PART 20

1194 Words
_______________________________ ~GERALD POV~ Salamat na lang at pinapasok ako Habang naglalakad kami kasama itong si Reyna. At papasok na kami ngayon ng makasalubong ko si Insan "Hey Insan!" sambit ko sabay hinto Huminto naman din ito at hinarap ako. Ngunit isang madilim na awra ang ipinakita niya sa akin "Don't talk to me!" Nagulat na lang ako sa inasta niya. Tapos ay umalis na din siya 'Bakit siya ganun?? Dahil ba ako ang naghatid kay Klea dito??. Oo. Nakita ko rin yung sasakyan niya kanina. Alam ko namang siya yun eh! Para na kaming magkapatid dba?! Kaya alam ko na ang lahat' "Gerald!" Tumingin ako kay Klea, tsaka lumapit na din "Ral, huwag mo nang pansinin yang pinsan mo. At sa wakas ay nakita mo na din ang ka bwesitan niya" Bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya "Baka wala lang sa mood si Insan. Ganyan siya umasta kapag wala siya sa mood o mainit ang ulo niya. Nasanayan ko naman" ani ko "Ah ganun ba. At ral, salamat pala sa pagkaing binigay mo" sambit niya sabay turo dun sa lamesa "Ah… walang anuman yun" sambit ko at ngumiti "Tara ral!. Alam kong hindi ka pa din kumakain" ani Klea at pumunta banda dun "Para talaga sayo yan Klea!" "Hindi!. Madami din namn 'toh, hindi ko 'toh mauubos lahat" Lumapit na lang ako sa kaniya. Sa totoo lang, nagugutom na din ako. Hihihi "Sige na nga Klea! Mapilit ka eh!" _______________________________ (–ETHAN POV–) Pagkaupo ko naman at nasa gilid ko si Manager Sy, dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila 'Epal naman 'tong si Gerald oh!' Sinilip ko naman ng konti sila. At kumakain na silang dalawa 'Kailangan pa ba talagang magsusubuan??' "Hoy Ethan!" Medyo nagulat pa ako sa biglaang pagsalita ni Manager Sy "Bakit hindi ka pa kumakain?" dagdag niya Oo nga, siya kanina pa kumakain. Ako neto hindi pa nga nabubuksan. Ayan kasi eh!. Nakikinig lang ako sa kanila "Ah eh… sorry po. Kakain na po ako" sambit ko at t binuksan na yung parang lunch box tapos kinuha na din ang kutsara't tinidor na made in plastic. Parang yung pinsan ko. Ang plastik! "Ethan, magsabi ka sana ng totoo, sa tanong ko ah?!. Huwag mo sanang mamasamain" Lumingon ulit ako kay Manager Sy "Ano po yun?!" "May nararamdaman ka na ba para kay Klea?? Nagugustuhan mo na ba siya??" Bigla naman akong nagulat sa tanong niya Sasabihin ko ba?? "Uhm… wala po Manager Sy" sagot ko na lang Pero ang totoo… meron "Hindi ako naniniwala Ethan. Simula pumasok ka sa showbiz ako na ang Manager mo. At bata ka pa nun. Kaya kilala na kita. At sa nakikita ko ngayon, nagsisinungaling ka" Paktay!. Ayokong sabihin sa kung sino man na may gusto ako kay Klea. Pero may tiwala naman ako kay Manager Sy diba?? "Manager kasi…" "Don't deny na Ethan. Nakita kita sa mga kinikilos mo. Kung paano ka makatitig kay Klea. Kung paano ka umacting bilang Aze at siya si Ziara" "Sinusunod ko lang po yung sinabi sa script" sagot ko at umiwas ng tingin sa kaniya "Mahigit pa dun. Alam kong may pagtingin ka na sa kaniya. Hindi bilang si Ziara, kundi bilang si Klea" Tama naman siya… Tiningnan ko muna ulit siya. "You're right Manager Sy. I think may pagtingin na ako kay Klea" Ngumiti naman siya ng napakalapad at pumalapakpak pa ng mahina "Pero manager sy, hindi ko po alam!. Kung paano sasabihin sa kaniya. At lalo hindi pa ako aamin kasi, hindi pa kami magkasundo" "Nakikita ko nga sa inyo yan. Ano bang mga sala mo kay Klea?? Bakit palagi niyang sinasabi na ikaw raw yung sumisira sa araw niya??" takang-takang tanong niya "Nung una. Iniinsulto ko siya. Inaasar. Tapos nung mga nakaraang araw, wala naman po. Pero di ko alam kung bakit ganun pa din siya sa akin!" … "Pero nawa sana'y, magkaayos na din kayong dalawa. Ethan, tingnan mo oh?!" Tiningnan ko naman yung tinuro niya banda sa likod namin Si Insan lang naman at Klea, nag-uusap tapos nagtatawanan "Huwag mo hayaang maunahan ka ng pinsan mo. Sabi nga nila Ethan diba?, nasa huli ang pagsisisi" Napag isip-isip naman ako. May punto rin naman si Manager Sy "Huwag kang mag-alala Ethan. Kakausapin ko si Klea mamaya. Kapag break time niyo na" "Ngunit Manager Sy. Huwag niyo pong sabihin sa kaniya na gusto ko siya ah?!. Plss po" pagmamakaawa ko "Hyst! Youre just like a little kid. Pinapako kong, hindi ko sasabihin" Ngumiti naman ako ng pilit "O siya!, kumain na nga lang tayo!" _______________________________ –KLEA POV– "Klea, puwede na ba akong bumisita dito?? In any time?? Gusto ko lang kitang makita" Bahagyang napatigil naman ako sa pagkain at tiningnan si Gerald "Oo naman!" nakangiti kong sambit "Pero diba, bawal??" 'Aw oo nga noh?!' "Ako bahala" Nakita ko naman si Pauline na kapapasok lang dito "Direk Pauline?!!!" tawag ko sa kaniya sabay tayo na din. Napatingin naman ang lahat ng nandito 'Sila ba yung tinawag ko?? Hindi dba!??' Inilagay muna niya yung bag niya sa may sofa "Bakit Klea?? May problema ba??" "Wala naman pong problema. Pero, puwede po bang, uhm… magpapunta po ng ibang tao maliban sa mga staffs at iba pa??" Lumapit naman ito sa akin "Klea, rules yan dito dba??. Puwede naman pero family members mo" "Sige na Pauline!! Plsss!!" Parang batang nakatiklop pa yung dalawang kamay ko "Plsss… Direkk… si Gerald lang naman eh!" ani ko at itinuro pa si Gerald. Tiningnan naman niya ito at balik sa akin "Plssss" ani ko ulit at nagpuppy eyes pa Ilan segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita "Sige na nga!" Napangiti naman ako sa desisyon niya "Pero Direk!. That against the rules!. Ikaw po mismo ang naggawa ng rules na yan!" sabat ni Ethan at tumayo pa 'Tsk! Bwesit talagang lalaking 'toh!' Nakita ko namang hinarap ni Pauline si Ethan "At ako mismo ngayon ang nagsasabing puwede na. As long as kaibigan o kakilala mo. And Ethan, pinsan mo naman din itong si Gerald. Kaya okay lang" 'Bleee!! Kawawa ka ngayong lalaki ka!!' Wala naman siyang ibang nagawa kundi umupo na lang _______________________________ [ FAST FORWARD ] –CELINE POV– Nandito ako ngayon sa mall. Wala lang!. Gusto ko lang libangin yung sarili ko. Kaysa naman, doon na lang ako parati sa kuwarto ko. Umiiyak. At para na din mabawas-bawasan yung sakit na nararamdaman ko *phone rings* Dali-dali ko namang kinuha ang phone ko sa maliit kong sling bag at sinagot agad ito Si papa ang tumatawag [Hello pa!] [ Anak nasaan ka ngayon?? Bakit bigla ka na lang nawala sa bahay??] Ay oo nga pala. Hindi ako nagpaalam "Uhm… Pa! Nandito ako sa mall. May bibilhin lang po" sambit ko [Ganun ba anak. Sge. Ikaw na din ang mamalengke ah?! Wala kasi tayong ulam mamaya. Babayaran naman kita dito] "Sge po pa. Ba-bye po" Pinutol ko na yung tawag namin. At ibinalik ang phone ko sa sling bag Habang sini-zipper ko ng biglang… May nakabangga akong isang lalaki "Sorry-sorry miss! Hindi ko po sinasadya!" Wait… familiar to sa akin ah?! At… paglingon niya sa akin Siya nga! 'Si Gasper!' –END OF PART 20–
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD