PART 18

1142 Words
__________________________________ ~CELINE POV~ Its Friday. Nasasaktan pa din ako simula nung isang araw pa Walang iba naman kundi si ma friend at Gerald [ FLASHBACK ] Habang kumakain kaming dalawa ni Ethan ay may biglang kumuha naman sa atensyon ko. At napatigil din ako sa pagkain 'Si Ge. Magkasama lang pala sila ni ma friend. Pero San sila pumunta?? Nilibot ko naman ang buong school pero hindi ko sila nakita' Tiningnan ko si Ethan. Nakatingin din pala ito sa kanila. Medyo naka side view siya sa akin kaya kita ko ang ekspresiyon sa mukha niya At yung ekspresyong yun is galit. Pareho lang kami. Nakasalubong pa ang dalawang kilay niya Bumalik ako kay Ge at ma friend. Malapit na pala ito sa gawi namin. At ang masaklap pa'y… Nagtatawan sila at parang masaya ang pinag-uusapan nila "Hey Insan! Whaz up!" ani Ge Hindi pinansin ni Ethan at balik sa kain samantalang ako'y nanatili lang na tahimik dito Umupo naman sila pareho. Katabi ko ngayon si ma friend at kaharap niya si Ge. Samantalang kaharap ko naman si Ethan " Insan, saan kayo galing?? Alam niyo bang hinahanap namin kayo ni Celine??" sambit ni Ethan na sa pagkain lang ang tingin. May galit na din sa boses niya Ginalaw ko na yung pagkain ko "Anong paki mo Ethan kung saan kami galing?! Its none of your business" ani naman mafriend "Panira naman to oh!" dinig kong pabulong na sambit niya "Ethan. Celine. Sorry kung hinahanap niyo kami, nor nag-alala kayo sa amin. Nagkuwentuhan lang naman kami ni Klea" ani Ge 'Nagkuwentuhan?? Anong mga pinag-uusapan nila??' __________________________________ –ETHAN POV– Tatayo na sana ako at may sasabihin sana… "Uhm Klea. Ako na ang bibili ng pagkain para sayo" si Insan 'Sa akin dapat ang lines na yan eh!' "Sige Gerald. Salamat na lang" [ END OF FLASHBACK ] At yun ang nangyari nung Wednesday. Nasasaktan na ako ngunit hindi ko sasabihin sa kanila Ngunit mas masakit pa ang nangyari kahapon. Same pa din. Habang kumakain kami [ FLASHBACK ] "Gerald may problema ba sa mukha mo?? Bakit kanina ka pa nakatingin sa akin??" 'E di sana ol tinitingnan' Kanina ko pa nga siya napapansin. Ni hindi ko nga magalaw yung kakainin ko kasi, nakatingin lang ako kay Ge na tinitingnan si Klea. At tsaka, wala akong gana "Ah eh… Kasi… nagagandahan lang ako sayo Klea. Ang ganda mo pala" 'Ouch… ako?? Hindi ba maganda??' "Salamat Gerald" _…_… Pareho na kaming nakasandal ngayon ni Ethan sa upuan. Nandito pa rin kami sa canteen, habang naka crossed-arm "HAHAHAHAHAHAAHH" At itong dalawa, kanina pa nagsitawanan. Hindi ko na pinakinggan ang mga pinag-uusapan nila Yung feeling btaw na parang, sila lang dalawa ang nag-uusap. Sila lang dalawa ang tao dito. HELLOO!!. Nandito rin ako noh!? Si Ethan!!. May balak din ba silang kausapin kami?? Napatingin naman ako kay Ethan ng tumayo ito. Kasabay din ang pagtigil ng pagtawa ni Ge at ma friend Tapos walang sabi-sabing umalis si Ethan dala nung bag niya "Hala!? Anong nangyari dun??" "Pabayaan mo na lang si Insan" Nagpatuloy na sila… May naisip ako. Hindi ko na kaya. Ang sakit na ng nararamdam ko Tumayo naman ako sabay dala nung books and folders "Mauna na ako ah?! May inutos pa pala si ma'am. Mukha din naman kasing kailangan niyo ng privacy" ani ko at ngitian sila ng pilit At umalis na din… May sinabi c ma friend ngunit hindi ko na pinakinggan [ END OF FLASHBACK ] Kaya ayun! Hindi