CHAPTER 6

1768 Words
“Shit.” bulaslas ko nang pansin kong sobrang ganda ko sa harapan ng aking salamin. “Bagay na bagay sa ‘yo, Ma’am Dasha!” pagbibigay sa akin ng puri ni Vicky. “Alam ko na ‘yan, Vicky. Hindi mo nakailangan pa na sabihin sa akin.” sabay pose ko pa ulit sa malaking salamin. Ilang katok ang aking narinig mula sa pinto nang lingunin na namin iyon ni Vicky. “Mukhang nariyan na ang team, Ma’am.” tumungo na lamang ako at kinuha ang aking malong na puti. Kitang-kita sa loob no’n ang aking mint green na two piece. Saktong-sakto sa aking pinaghirapan na tan skin. Ang hirap ma-achieve ng balat na ito lalo na France. Kaya kudos sa mga pinanganak ng tan skin ang kulay. ‘Wag lang kalimutan na mag-lotion at panatilihing maayos ang balat. “Wala ka pang make up pero ang ganda mo na agad!” nahihiya ako sa sinabi ni Emily sa akin. “Thank you so much, Emily.” “Pasensiya ka na rin at wala ngayon si Ma’am Vivar. Tinawagan kasi kahapon at nagkaroon daw ng g**o sa isang fashion show sa Vegas,” kwento niya sa akin. “Umalis siya?” tanong ko na palagay ko ay sasagutin niya rin naman. “Siguro. Narito naman ako kaya ‘wag kang mag-alala. Saka mas maayos nga na wala siya kasi gano’n-gano’n lang ‘yon pero grabe sa sobrang strict. Ayaw niya ng may tatawa lalo na kapag working hours.” bumuka ang aking bibig ng letrang O sa aking narinig. Grabe naman ‘yon kung gano’n. Naglakad ako ng naka paa lamang. Hindi naman ako maarte para magtsinelas pa. Hindi ko sinasabi na ang paglalakad ng may tsinelas ay maarte. Syempre ang akin lang paglabas ko naman dito ay beach na rin naman. “Sure ka po ba na hindi ka na magtsinelas?” ngumiti lang ako at nang matanaw ko ang kabuuan ng tanawin nang mapaharap ako sa entrance ng hotel na ito. Marami ang nakatingin sa akin ngunit sanay naman ako sa ganito. “Tara na? Nakahanda na ‘yung payong, Ma’am Dasha.” nakabukas na ang payong ni Vicky nang sabihin niya iyon sa akin. Napatingin ako sa kaniya at umiling. “Kailangan ko mamula, Vicky. Para maganda ang kuha sa akin. Tunay na tunay…” saka ako tumakbo papuntang set. Ang hindi ko akalain ay gano’n kainit ang white sand na ito na parang pulboron na. “Init! Gagi!” mabilis akong napatakbo sa sakit nito sa paa. “Ma’am!” sigaw pa ni Vicky pero wala na akong pakialam. Kapag huminto ako rito ay mas masakit. “Ma’am!” sa malakas niyang sigaw ay napalingon ako habang natakbo kaya’t sa isang iglap ay agad akong nabangga sa kung anong matigas. Mabuti na lang at may humawak sa aking bewang upang hindi ako mahulog. Nanlaki ang mata kong pagmasdan si Cielo na nakatingin sa aking mga mata. “Tumingin ka sa dinadaanan mo.” matapos niya akong itayo ng maayos, ngunit nakahawak pa rin ang kaniyang kamay sa aking bewang. Tila hindi niya pa rin iyon binibitawan. “A-aray! Ang init pa rin!” sabay yakap ko sa kaniya na para ba akong unggoy. “T-teka!” sa sandaling iyon ay para akong sanggol na nakayakap ang paa sa likod nito. “Nako! Ma’am Dasha naman!” pinalo-palo ni Vicky ang aking pwetan habang nakasabit pa rin kay Cielo. “Pasensiya ka na, Sir Cielo! Ito kasi si Ma’am Dasha, e!” “Ito na ‘yung tsinelas mo, Ma’am! Bumaba ka na d’yan! Hindi ka po unggoy.” ramdam ko ang kurot niya sa aking kasingitan kaya’t napalaki nito ang mata ko. “Vicky! Boss mo ako! Aray!” pinilit kong bumaba at sinuot ang tsinelas sa buhangihan. “Nakakahiya kayo, Ma’am.” “No. It’s okay.” tumaray lang ako sa sinabi niya habang nakangiti. “Ilang beses naman siyang pumatong sa akin ng gano’n.” namuo ang dugo ko sa aking mukha sa kaniyang mahinang pagsabi. “Po, Sir?” “Ang sabi niya ay umalis na tayo, Vicky!” hinila ko na lamang siya papalayo. “Alam niyo po kung bakit ko kayo kinurot? Nakadikit na po ‘yung p**e niyo sa bewang ni Sir! Ang tambok pa naman ng p**e niyo.” mas lalo akong nahilo kay Vicky. Pinakukulo niya ang mainam kong dugo sa katawan. “Magsalita ka pa ay talagang makakatikim ka na sa akin, Vicky!” ngunit tumakbo na lamang siya papalayo sa akin. “You’re really close with Mr. Castro, huh?” sa aking tabi kung saan nagsalita ang assistant manager. “A-ah! Not that much. Saan tayo?” “Andoon sa may tent na iyon. Mamayang hapon kasi ay makikita natin iyong local brand. Dito rin daw magpo-photoshoot.” umawang ang labi ko ng kaunti. Matapos ayusin ang make up ko at lagyan ng kung anu-anong spray ang katawan ko at buhok ko ay agad na akong lumabas para simulan ang shoot. Sandali lamang nang lagyan ng isang make up artist ang dibdib ko ng oil. Sanay naman na ako sa ganito kaya nang mapatingin ako sa gilid ay kumunot ang noo ko nang makita ko si Cielo na nakatingin lamang sa babaeng naglalagay sa dibdib ko. “Manyakol.” “P-po? Hindi po, ah! Trabaho lang po!” nabigla ako sa aking sinabi nang magsalita ang naglalagay ng oil sa aking dibdib. “Nako! Hindi ikaw! Iyong…” ngunit tinarayan niya lamang ako at umalis sa aking harapan. “Great! Ngayon ay mukhang may lalabas na ata na issue tungkol sa akin.” kumunot lang ang noo kong tignan si Cielo, habang siya ay inaayos ang kaniyang mamahaling camera. “Ready? Let’s start?” hinawakan ni Emily ang aking braso at naglakad papalapit kay Cielo. Umiwas lang ako ng tingin nang ibaba niya ang titig nito sa katawan ko. Para ba niya iyong kinakabisa kaya’t medyo naiilang ako. “Are you okay?” tanong pa sa akin ni Emily. “Y-yeah! Nanibago lang ako sa init ng Pinas,” pagpapalusot ko at agad naman siyang tumawa. “Hayaan mo na, Ms. Villion. Malaki naman binayad sa ‘yo, e.” pagloloko niya pa. “Tama ka d’yan!” hindi siya nagbibiro sa sinabi niya sa akin. Totoong malaki ang bayad sa aking ng Veronica Lies, parang kaya ko nang bumili ng tatlong sports car. “Shall we start?” boses iyon ni Cielo. “Yes, Sir.” pagpagalang naman ni Emily at agad na lumapit sa tent na kung saan naroon ang ilang tao ni Cielo. Sa totoo n’yan ay nag-iba ang aura ni Cielo. Para siyang nakakatakot pagmasdan ngayon. Hindi ko maipagkakaila na isa ito talaga sa pinahahalagahan niyang trabaho, dahil passion niya rin ito. Mabilis akong nag-pose. Iyong bagay rin naman sa suot ko, pero naiilang talaga ako sa kaniya. Nawawala ang angas ko at galing ko pag-pose kapag siya ang nasa harap ko. Inalis niya ang nakadikit nitong camera sa kaniyang mata at tinignan ako. “Are you fine?” “Mainit kasi!” “Mas lalo kang