__________________________
(GABI)
–ETHAN POV–
Buhat-buhat ko ngayon si Khiera papasok sa bahay namin. Napagod siguro sa kalalaro kanina, may pinuntahan pa kasi kaming palaruan kanina. Kaya ayun!, pagkatapos naming kumain ta's papauwi na sana ay bigla lang siyang nakatulog
Dahan-dahan ko naman siyang ipinahiga. At kinumutan na din
'Tatawagan ko kaya s Klea??. Or baka hindi pa sila tapos. Wala din naman akong number niya'
Pero sa lahat ng yan, inaalala ko pa din kung sino yung lalaki kanina. Anong koneksiyon ko sa kaniya?? At bakit niya ako kilala??
*Doorbell rings*
Tumayo ako at pinuntahan kong sino yun
_____________________________
–KLEA POV–
Do you know y'all if why I am here in front the house of Rivera?? Aww char! English maling grammar naman
Sabi kasi ni Darl, hiniram ni Ethan si Khiera kanina. Lintek talagang Ethan to oh!. Hindi manlang nagpaalam sa akin!. What if, kung ano ang gawin niya sa anak ko?? Rapen o ipagbenta sa iba?? Aww bad naman ng iniisip ko
Mapapatay ko talaga siya kapag may nangyaring masama kay Khiera. Twww!
Pagkatapos ng mahabang paghihintay ko dito. At sa wakas ay pinagbuksan na ako
"Klea!. Ikaw pala yan!"
Feel ko sasabog na talaga ako sa galit kay Ethan
"NASAAN ANG ANAK KO!! ANONG GINAWA MO SA KANIYA!!" galit at tinuro-turo ko pa siya habang papasok kami
"Easy lang Klea. Wala naman akong ginawang masama sa anak mo. Dinala ko lang siya at binilhan sa gusto niya"
Inirapan ko naman siya
"Asan siya?!!" diin kong sambit
"Sundan mo'ko"
___________________________
Sinundan ko naman siya gaya nung sinabi niya
"Iuwi ko na ang anak ko Ethan!"
Hindi naman siya nakinig at pumasok na sa kuwartong ito
Nakita ko naman ang anak ko na mahimbing ng natutulog
"Bakit siya nandyan?!! May ginawa ka talaga sa kaniya noh?!" diin kong sambit pero hininaan ko ang boses ko
"Wala nga!. Napagod ata siya, kaya ayan! Nakatulog. Wala ka bang tiwala sa akin??"
"WALA!. At bakit ako magtitiwala sayo?!!. At isa pa, bakit hindi ka mismo sa akin nagpaalam na hiramin mo si Khiera?!!"
"Syempre wala ka!. Busy ka!. Ayokong mangisturbo ng tao!" aniya
"Sariling anak mo nga, hindi mo nabibigyan ng oras dahil sa kabisihan mo!" bulong niya pero rinig na rinig ko!
Ay aba't!…
"WALA KANG KARAPATANG HUSGAHAN ANG PAGIGING INA KO KAY KHIERA!!" napalakas na ang boses ko dahil sa galit
Hahampasin ko sana siya ng bag ng anak ko. Ng…
"Mommy. Daddy Ethan. Why are you fighting??"
Tiningnan ko si Ethan. At ibinaba na ang bag tapos binalinan na ng atensyon si Khiera
"We are not fighting anak. Let's go na! Iuuwi na kita" sambit ko
"Antok na antok na po ako mommy. Puwede po bang dito na lang po tayo??"
"Hindi puwede anak!" sambit ko
"Pagbigyan mo na kasi ang bata!"
Tiningnan ko si Ethan, at isang matalim na tingin ang ipinakita ko sa kaniya
At balik sa anak ko, na naka-smile na
"Plsss mommy??"
Kita ko nga sa dalawang mata niya na inaantok na talaga siya
"O siya!. Sge na nga!. Matulog ka na ulit"
Bumalik namn siya sa kakahiga at ipipkit na sana ng may sinabi pa siya
"Mommy, dito lang po kayo ah??"
Tumango-tango naman ako sa kaniya
"O Klea, dito na lang kayo. Doon na lang ako sa ibang kuwarto" sambit ni Ethan at akmang aalis sana
"Daddy Ethan??"
May hinahanap akong damit sa bag ng anak ko ng sinabi niya yan
"Dito na lang po kayo plsss!!!"
Napatigil naman ako sa sinabi niya at nagulat na din
"Gusto ko lang po, na maranasan. Na may mommy and daddy akong katabi sa pagtulog ko. Plsss po, ngayon lang"
Nakaramdam naman ako ng kunting kirot sa sinabi ng anak ko
'Paano ba kasi yung tatay niya. Alam niyo na!. Sarap patayin!'
"Sge Khiera"
'So it means… magkatabi kaming tatlong matutulog??… WHAT??'
"Maiiwan ko muna kayo. Magbibihis lang ako"
'E di go! Wala akong pakialam!'
"At Klea, manghihiram muna ako kay mommy ng damit niya. Medyo magka-size lang din naman kayo" aniya pero hindi ko siya tinitingnan
Nakaupo lang ako dito. Bahala siya!
Nakarinig naman ako ng pagsirado ng pinto, hudyat na lumabas na si Ethan
Ibinalik ko naman yung ginagawa ko kanina. At nakahanap na ako ng damit niya
"Anak magbihis ka muna bago matulog"
___________________________
Tapos ko nang bihisan si Khiera. At ipinahiga ko na din siya. Habang tinatanggal ko yung sapatos ko, ay siya naman ang pagbalik ni Ethan. Ngunit hindi ko ito pinansin
"Klea oh!" aniya at may inabot sa aking isang… sando?!!
What??!!!
"Ito lang kasi ang nakita ko na kasya sayo" dagdag pa niya
Kinuha ko na lang ito. Hindi kasi ako sanay na Hindi magpalit bago matulog
"Anak, magbibihis lang si mommy" sambit ko kay Khiera at naglakad na patungong cr
Bubuksan ko na sana yung pinto ng tumingin ulit ako kay Ethan
"HUWAG KANG MAMBOBOSO!" diin kong sambit
At ngumisi lang ang mokong
"Daddy Ethan, what's maboboso po??" huli kong narinig mula sa kanila
At tuluyan na akong nakapasok sa cr
…
…
Medyo naiilang pa din ako sa sando na suot ko. Porma na porma yung malaki kung ano, alam niyo na!
Pagkabalik ko naman sa kanila ay, nakatabi na si Ethan kay Khiera, sa left side soya. Kaya sa akin ang right. Kasya naman kami eh!. Ang laki kaya ng kama
Humiga na ako
"Good night po mommy! Good night din daddy Ethan!" sambit ng anak ko
"Night din anak"
"Good night din Khiera"
Kitang-kita ko sa mukha ni Khiera ang matamis niyang ngiti. At nakatakilid na siya sa akin, tapos niyakap sa may Tiyan si Ethan
'Really?? Ako yung tunay na magulang dba?? Bakit hindi ako ang yakapin niya??'
'Matutulog na nga lang ako!'
__________________________
(–ETHAN POV–)
Nakapikit ang mga mata ko ngayon. At kunwaring tulog na, pero yung diwa ko, bukas na bukas pa din!
Iminulat ko naman yung dalawa kong mata
At itong dalawang nagagandahang babae agad ang bumugad sa akin. Pero napako talaga ang tingin ko kay Klea
'Ang ganda pa din niya, kahit tulog'
Hinimas-himas ko ang buhok niya. At medyo dahan-dahanng tumayo para mahalikan cya. Dahan-dahan lang, baka magising si Khiera na nakayakap sa bewang ko, at baka din siya magising
At…
At…
Tagumapay!
Nahalikan ko siya, sa pisngi nga lang. Huwag muna sa lips, maginoo akong tao, marespeto din sa mga babae. At isa pa, aabot din naman ako sa puntong yan
'Actually, natikman ko na pala ang mga labi niya. Sa tuwing may kissing scene sa shooting. Ang saya-saya ko nga kapag may scene na hahalikan ko siya'
'Pero ang gusto koy, sa totoong buhay na. Yung mahal ko siya, at mahal niya ako. Pero kailan kaya mangyayari yun??'
–END OF PART 22–