______________________________
~KLEA POV~
Medyo kinilig ako sa nangyari kahapon with Gerald. Kung ano yun?! Malalaman niyo din mamaya. Heheheh
"Bye po mommy!!!!"
Paalis na pala ako ngayon. Tapos binalingan ko ulit ng atensyon ang anak ko
"Bye din muna anak" sambit ko at hinalikan siya sa pisngi. Ganun din siya sa akin
Pumasok na sila sa loob kasama si Yaya Darl. Oo papasok, alangan namang lalabas e nasa labas na sila. Heheheh
Ako ang lalabas. Lalabas sa gate. Hinihintay ko si Gerald. Sabi kasi niya kahapon na puwede ba raw na siya na ang susundo sa akin ngayon. Kaya pumayag na din ako
Ilan segundo pay…
Natatanaw ko na ang sasakyan niya. Tapos huminto ito sa harap ko mismo
"Hey Klea!. Good morning!" sambit niya agad pagkababa niya
'Umaay! Ang gwapo niya lalo! At naka shades pa siya!'
"Good morning din ral"
Oo ral na ang itatawag ko sa kaniya
"Okay lang ba na Ral?? Galing din naman yan sa Gerald" dagdag ko
"Ok lang, kahit na ano pa. Payag na payag ako para sayo" aniya at kinindatan pa ako
'Bakit ba ang gwapo niya?!!'
"Klea you look so pretty. Naglalagay ka na ata ng make-up"
'Ayts! Napansin pala niya'
"Ah oo. Light lang naman" ani ko at bahagyang ngumiti
"Sge. Tara na!. Baka kasi ma late ka pa"
Tumango na lang ako sa kaniya
Medyo Hawak-hawak niya ang bewang ko nung pasakay na kami. At pinagbuksan pa ako ng pinto. Diba, napaka gentleman niya?! Di compare dun sa pinsan niya! Si Ethan!?
'Ay! Bakit ko ba siya naiisip!'
Habang iniopen pa niya yung door sa car (HAHAHA. Hindi ko kasi alam. Pasensya na). May kumuha naman sa atensyon ko
Sa may di kalayuan dito. Actually, malapit lang puwede lang lakarin. Ay may isang kotse at pamilyar pa ito para sa akin
Tapos ay nagpaharurot na din ito. Parang, kanina pa niya kami pinagmamasdan?!
"Klea!"
Lumingon ulit ako kay Gerald
"Ah sorry. Sge, Tara na!" ani ko at pumasok na sa loob
Isinarado naman niya ito at umikot naman siya papuntang driver seat
Tapos ayun!
…
______________________________
–ETHAN POV–
Papunta ako kina Klea ngayon. Syempre, para sunduin siya. Ako lang naman talaga ang tagasundo sa kaniya. And, nakasanayan ko na din ito
"What the he–!" napamura na lang ako sa nakita ko
Hininto ko ang sasakyan ko sa gilid di masyadong malayo sa kanila
'Si Gerald lang naman ang nakita ko at si Klea. Wait… WHAT?!! Again?? Magkasama naman csia ngayon??. And worst is, parang si Insan ang maghahatid kay Klea. Di puwede noh!. Ako lang dapat!'
"s**t!"
May pa hawak-hawak pa siya sa bewang ni Klea. Mali na talaga 'toh!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lalabas na sana ng biglang, tumingin si Klea sa gawi ko
Tapos…
Umalis na lang ako sa lugar'ng 'toh!
______________________________
–CELINE POV–
Mag-isa lang ako ngayon sa maliit kong kuwarto. Nakapantay ang mga tuhod at ipinatong ko doon ang baba ko
Habang pareho pa din. Nasasaktan sa nangyari kahapon
[ FLASHBACK ]
Habang nagtatago ako dito sa garden, dito sa may puno. Sinusundan ko kasi si Gerald at ma friend. Hanggang nandito sila sa garden. Ay may nahagilap naman sa mga mata ko
Kaya tumingin ako dun sa bandang kilid ko. Sa isa pang puno, dahil may tao ding namamasid sa kanila
'Wait… Si Ethan ba yun??!'
Hindi ko madinig ang boses nilang dalawa dahil nasa malayo ako. Pero tyak akong, dinig na dinig ni Ethan. Dahil nasa kabila lang naman siya
Ilang segundo pay nakatingin pa din ako sa kaniya. At sa ngayo'y, nakasandal na ito sa puno at parang ang lalim ng iniisip ata
Binalewala ko lang si Ethan at tumingin ulit kay Ge at ma friend na nag-uusap pa din ngayon
'Seriously??! Hindi ba sila nauubusan ng topic?!!'
Bigla namang ng malakas. At itong si Klea, napuwing kuno. Tsk!
Hinipan naman ni Gerald ang mata niya
"Sus! Napaka oa naman oh!" bulong ko na lang
Tiningnan ko ulit ang gawi ni Ethan, at wala na ito. Mukhang umalis na ata
Balik naman kina Ge. At mas lalo pang gumuho ang langit ko ng…
Hinalikan ni Ge, si Klea sa gilid ng labi niya. As in! Ang lapit na sa lips!
'Kung hindi ko sana kaibigan 'toh, kanina ko pa 'toh sinabunutan!'
[ END OF FLASHBACK ]
Dahil sa pangyayaring yun, na realize kong, ang tanga-tanga ko pala!. Eh kasi eh!, mahal ko na si Ge!. Ang hirap pala masaktan, lalo nang walang kayooo!'
Tumulo na ang mga luha ko. Correction!. Kanina pa sila nagsituluan
______________________________
~FAST FORWARD~
–ETHAN POV–
Naging masaya na ako ngayon. Sa wakas at masosolo ko na din si Klea. Hindi din naman makakapunta dito si Gerald kasi bawal ang outsiders
And ayun!. Lumuwag na yung pakiramdam ko. Lunch time na pala. At ito ako ngayon papunta sa room ni Klea para ibigay sa kaniya 'tong pagkain na inorder ko pa. Balak ko kasing, sabay kaming kumain
Nakangiti lang ako habang pumapasok dun sa place niya. Magkahiwalay kami. Kasi diba nga!, babae siya!
Napangiti ulit ako nang makita siya banda dun sa may mga salamin. Nakatalikod sa akin and fixing her things. Nandito din pala si Manager Sy
"Klea!. Sabay na ta–"
I was just about to say that words when Reyna interrupted me
"Ma'am Kleaa!!!"
Tumingin naman si Klea dito
"May nagpapabigay sayo!" nakangiting sambit niya at may inabot na isang sosyaling cellophane. Halatang galing order din ito
"Huh?? Sinong nagpapabigay neto??" ani Klea
Ang lawak ng ngiti ngayon niya at si Reyna
"Si kuyang pogi. Si Mr. Fuentes!"
"Si Gerald?? Nandito siya??"
'Naunahan naman ako ni Insan oh!'
"Yes po!. Kaso nasa labas siya. Bawal dibang magpapasok??" sagot naman ni Reyna
Kanina pa nakatingin si Manager Sy sa kanila
"Plss Reynaa!! Papasukin mo siya!! Siya lang naman eh!. Tsaka, ako na din ang bahalang magpaliwanag kay Direk!"
'Hyst! Buhay!'
"Sge na nga!. Puntahan ko na siya!" ani niya at umalis naman si Reyna
At kitang-kita ko kung gaano kasaya ang mukha ngayon ni Klea
'May feelings na ba siya para kay Insan??!'
"Ethann!! Nandito ka pala!!"
Mabuti na lang at napansin ako ni Manager Sy
At ngumiti ako sa kaniya
"Ethan anong ginagawa mo dito?? At saan mo ibibigay yan??" ani Klea at tinuro pa yung dala ko
…
"Uhm… si Manager Sy naman talaga yung hinahanap ko!. Manager Sy oh! (Sabay abot). Alam ko po kasing hindi pa kayo naglu-lunch!" pilot ngiting sambit ko
Lumapit naman siya sa akin at kinuha ang dala ko
"Salamat Ethan ah!? Napakabait mo talagang bata ka!"
Ngumiti ako ng mapait sa kaniya
"Manager Sy, sabay na po tayo!"
"Sge"
Naghanap naman kami ng lamesa para doon kami kakain. At may nahanap kami malapit dun sa pintuan
Tapos, ang siya namang pagpasok ni Insan
"Hey Insan!"
Hinarap ko naman ito. At isang malalim na awra ang ipinakita
"Tsk!. Don't talk to me!"
Nagulat naman siya sa inasta ko pero wala akong pakialam
–END OF PART 19–