maiinitan kung hindi mo aayusin ang pose mo. Para kang nag-pose ng local brochure, Ms. Villion.” umiwas ang tingin sa kaniya at agad na dinilaan ang labi ko. “What’s wrong with local brochures? Hindi porket mataas ka na ay kailangan mo pang manglait ng mga nasa ibaba mo lang!” “What’s wrong with you? It is not my fault na para kang natatae sa pose mo. Binayaran ka ng malaking halagang pera ng brand na ito, hindi para bigyan sila ng ganiyang pose, Ms. Villion.” mahinanon pa rin ang pagkakasabi niya sa akin. “Pasensiya ka na, ha? Nahihirapan kasi ako. Nahihirapan akong mag-pose! Nahihirapan akong isipin na hindi ikaw ang kaharap ko. Nahihirapan akong makita ka, okay?” gulat siya sa sigaw ko. Marami ang nagsibulungan sa mga staff na ikinapikit ko. Dali-dali akong tumakbo papalayo sa kanila, dahil sa kahihiyan. “Break muna!” sigaw iyon ni Emily. “Hindi pa nga nag-start, break na agad.” hindi ko nakilala kung kaninong boses iyon. Sa init ng panahon ay pinilit ko rin na pigilan ang sarili kong maiyak. “Dasha!” malayo-layo na ako sa pwesto namin kanina nang tawagin ako ni Cielo. Imbis na lumingon sa kaniya ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Ngunit nang hilain niya ang braso ko paharap sa kaniya ay kita ko kung paano kumunot ang noo niya. “Bakit ka umalis?” “Dahil gusto ko!” iyon ang sagot ko. Hindi pa ba halata na nilalayuan ko siya. “Pwede bang mag-mature ka na? Kung dahil ito sa nakaraan natin ay isantabi mo ‘yon. Hindi lang ikaw ang nagtatrabaho para rito.” alam ko kung ano ang punto niya. “Nasasayang ang oras na bayad.” “Babayaran ko!” “Can you please stop running away? Ano ba ang gusto mong gawin ko? You want me to stay away again? You want me again to leave you?” humarap ako sa kaniya at ipinakita kung gaano ako nasasaktan ngayon. “Ang gusto kong gawin mo ay layuan ako! Please stop… stop looking at me na para bang ako pa rin iyong dating Dasha! Iyong dating Dasha na gusto ka! ‘Yung dating Dasha na gusto ka pakasalan!” sabay turo sa kaniyang dibdib. Hindi siya nakapagsalita. “Kasi nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita, okay? Nalilito ako.” turo ko pa sa utak ko. “Nahihirapan ako! Ayokong makita ka! Nalayo ako sa ‘yo, alam mo ba? Nagpakalayo-layo ako para hindi kita makita! Tapos pinaglalapit pa rin tayo ng tadhana!” sabay punas ko ng aking luha. “Kaya kung ayos lang. Gawin mo na lang ulit ang ginawa mo sa akin noon. You canceled our engagement and wedding at hindi ka na nagpakita. I know how happy you are with your new fiance, and I’m happy for you…” “Dasha.” “You canceled everything. You even didn’t tell me kung ano nararamdaman mo sa akin tulad ng pangako mong sa graduation ko ay doon mo sasabihin sa akin ang nararamdaman mo.” ngumiti ako na para bang nahihibang. “At alam ko ‘yon. Alam kong wala akong puwang sa puso mo. You’re just doing what your great-grandfather wants. But I f*****g need an explanation. Kahit alam ko ‘yung sagot, sana ay sinabi mo. Hindi ‘yung bigla ka na lang nagdesisyon na hindi mo na ako papakasalan.” saka ko siya binangga sa gilid nito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD