya ayun! Dito na lang. Masisira pa 'tong araw ko sa kaniya
I memorize ko lang yung script. Oo, kabisado ko na ang iba dahil nabasa ko na ito. Ngunit, gusto ko pa ding basahin para perfect na perfect! Heheheh
Kasalukuyan akong nagbabasa ng biglang may tumawag sa akin mula sa likuran, kaya nilingon ko ito kaagad
"KLEA!"
"Uy Gerald!"
Lumapit naman ito sa akin
"Puwede ba kitang samahan dito?!" aniya
"Aysus! Oo naman!. Tutal ako lang din naman" ani ko. "Bakit mo pala ako napiling samahan dito?!"
Nakapantay naman ang mga tuhod niya at sa taas nun ang kamay niya. Basta ganun!
"Naboboringan lang kasi ako. Kaya ayun! Nakita kita dito" wika niya
"Ah okay" aniko at binalim ulit ang tingin sa script ng
…
"By the way, ano pala ang ginagawa mo??" Segunda niya
"Nagbabasa lang nitong script" ani ko sabay pakita sa kaniya at ibinalik din sa baba
"May tanong lang pala ako sayo Gerald" dagdag ko
Naghihintay naman siya sa susunod kong sasabihin
"Tungkol sana kay Ethan. Ganyan na ba talaga siya Simula noon pa??"
Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko para itanong yan
"Huh? Anong ibig mong sabihin?!"
"Ganyan na talaga siya. Palaging nang-aasar, nang-iinis, naninira ng araw ng isang tao!"
Bahagyang tumawa naman siya dahil sa sinabi ko
'Wala namang Mali dba!?'
Tiningnan niya muna ako sa mga mata, bago sinagot ang tanong ko
…
"May naaalala ako. Pero matagal na din yun!. Mga bata pa kami"
Umayos naman ako ng upo. Baka kasi, mahaba-haba pa ang kuwento niya. Hihihi
"Pumunta kami sa isang province nun para magbakasyon dahil summer na. Hindi ko na maalala kung saan yun. Siguro dahil bata pa kami talaga!"
"And then?!" corious kong tanong
'Atat na atat te!'
"May nakilala siyang isang babae. Magandang bata. Hindi ko maalala ang lugar, pero yung babaeng yun. Hinding-hindi ko makakalimutan. Siguro, same age ata kayo Klea ngayon"
"Anong sunod na nangyari?? Inaasar ba niya yung babae??" ani ko
Tumingin muna ito sa akin at balik sa kawalan
"Oo. Tama ka Klea. Walang araw na Hindi iniinis ni Insan yung babae. Yung babae naman, katulad mo. Galit na galit!. Mabuti nga at hindi nagsumbong sa daddy niya. Dahil alam mo ba?! (Tingin sa akin) Mayaman din sila. Pero hindi sila namin kilala, nor hindi sila magka business partners ng daddy ni Ethan"
Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa kuwento niya
"Hanggang isang araw (tingin ulit sa akin) Sinabi niya sa akin na aamin na siya dun sa babae. Nilakasan talaga niya ang lahat ng lakas ng loob para din magpatawad sa mga nagawa niya. Ng… huli na pala siya" malungkot na sambit niya
"Huh?? Anong huli?! Namatay ba yung babae??"
"Hindi!. Aaminin na sana siya pero inunahan siya nung babae na aalis na sila. Kasama ang buong pamilya nila. Sabi nga nung babae, nagpapasapamat siya kay Ethan kasi, si Insan yung nagpapaligaya sa kaniya. Hindi naman siya galit tuwing inaasar siya"
"Mage-explain pa sana yung babae. Sasabihin pa sana ni Insan ang nararamdaman niya. Ng… tinawag na ang babae sa daddy niya. Kaya sumunod na lang din yung babae. Nagyakapan pa nga sila"
Maiiyak naman ako sa kuwento niya. Pero choss! Hindi noh!
"May picture ka ba dun sa babae?? Ano bang pangalan niya??"
Oo nga, kanina pa siya nagkukuwento pero hindi niya sinabi kung anong name nung babae
"Katherina ang pangalan niya. May picture si Insan pero hindi ko na alam kung nasaan na yun" aniya
"Ok. Pero. Saan nagpunta ang pamilya ni Katherina??"
"Hindi namin alam. Lumipas din ang mga araw, buwan. Wala na kaming balita kay Kath"
Naging tahimik naman ako
"Pero si Insan. Hindi pa din siya makaka move-on. Hinahanap pa din niya si Kath"
'Ayts! Ganun ba??'
…
…
____________________________
–ETHAN POV–
Kasalukuyan kong hinahanap ngayon si Klea
"Asan na ba kasi yung babaeng yun?!"
Ng biglang…
"ETHAN!"
Lumapit naman siya sa akin
"Oh Celine, bakit?!"
Nasa harapan ko na siya
"Nakita mo ba si Gerald?! Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh!"
"Hindi eh!. Eh ikaw?! Nakita mo ba si Klea?!" tanong ko naman sa kaniya
"Nope"
'It means… Baka magkasama lang silang dalawa'
"Tara na lang Ethan! Mauna na tayo sa canteen!. Baka nauna lang yung dalawang yun!" ani Celine
Tumango naman ako sa kaniya tapos ngumiti ng pilit
At umalis na din kami
____________________________
~FAST FORWARD~
Nandito na kami sa canteen ngunit wala pa din sila. Kaya nagdesisyon na lang kaming kumain kasi nagugutom na din namn si Celine
Habang kumakain kami ay napatigil naman si Celine at may tiningnan sa bandang likuran ko. Kaya, tiningnan ko na lang din
…
And its Klea at Gerald , nagtatawan pa ang mga ito at halatang masaya ang kanilang pinag-uusapan habang patungo sa direksyon namin ni Celine
Hindi ko alam kung bakit kumirot yung puso ko sa nakikita ko
'Anong nangyayari sa akin??'
At mas uminit pa talaga yung dugo ko ng inilapit ni Gerald ang mukha niya kay Klea. At parang may binulong
'Nagseselos ba ako??'
–END OF PART 17—