na ko na din nakakasama si Gerald. Ni hindi ko na siya nakakausap. Dahil palagi niyang kasama si Klea. Katulad ngayon, magkasama naman silang dalawa Or di dahil kaya'y, sinusulit lang niya ang free days ni ma friend. Dahil bukas naman ulit, magsho-shooting naman sila. Hanggang sa susunod na linggo Pero bakit iba yung nararamdamn ko?? Bakit nasasaktan ako tuwing makita silang magkasama at nagtatawanan?? Nagseselos ba ako?? Ngunit hindi naman ako puwedeng magselos dahil hindi naman kami ni Gerald. Wala kaming relasyon Pero bakit kay Klea pa?? Bakit sa best friend ko pa?? __________________________________ –ELDRAIN POV– "Tito. Konti lang po ba tayong nakakaalam sa pinanggalingan ni Ethan??" tanong ni Vincent na nasa harapan ko lang Kararating lang pala nito nung last week. Kaya hindi pa niya masyadong alam ang lahat "Oo. Konti lang tayo" "Ah. Okay po. Pero… nakakasigurado po ba kayong napatay niyo na ang lahat ng kalaban?? Wala na pong natira sa kanila??" Umayos muna ako ng upo "I'm sure. Sabi ni Gerald, yun lang ang mga naging kalaban ng anak ko" … "Pero Tito. I feel na… meron pa po. Nanahimik lang sila at nagplaplano pa" Napahiwalay naman ako sa sinasandalan ko "Paano kung totoo yung kutob ko Tito??" aniya "Kung totoo man. Kailangan nating mahanap ang taong yan. And kill him or her!" Tumahimik naman siya kaya sumandal ulit ako … … __________________________________ –ETHAN POV– Narito ako ngayon sa may bulletin board. Checking some important things, ng biglang may narinig akong familiar voice na patungo dito Actually, wala medyong masyadong estudyante dito. Hindi ko din alam kung bakit Agad naman akong nagtago dito sa may wall. At itong daanang 'toh, papunta sa rooftop. Actually, madami namang daanan papuntang rooftop "HAHAHAH! Ikaw talaga Gerald, mapagbiro ka talaga!" At nandito na sila . Ngunit magkasama naman silang dalawa?? "Hahahah. Hindi naman masyado Klea" Ngunit lumiko sila dun sa daanan papunta sa garden ng school. Kaya medyo nakalayo-layo na sila sa akin. Hindi ko na nga marinig ang boses nila Hindi ko alam. Pero sinasabi ng mga paa ko na sundan sila. Kaya sinundan ko na lang ___ Sinundan ko lang ng sinundan hanggang sa makarating ako dito sa garden Tapos Nakuha naman ang atensyon ko sa dalawang tao na kakaupo lang don sa may malaking puno sa medyo tagiliran ko Kaya tumakbo ako dun sa isang puno na nauna sa kanila, para magtago at makinig. Makiki chismoso muna ako ah?!. Corious lang talaga ako kasi eh, kung ano ang pinag-uusapan nila "Mabait din ka pala Gerald noh?!" una-una kong narinig "E… Salamat na lang. Heheheh" sambit ni Insan "Alam mo, na sa iyo na ata ang perfect boy na hinahanap ko. Mabait, may respeto sa mga kababaihan. At gwapo pa!" "Huwag mo na yang sambitin Klea, alam ko naman eh! Dati pa!" 'Tsk!. Mas gwapo pa ako sa kaniya noh?!' "Baliw ka talaga eh!' …minutes later… Nandito pa din ako at nagpatuloy sa pakikinig sa kanila Minsan nagtatawanan at ano-ano pa Bigla namang humangin ng malakas at parang may nangyari kay Klea "Hihipan ko na lang" 'Puwing??' Hindi ko na kaya ang susunod niyang gagawin, kaya napasandal na lang ako dto sa may puno Tapos yumuko… 'Right. Nagseselos ako ngayon. Nagseselos ako sa tuwing magkasama silang dalawa' 'I think I'm fall to Klea na. Correction…' 'Mahal ko na siya' –END OF PART 18–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD