“Take a seat, Ms. Villion!” ngumiti ang production manager sa akin pero ang tingin ko ay hindi maalis sa gawi ni Cielo. “Ma’am!” medyo malakas ang boses ni Vicky na lumapit sa akin.
“Hindi po ba at siya iyong nasa party niyo noong isang araw? Siya po pala ang photographer?” siniko ko si Vicky. “He’s not just a photographer, Miss Vicky,” ani ni Emily.
“He’s one of the greatest businessmen here in the Philippines. Bilang sa bansa natin ang gwapong bilyonaryo.” pagpapaliwanag pa nito sa akin. Alam ko naman iyon, pero hindi ko alam iyong mga bago niyang business ngayon. Ang naabutan ko lang ay ang Cfitness at ang C hotel niya.
“Ex fiance mo po ‘yan, ‘di ba?” mas humina ang bulong niya sa akin. Binangga ko lang siya ng aking braso at agad na nakipagkamayan kay Cielo. “Nice meeting you, Mr. Castro.”
I can be an actress pala! Hindi ko akalain na kaya kong magpanggap na hindi nangangatog ang tuhod ko.
“Nice to see you again, Ms. Villion,” bati niya sa akin. s**t! Baka malaman nila na ex fiance ko ito at mag-ungkat ng mga issue. “I didn’t know that you knew each other.” natahimik ako.
“Kasi po Billionaire’s ex fiance…” siniko ko pa ng isang beses si Vicky. Pasalamat na lang ako at hindi na ito pinapakinggan ng mga narito sa loob ngayon. Iilan lang naman kami ngayon dito.
“A family business.” ayon na lamang ang sagot ko. “Oh! That’s good!” sunod niya pang sabi. Pinanlakihan ko lang ng mata si Vicky nang maupo siya sa gilid ko.
“We’re gonna start right now, shall we?” pagsisimula ng production manager. “I am Vivar, Victoria Lies production manager. This is Emily my assistant.” sandali lamang iyon nang may tumawag sa kaniya. “I’m so sorry. I have to take this call. Emily! Can you please take my part for a minute.” tumungo naman si Emily at siya naman itong umubo-ubo.
Nang lumabas si Vivar ay pumalakpak naman si Emily kaya’t sa kaniya kami napatingin.
“This project is for summer theme wear by Victoria Lies. One of the greatest brands of all time. From lingerie, clothing and so much more…” pagpapaliwanag niya. “I know you are all aware of that. But this project costs more than thousands of dollars. I hope that this will be great.”
“We got ten latest swimwear.” ipinakita nito sa screen ang ilang swimwear na aking susuotin na nakasuot sa manikin. Pinipilit kong iwasan na tignan si Cielo kahit na alam kong nakatingin siya sa akin.
“We got your size,” sunod niya. Paglipas ng isang click ay doon ko napansin na may pang lalaki na swimwear. “And also! Muntikan ko nang makalimutan na sabihin sa ‘yo, Ms. Villion. Mayroon po tayong couple collection. Mga five swimwaer ‘yon.” sanay naman ako kaya walang problema.
“Ang sama na po ng tingin niya, Ma’am.”
“C-couple?” parang hindi iyon nasabi sa akin ni Vicky. “Bakit po kayo nakatingin sa akin ng ganiyan? Sinabi ko na po sa inyo ‘yan noon. Ang sagot niyo lang po sa akin na whatever.” napakagat tuloy ako sa labi ko.
Ayos lang naman talaga sa akin, pero bakit nahihiya ako at naiilang dahil kilala ko ang kukuha ng picture sa akin?
“Next week pa darating ang partner mo kasi artista siya rito sa Pilipinas kaya medyo hectic ang schedule.” sa totoo n’yan ay wala akong kaalam-alam! Panay lang kasi ako gora, kahit hindi ko na alam kung sino ang kasama ko.
Wala naman kasi akong kagalit na models or artist. Kaya okay lang sa akin na kung sino ang maka-partner ko.
“Then you still have four days to rest here in Palawan or ayos lang naman na mag-stay kayo.” marami pa siyang sinabi. Dumating na rin ang pagkain na aming in-order kanina lang.
“Akala ko nga ay tatangihan ni Mr. Castro ang alok namin.” napunta ang tingin ko kay Cielo na ininom ang tubig. Matapos niyang uminom ay dinilaan niya ang kaniyang labi. “Hindi ko inaasahan na kayo po mismo ang magiging photographer.” sinadya niya ito!
“I’m bored. That’s why.”
“Bored…” bulong ko.
“Anyways! Ayon lang naman po ang mga kailangan natin gawin. Two to three swimwear kada isang araw. Then wait na lang si partner at ayon lang naman.” ito na ata ang pinakamatagal kong naging project so far.
Natapos kaming kumain nang may ngiti sa labi, pero ako? Alam mo ‘yung feeling na may iniiwasan kang tao pero ‘yung tao ay narito lang malapit sa ‘yo.
Ngayon ay papaakyat na kami ni Vicky sa taas. Sasarado na sana ang elevator nang biglang bumukas iyon ulit.
“f**k,” singhal ko nang una kong nakita si Cielo. Ang kaniyang suot na pang summer rin! Kitang-kita ang muscle niyang malaki at ang balat nitong parang namumula na medyo may katamtamang kayumanggi. “Ma’am!” mas lalo akong nagulat kay Vicky na biglang sumigaw sa gilid ko. “Ma’am! Naiwan ko ‘yung schedule kay Ma’am Emily!” nagmadaling lumabas si Vicky nang hindi man lang ako nakakapagsalita.
“Ano ba ‘yan…” kunot na ang noo ko, dahil naiwan kaming dalawa sa loob ng elevator ni Cielo. “How are you?” tanong niya sa akin. Pansin ko ang reflection nito sa pinto ng elevator.
Wala siyang nakuhang sagot sa akin, dahil ayoko na magkaroon pa kami ng communication.
“Did your plan work?” natatawa niya pang tanong sa akin. “Look, Mr. Castro. Sa dinami-dami ng magagaling na photographer sa mundo ay bakit ikaw pa ang nakuha ng team na ito.”
“Excuse me, Ms. Villion. Sila ang kumuha sa akin. You should be greatful dahil ako mismo ang kukuha sa ‘yo. No other, Alexander Cielo Castro.” pagmamataas niya pa sa kaniyang sarili. Bumaba ang tingin ko sa kamay nito at nakita ko pa ring suot niya ang singsing nito.
“Kung pwede bang gawin mo na lang ang trabaho mo. Gagawin ko rin ang akin. Let’s be casual,” sunod niya pang sabi sa akin. “Ginagawa ko ang trabaho ko. Baka ikaw ang hindi.”
“Why are you so grumpy, Dasha? Wala naman akong ginawa sa ‘yo.” lumunok ako. Tama nga siya, wala siyang ginawa sa akin na kahit ano. Ako lang itong nahulog sa kaniya at hindi ko alam na ang mapapangasawa ko ay may mahal na babaeng masungit at pangit ang ugali.
Huminga ako ng malalim.
“Hows Cindy?”
“Why do you ask?”
“Just asking.” gusto ko lang malaman. Bakit ba ang tagal dumating ng elevator na ito sa floor ko? “I don’t know.” ayon lang ang sagot niya. “Kailan niyo balak ikasal ng fiance mo? By the way, congrats.” pagbati ko pa sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya nang sumabat akong muli.
“Pasensiya na rin kung medyo masungit ako. Hindi naman talaga kita nilalayuan. Ayokong ma-issue kasi, saka ayoko sa mga lalaki na kilala ako.” ang kapal ng mukha ko. Ako nga ‘tong humalik sa kaniya noon! “Oh… I see…” may pang aasar sa kaniyang labi.
“I want this project to be successful. Kaya ngayon pa lang ay uunahan na kita. Hindi ko gustong makipag-fling sa ‘yo, Cielo. You’re getting married to someone else. I don’t want an issue, kasi malayo na ang narating ko sa pagiging model ko.” knowing Cindy? Sikat na rin ata siya ngayon na model dito sa Pinas.
Hindi nga lang tulad ko na mas mataas ang credentials kaysa sa kaniya.
“Someone else…” para pa siyang natatawa.
Bumukas ang pinto kaya’t lumabas na rin ako. Gano’n rin ang kaniyang ginawa.
“Hindi porket casual na tayo ay kailangan mo pa akong ihatid sa kwarto ko.” pagtalikod ko sa kaniya ay nag-tap na siya ng key card sa tabing pinto ng aking kwarto. Nanginig ang labi ko, dahil sa kahihiyan! Ang feeling ko masyado!
“Are you saying something?”
“N-no.” dali-dali kong nag-tap at pumasok na agad sa loob ng kwarto. Para akong mamatay sa kahihiyan! Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko!
Hindi ako mapakali sa kakalakad ko sa harap ng tv rito sa kwarto ko.
“Ma’am! Nakuha ko na po ang schedule niyo!” malakas ang boses ni Vicky na pumasok sa kwarto ko. Mayroon naman kasi siyang key card sa kwarto ko. “Bakit mo ako iniwan kanina! Sinadya mo ‘yon, ano?” bungad ko sa kaniya.
“Hala siya! Hindi po ba pwedeng kinuha ko kasi ayoko nang bumaba po ulit?” ngumuso ako nang iabot niya sa akin ang papel. “Dadalhin na rin po rito ang ilang mga swimwear. Kakarating lang rin ng iba pang staff.
“Vicky! Search mo nga!” lumapit ako sa kaniya at tumabi sa kama. “Ano naman ang search ko?” inilabas niya ang tablet na may keyboard.
“Search mo. Alexander Cielo Castro fiance. Dali!” tatlong maliit na hampas sa kaniyang hita ang aking nagawa. Hindi naman iyon masakit kaya ayos lang. “Sandli! Kalma lang, Ma’am! Napaghahalataan ka, e!”
“Paano ako kakalma? Nakita mo naman! Saka hindi mo naman kasi alam ang nangyari!”
“Nakwento na po sa akin ni Ma’am Daisy ang nangyari noon po. Hindi naman kasi kayo masyadong nagkekwento kaya ayon. Siya na ang nagkwento sa akin.” napapikit ako sa aking narinig. Ang daldal talaga ng nanay ko!
“Wala naman pong nakalagay, e.” nilapit ko ang mukha ko sa tablet. “Panay walang matinong sagot. Baka gusto niya private lang,” sabi ko.
“Castro Cielo po ‘yan, Ma’am. Businessman, paano naging private? Alam niyo, Ma’am? Uso rin po ang move on, ah. Saka ‘di naman po natin sure kung may fiance siya talaga.”
“Ayon ang sinabi sa akin.”
“Ano naman po ang pakialam niyo? Kayo naman po ang may gusto na hindi ituloy ang kasal hindi ba?” huminga ako ng malalim. “Bago ko pa sabihin sa kaniya na hindi ko na itutuloy ang kasal ay ibinigay niya na sa akin ang papel.” kita ko kung paano nalungkot ang mata ni Vicky.
“Bata pa ako noon. Nahulog ako sa kaniya kasi mabait siya at medyo alam mo ‘yon bad boy minsan. Ikakasal siya talaga sa Ate Sasha ko, palagay ko ay nasabi na iyon sa ‘yo ni Mommy. Pero nabuntis ang Ate kay Kuya Shad kaya sa akin ipinasa ang napagkasunduang kasal ng Castro at Villion.” tumango naman si Vicky.
“Sabi niya sa akin sa tuwing tinatanong ko siya kung may nararamdaman na ba siya sa akin ay sasabihin niya iyon sa graduation day ko. Pero bago ako grumaduate. Nalaman ko na mahal niya pa rin ang ex niya, Vicky. Natatakot akong malaman iyon sa graduation day ko kaya pinilit ko si Mommy na itigil na ang kasunduan.” mahaba-haba ang pagpapaliwanag ko sa kaniya.
“May nangyari na po sa inyo?” namula ako sa tanong niya. “M-meron na? Marami?” umiling-iling si Vicky. “First time mo siya?”
“O-oo.”
“Kaya pala.”
“Bakit parang iba ‘yung tingin mo? Umalis ka na nga sa kwarto ko. Baka sipain pa kita palabas.” ngumuso ako, dahil may iba sa mga mata niya kung tignan ako. “Alam mo, Ma’am? Kung mahal mo pa talaga. Mahalin mo na lang kahit alam mong hindi pwede. Pwede mo naman siya mahalin, e.”
“Hindi pwede, Vicky.”
“Kasi ang gusto mo ay gano’n rin siya sa ‘yo. Hayaan mo lang ang puso mong mahalin siya, hanggang sa mapagod ‘yan.” turo niya sa puso ko. “Walang silbi ang pagtakas mo, dahil pinaglalapit po talaga kayo ng tadhana. Baka may pinapahiwatig.”