“Ayon ba ‘yung kukunin niyong ambassador? Full of disrespect? Ano ba ang nakita niyo sa kaniya?” bubuksan ko sana ang pinto ng marinig ko ang awayan sa loob ng kwarto.
Gusto ko sanang humingi ng pasensiya dahil sa nangyari. Dahil sa katangahan ko ay naurong tuloy ang shoot namin ngayong araw. Sa susunod na araw ay maghahabol na kami.
“Who’s the production assistant here?” rinig kong tanong ni Emily. Kaysa sa mag-away-away pa sila sa loob ay dali-dali akong pumasok. Natahimik sila nang makita ako. Doon ko napagtanto na ang babaeng nasigaw nang nasigaw kanina ay ang naglalagay ng body oil sa akin kanina.
“Great! Hindi porket make up artist lang ako ng team na ‘to ay hindi na ako pwedeng magsalita. Araw ang nasasayang natin dito!” kita ko kung paano tumaray si Emily sa nabanggit ng babae muli.
“Okay. Here’s the deal, you’re fired. Kung ayos lang iyon sa ‘yo? Ayoko nang maraming sinasabi kahit na ang trabaho mo lang ay mag-ayos ng artist and models namin. I will talk to Vivar and tell that this is your last day.” ang pagtahimik ng babaeng nagme-make up sa akin ay natahimik.
“As a product assistant? Wala kayong narinig sa akin! Kahit iparating niyo pa iyan kay Vivar ay hindi maalis ang credentials ko.” hinawakan ko ang kaniyang braso para pigilan siya sa pagsasalita. Parang nagiging bias na kasi siya.
She’s taking my side at ayoko naman na maging masama ang tingin sa kaniya ng iba.
Nang tignan niya ako ay hinarap ko ang ilang nakaupo na team. Huminga muna ako ng malalim at saka yumuko.
“Pasensiya na po sa nangyari kanina. Masyado kong dinibdib ang nakaraan ko-” nahinto ako sa aking sinabi. “See? Sabi sa ‘yo, e… may something sila ni Sir. Castro.”
“Gosh! Totoo nga ang nabalitaan ko. Sir. Cielo canceled the wedding with her.”
“Kung ako rin naman tapos gano’n ay talagang tatakbo at hindi makakapag-” huminto ang babae sa pagsasalita nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya. “Aalisin mo ako? Dahil lang sa babaeng hindi professional? Ilang taon na akong nagtatrabaho sa kumpanya na ito at ngayon niyo ako gaganituhin sa dahil sa babaeng ‘to?”
“Tessa, you’re being rude towards to her.”
“Ako pa ang naging rude?”
“This is your last chance, Tessa. Kahit magsabi ka pa ng ilang masasama na balita sa media ay alam mo kung ilang models na rin ang binatikos mo.” ang panlalaki ng mata ni Tessa ay tila siya ba’y natakot.
“Magpahinga ka na. Bukas na natin ipagpapatuloy ang dalawang swimwear.” hinagod niya pa ang aking braso at saka siya umalis ng kwarto. Marami kaming nag-iwasan lang ng tingin.
Kaya ako na lang itong naglakas ng loob na magsalita muli.
“I’m sorry, Tessa. Hindi ikaw ang sinabihan kong bastos,” mahina kong sabi nang lumapit ako sa kaniya. “M-may lalaki kasing nakatingin sa akin at saktong nilalagyan mo ng body oil ang katawan ko. Hindi ko akalain na iisipin mong ikaw ang sinasabihan kong bastos.”
“Pasensiya na rin sa inyong lahat. Hayaan niyo sanang makabawi ako sa inyo. Sagot ko na ang hapunan niyo mamaya…” nagtinginan sila at nag-appear-an.
“Wala namang kaso sa amin ‘yon, Miss Villion. Kung tutuusin nga ay pabor kami, e…” imbis na magtaka at magtanong kung bakit ay sinagot na rin nila ang nasa isip ko. “Kasi last-last week pa kami walang pahinga tapos next-next week pa ulit.” kamot nila sa ulo.
Pinagmasdan ko si Tessa at doon ako napahinga nang makita siyang umiwas ng tingin.
“Magpapahinga na rin ako. Salamat at pasensiya na sa inyo, ah…” pagkasabi ko no’n ay umalis na ako. Huminga ako at napakamot na lamang sa aking batok. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na pinagsisisihan ko talaga.
Wala akong nakuhang sagot sa mga tanong ko kay Cielo. Siguro nga ay tama ang mga nasa isip ko noon.
“Ma’am Dasha,” tawag sa akin ni Vicky nang makapasok ako ng kwarto. “Pasensiya na rin sa ‘yo, Vicky.” ngumiti lang siya sa akin at tumango. “Wala naman po iyon sa akin. Iyong kanila lang po talaga ang inisip ko saka si Sir. Cielo.” napatingin ako uli sa kaniya.
“Hindi ko alam kung ano ‘yung itsura niya, e. Kung galit ba siya o ano…” bakit siya pa ang may ganang magalit? Ako itong iniwan niya nang walang kahit anong rason.
Sana man lang kasi bago siya mag-cancel ng kasal ay sinabihan niya muna ako. Kung mahal niya talaga ang babaeng iyon ay sana’y sinabi niya na lang sa akin, hindi ba? Maiintindihan ko naman. Wala naman akong magagawa kung mahal niya talaga ang pangit na ‘yon.
Kaya nang maghapunan na ay ako na mismo ang sumagot sa kanila.
“Thank you, Ms. Villion!” pagpapasalamat nila sa akin na ikinangiti ko na lamang. Hinanap ng mga mata ko si Cielo ngunit hindi ko siya makita.
“A-ay? Hinahanap niyo po ba si Sir. Castro? Sabi niya po kasi ay may hindi raw po siya sasama sa atin mag-dinner.” as if naman na siya ang hinahanap ko. Parang kanina lang ay siya talaga ang nasa isip mo.
“Hindi raw…” nagtawanan nanaman sila sa akin kaya hindi na ako umimik pa at baka ma-issue nanaman ako sa kanila. “Pwede bang magbanyo muna?” tumango lang naman sila sa akin.
Nagpaalam rin ako kay Vicky na busy sa kakakain ng sea foods.
“Dasha! Dasha!” dahil nasa labas lang naman kami ng resto kumain ay papasok pa ako sa loob ng resto para makapunta ng banyo. Ngunit nang may tumawag sa akin ay mabilis akong napalingon.
“Si Dasha nga!” ilang mga babae ang naroroon at nakangiti sa akin. “Sobrang fan mo po ako simula nu’ng napasama ka sa Level five!” ani ng babae. Nahiya pa ako dahil naalala niya pa iyon.
Bago kasi ako maging model talaga ay sumalalang pa muna ako sa mga shows like Top Level Model. Sa awa ng D’yos ay nakasama ako sa Level five at hindi na ako nagsisisi doon.
“Thank you so much… sayang wala kasi akong dalang kahit ano na pwede kong ibigay sa ‘yo-” natigil ako ng maisip ko ang aking hikaw. Hindi naman ito sobrang mahal pero para sa taong sumusuporta sa akin ay kaunti lamang ito.
“Ito…” nanlaki pa ang mata niya sa akin nang makita niya akong alisin ang aking hikaw saka ibinigay sa kaniya. “Nako! Thank you po talaga, Ms. Villlion! Sobrang bait niyo po talaga!”
“Kumain ka na ba? Gusto mo ba sumabay sa team namin? Nakain pa lang sila doon.” ngunit hindi na siya sumama sa akin at tanging panay pasasalamat na lamang ang aking narinig.
Nagpaalam siya sa akin kaya nang tignan ko na ang loob ng resto ay unti-unting nawala ang ngiti ko.
“Sabi ko sa ‘yo, e! narito si Cindy! Kasama niya ata ‘yung boy friend niya!” bulungan ng ilang babaeng nadaan sa gilid ko. Umiwas na lang ako ng tingin at kinagat ang aking labi.
Kaya pala hindi siya sumabay sa amin, dahil may ka-date siya ngayon.