_________________________________
(CONTINUATION)
–CELINE POV–
Pinutol ko na yung tawag namin. At ibinalik ang phone ko sa sling bag
Habang sini-zipper ko ng biglang…
May nakabangga akong isang lalaki
"Sorry-sorrt miss! Hindi ko po sinasadya!"
Wait… familiar to sa akin ah?!
At… paglingon niya sa akin
Siya nga!
"Gasper??"
"Celine??" aniya. "Nice to see you again!"
Siya si Gasper. Ang lalaking minahal ko ng sobra. Ang lalaki ding iniyakan ko ng sobra
__________________________________
"So Celine. Kumusta ka na??"
Nandito na kami sa isang fast food
"O-k lang na-man"
Shocks! Bakit ako nauutal??!. Sino ba kasi hindi putol-putol ang masasabi sa gwapong kaharap ko. Mas lalo pa siyang gumwapo nung naging kami
"Don't shy Celine. Masyado kang halata. And. Kumain ka na"
Oo nga pala. Kanina pa siya kumakain, habang ako dito'y hindi man lang kumikibo
Ilang segundong tumahimik… kaya nagsalita na lang din ako
"Gasper, kailan ka pa umuwi sa Pinas??"
Ang huli kong balita sa kaniya kasi, pumunta siya sa New York
"Actually, kahapon pa. Magpapahinga nga sana ako buong araw ngayon, pero. Kailangan kong asikasuhin ang mall na 'to"
Sana ol diba??
"Wow!. Ibang-iba ka na ah?!. Ibang-iba ka na sa dating ikaw"
"Never akong naging iba Celine. At never naging iba ang pagmamahal ko sayo"
P*ta!
"Gasper, sabi mo sa akin noong nakipaghiwalay ka. Hindi mo na ako mahal!" medyo napalakas na ang boses ko
"And I said, I have reasons why I broke you up. At sabi ko rin, babalik ako. Babalikan kita. At eto ako ngayon"
Myghoodd!! Luhaa!! Huwag ka nang bababaa!!
"Sorry Gasper. Paalam. May gagawin pa ako" ani ko at tumayo dala nung sling bag at aalis na sana
Akmang aalis na ako ng… bigla niyang hinawakan ang kamay ko
"Maghihintay ako Celine, kung puwede na!. Just give me a second chance!"
Kitang-kita ko naman sa mga mata niya, na sincere talaga siya
…
…
___________________________________
~KINABUKASAN~
–KLEA POV–
Break time namin ngayon at sakto naman dahil may tumawag sa phone ko
…Si Darl…
"Hello Darl, bakit ka tumawag??"
[Klea, yung anak mo! Umiiyak! Hinahanap ka!] klarong klaro sa linya na ang ingay
[Ginawa ko na ang lahat Klea, pero ayaw pa din niya. Hindi pa din siya tumitigil sa kakaiyak!]
"Guyzz!! 3 minutes mag start na!!. Magready ka na din Klea!" sigaw nung isang staff
Ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya
"Paano na'to Darl! Hindi ako makaka excuse ngayon!. Buong araw pa yung taping, at kailangan nandito ako. Kasi scene ko!"
(–ETHAN POV–)
Rinig na rinig ko ang tawagan ni Klea at ni Darl. Mukhang may problema
"Ethan, puwede nang hindi ka pupunta ngayon. Bukas ka na lang ulit" ani Direk
"Sige po Direk!" sambit ko at ngumiti
Umalis naman siya
"Sasabihin ko kay Pauline Darl, baka payagan niya ako"
Napatingin ako ulit kay Klea. Tapos, pinuntahan agad niya si Pauline
"Naku Klea, bawal kang mag excuse ngayon!. Sana nama'y maiintindihan mo ito!"
"Naiintindihan ko naman Pauline. Pero kailangan ako ng anak ko!"
"For sure, mapapatahan din ni Darl si Khiera. Makakahanap din siya ng paraan"
May naisip naman ako
___________________________________
~FAST FORWARD~
Nandito na ako sa harap ng bahay nila Klea. Tapos na din akong mag doorbell. Naisipan kong ako na lang ang pupunta kay Khiera, wala din naman akong gagawin. Tsaka, kawawa yung bata
"Ethan!!" sambit ni Darl pagkabukas niya
___
Rinig na rinig ko ang iyak ni Khiera habang papasok kami
"Khiera, look who's here!!"
Iniangat naman ni Khiera ang ulo niya. At ngayon ko lang nakitang puno-puno na ng luha ang buo niyang mukha. Nakaupo lang naman siya kanina sa sahig at nagkalat pa ang mga laruan niya sa paligid niya
"Daddy ETHAN!!" patakbong sambit niya at niyakap ako
Binuhat ko naman siya
"Daddy Ethan, kasama niyo po ba si mommy??"
"Hindi eh!. Busy ang mommy mo. Kaya ako na lang ang pumunta" ani ko at pinunasan ang luha niya
"Don't cry na ha?!. Nandito naman ako" dagdag ko
"Pero I miss mommy poo!!"
Kitang-kita ko sa mukha at mga mata niya na miss nga niya si Klea
"Uuwi naman siya dito mamaya"
Malungkot pa din ang mukha niya
"Huwag ka nang ma sad. Uhm… punta na lang tayo sa mall. Anong gusto mo??"
Mabuti na nga lang at naging masaya siya. Pero konti lang
"I want to eat ice cream poo!!"
"Sge ba. Pero I promise mo sa akin, na huwag ka nang iiyak" sambit ko
"Promise poo!!" nakangiting sambit niya sabay promise sign pa
"Go na!. Magbihis ka na!"
Ibinaba ko naman siya
________________________________
Kasalukuyan akong naghihintay dito sa sala kay Khiera. Hindi ko naman maiwasang tingnan ang mga pictures na nandito sa gilid ko
Nung unang picture, silang mag-ina. Nakayakap pa sila sa isa't-isa habang karga-karga ni Klea si Khiera. I think this picture was taken last 2 years ago. Masyadong bata pa kasi si Khiera
"Ang cute" sambit ko na lang
Yung sunod naman, si Klea lang mag-isa. Ang ganda niya dito. Well, araw-araw naman siyang maganda. Heheheh. Sinasabi ko lang kung ano yung totoo
"Ang ganda po ng mommy ko noh?!"
Halos mabitawan ko na ang picture frame sa biglaang pagsalita ni Khiera
"Khiera!"
Nakabihis na pala ito
"Tara na!"
Hinawakan naman niya ang kamay ko. Tapos may maiit pala siyang bag sa likuran niya
'Ang cute niya'
Nilingon ko naman si Yaya Darl
"Hayaan mong ako muna sa ngayon ang bahala kay Khiera" sambit ko dito
"Sge Ethan"
"Ikaw na din ang magsabi kay Klea na hiniram ko muna ang anak niya"
Tumango naman ito at ngumiti
________________________________
~SA SASAKYAN~
"Daddy Ethan??"
"Bakit Khiera??" sambit ko at naka focus pa din ang tingin sa daan
"Bakit hindi na lang po kayo ni mommy?? I mean po, bakit hindi niyo pa po siya liligawan??"
"Huh??"
Grabe din pala ito
"Diba po, gusto niyo si mommy??"
"Saan mo naman Nakuha yan"
"Wala po!. Feeling ko lang. Pero totoo naman po dba??. Gusto niyo po si mommy??"
Ilan Segundo muna ako bago nakapagsalita
Ang bata-bata pa ni Khiera, tapos alam na niya ang mga bagay na yan. Saan namn niya natutunan yon??
"Ah… eh… kasi…"
Iniba ko na lang yung topic
"Khiera, ice cream lang ba yung gusto mo?? Saan mo pa gustong pumunta??!"
"Kahit san po!"
Hyst! Mabuti na lang
_________________________________
(~FAST FORWARD~)
Kumakain na ng ice cream si Khiera ngayon, ng biglang may tumawag sa pangalan ko
"Boss ETHAN!"
Napalingon ako dun sa banda nang nagsalita. And what he just say… Boss??
Lumapit naman itong nakangiti sa akin. At tumayo na din ako
Sasabihin ko sa inyo na. He's kinda familiar, hindi ko alam kung saan kami unang nagtagpo
"Boss!, musta ka na!. Ang tagal mong nawala ah!"
Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin sa sinabi niya
"Sorry po ah. Hindi kasi kita kilala. Puwede po bang magpakilala ka muna??"
Nagtaka naman ako ng tumawa lang siya
"Naks boss ah?!!. Bumait ka na tuloy ah!. Anong nangyari sayo??"
"Sorry po talaga. Hindi kasi kita kilala" ani ko
"Tara na Khiera!" sambit ko at umalis na kaming dalawa ni Khiera
'Sino ba ang lalaking yun?? At bakit niya ko tinawag na boss??'
'Is he part of my past??'
–END OF PART 21–