Hindi naman ako nagpapansin sa kanila o ano, dahil ang gusto ko lang ay magplano pero nang makita ni Cindy ang kinakatayuan ko ay nanlaki ang mga mata niya.
Ngumiti siya sa akin at agad na may binulong kay Cielo kaya’t napatingin rin si Cielo sa gawi ko.
“Ano tinitingin-tingin niyo d’yan?” kahit hindi naman nila rinig iyon ay tinanong ko sila sa mahinang paraan. Pumasok na lamang ako ng banyo matapos lumbas ang isang babae. Sa sobrang tagal ng ihi ko ay ako na lamang ang napipikon.
Nabibwesit lang ako sa kanila!
Kaya ng lumabas ako sa banyo ay nagulat ako nang makita ko si Cindy na naghihintay na rin.
“You done?” ngiti niyang tanong sa akin. “As you can see,” matipid kong sagot.
“Still a brat?” umawang ang labi ko sa kaniyang tanong nanaman sa akin. “Nah, I’m a b***h now…” nawala ang ngiti niya nang isagot ko iyon.
“Oh! Lumaki na ang ulo…” tinakpan niya pa ang kaniyang bibig. “Kinda. Who are you again?” kita ko kung paano nainis ang kaniyang mukha sa tanong ko.
“Excuse me,” huling sabi ko bago ako umalis ng gawi. Iniwan ko siyang nakatayo doon at ako lamang itong naglakad papalabas nang makita ko si Cielo na nasa mesa na namin.
What is he doing here?
“Ma’am…” boses iyon ni Vicky. Umupo ako muli sa kaniyang tabi at hinawakan pa ang kaniyang braso. “It’s okay,” ani ko sa mahinang boses. “Did you eat, Mr. Castro?” tinignan ko lamang si Emily na nagtatanong kay Cielo habang naghihimay ng malaking alimasag.
“Pansin ko kanina, Sir, na may kausap kang maganda sa loob, ah! Parang model rin.”
“She is…”
“Wait? Iyong dito rin ang shoot? ‘Yung local brand? Ang galing!” parang ang saya pa nila. Tahimik lang ako na nakain rito sa gilid ni Vicky. “Marunong ka ba kumain n’yan, Ma’am?” nanlaki ang mata kong tignan si Vicky.
“Ano ba ang akala mo sa akin? Tuleg? Malamang! Marunong ako kumain ng alimasag!” pagtatanggol ko sa aking sarili mula sa tanong niya.
“Ako na d’yan, Ma’am. Hindi ka pwedeng masugatan at baka maurong nanaman ang shoot natin.” binasag niya na lang ang galamay gamit ang isang pang gupit.
“Miss Villion? Matanong ko lang?” kasabay ng tanong ng lalaki na staff ay ang paglagay ni Vicky sa akin ng laman. “A-ano ‘yon?” sabay subo kasama ang kanin.
“May boy friend ka na ba?” agad kong nabuga ang aking kinakain dahil sa kaniyang tanong. “Nako! Wala pa ‘tong boy friend! Alam mo bang may nanligaw rito kay Ma’am Dasha na sikat na model sa France? Busted!” siniko ko lang si Vicky.
“Hindi mo kailangan ikwento pa ‘yon.” pinanlakihan ko pa siya ng mata pero parang wala lang sa kaniya. “At hindi lang ‘yon! Hindi ba, Ma’am Dasha at gusto ka pa pakasalan no’n?” ano ba ang binabalak niya?
Hindi naman ako gustong pakasalan ng nanligaw sa akin noon.
“Talaga?” maraming nagulat sa kwentong barbero ni Vicky. Hindi ko sadyang mapatingin kay Cielo na nakatingin lamang sa akin. Kunot ang noo at parang naiinis sa kaniyang narinig.
O baka kaya siya naiinis dahil wala siyang puwang para maipagmalaki ang kaniyang mahal na si Cindy?
“Sayang naman po kung hindi niyo sinagot? Ano po dahilan?” tanong nanaman ng staff sa akin. “Ang dahilan kasi is may nanliligaw sa kaniya.” bakit parang hindi ko alam na may nanliligaw na sa akin? “Meron ba?” mahina ko nanamang tanong.
“Meron, Ma’am! Hindi ba’t ang sabi mo? Kapag bumalik tayo ng France at nanliligaw pa rin siya sa ‘yo ay sasagutin mo na? May gusto ka lang I-sure dito sabi mo, ‘di ba? You wanted to sure if you move on na from your past?” para akong masisiraan ng bait sa kaniya.
“Sir?” nang tumayo si Cielo ay napalingon rin kami sa kaniya. “I-I’m gonna order drinks…” nauutal niyang sabi.
“Wow! Bigatin talaga si Sir. Castro! Ikaw ba naman ang sexy ng girl friend, e!” napataray na lang ako ng kaunti. “Kung anu-ano ang pinagsasabi mo,” bulong ko kay Vicky muli.
“Hayaan mo na lang ako, Ma’am Dasha. Para rin naman sa ‘yo ‘to.”
Dumating ang in-order na drinks ni Cielo. Kasabay no’n ang order ko pang mga sea foods.
“Asan na nga pala ang girl friend mo, Sir?” nakikinig lamang ako sa usapin nila. “May toyo,” matipid niyang sagot. “Alam mo, Sir? Halik lang ang sagot sa toyoin mong girl friend! Mawawala lang ng tampo niyan sa ‘yo, ‘di ba? Pare?” palo pa ng isang staff sa kapwa niya lalaki na staff.
“Paano magpapahalik? Ayaw na nga ako makita.” sabay inom niya ng isang baso ng alak. “Kung ayaw ka pa rin makita ay ‘wag mo na ipilit sarili mo, Sir. Marami naman ibang babae d’yan. Tulad ni Miss Villion. Sexy na maganda pa!” mapait akong ngumiti.
Pinagmasdan lang ako ni Cielo at iniwas ang tingin. This time ay alam ko na iyon ay may kasamang parang galit.
Siya pa ang may ganang magalit kaysa sa akin, ha?
“Ilang taon na po kayo ng girl friend niyo, Sir?” gusto ko na umalis. Parang ayoko nang marinig ang kaniyang sagot.
“Three years na sana kung hindi siya umalis ng bansa.” itinaas ko ang aking titig at doon ko nakumpirma na ako ang kaniyang pinagmamasdan.
Hindi naman kami, hindi ba? Wala namang kami.
Sa pangalawang baso na ininom ko ang alak na ibinigay sa akin ay agad ko siyang tinanong.
“Ibig sabihin ba no’n ay umalis si Cindy ng bansa?” ramdam ko ang himas ni Vicky sa hita ko. “What are you talking about?” taray niya pa sa akin.
Inikot ko ang tingin sa mga kasamahan namin ng plakda na ito sa mesa. Kahit ang aking assistant ay gano’n rin.
“Why are we talking about her?”
“Just asking. Bakit? Masama ba?”
“Why are we talking? Kakasabi mo lang na ayaw mo akong makausap, tapos kakausapin mo ako? May toyo ka talaga.” mas lalong umawang ang labi ko sa sinabi niya. “Ano ba talaga ang problema mo? Nagtatanong lang naman ako! Mahirap na ba sagutin ‘yon?”
“Kapag ba tinanong kita? Sasagutin mo rin ang tanong ko?” ibinaba niya ang baso at pinagmasdan ako. Pinikit ko ang aking mata dahil sa lakas ng tama ng alak.
Hindi ko na kailangan makipag-usap sa lalaking ito, dahil wala naman akong mapapala.
“Ikaw nga tinanong rin kita kahapon. Hindi mo rin naman ako sinagot.” sabat ko sa kaniya. “Because I know you knew the answer, Dasha.” ngayon ko lang muli narinig na tawagin niya ako n’yan.
“Wala akong alam na pwedeng sagot sa ginawa mo sa akin. Nang ghost ka, Cielo!” kinuha ko ang cell phone ko saka tumayo. Ayokong marinig nila ang usapan naming dalawa ni Cielo, kahit na lasing na silang lahat.
Iba pala ang tama ng alak na binili niya.
Hindi ko naisip kung saan ako pupunta pero gusto ko na lang na pumunta sa kwarto ko at magpahinga. Bahala na si Vicky d’yan.
Sumakay ako ng elevator at doon ko napansin na hinahabol na ako ni Cielo. Mintikan niya na akong mahabol at pasalamat na lang ako na hindi.
Nang makarating ako sa floor ko dali-dali akong naglakad patungo sa aking kwarto. Bubuksan ko na sana iyon nang hilain niya ang braso ko.
Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makita ko siyang galit na galit na tumitig sa akin.
“Why are you running?”
“Why are you here? G-get off me!” pinipilit kong ialis ang aking braso sa kaniya pero siya pa rin itong pinipilit ang sarili sa akin.
Nang isandal niya ako sa pader ay mariin niyang hinalikan ang aking labi. Halos ang t***k ng aking puso ay parang lalabas na sa aking dibdib.
Kabog iyon ng kabog.
Itinulak ko siya pero hindi siya nagpatianod. Imbis na siyang umalis ay iginalaw niya ang kaniyang labi na aking ikinahina. Nawalan na ng lakas ang aking pagtulak sa kaniya.
I f*****g miss him.
Pinipilit ng isip ko na ilayo siya sa akin, pero hindi na kaya ng puso ko. Kaya imbis na palayuin siya sa akin ay nakita ko na lamang ang sarili kong ginantihan siya ng halik habang ang katawan namin ay pumapasok sa aking kwarto.