***SYVERE's POV*** “There are bugs at level 26 in Wheel Monsters. When the speed of the car exceeds 200 mph, nagka-crash ang game. I-check mo ulit ang buong program ng game,” imporma ko kay Colum agad-agad nang sagutin niya ang tawag ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. “Roger, boss,” masunuring sagot naman niya. May pinindot ako sa keyboard upang maputol ang linya ng tawag pagkatapos ay pagal na hinilot ko ang gitna ng mga mata ko kasabay ng pagsandal ko ng likod ko sa kinauupuan ko. Sa sobrang babad ko na naman sa mga computer ko ay mahapdi na naman ang mga mata ko. Ang dami ko kasing problema na inayos tungkol sa Exo Gaming na sarili kong kompanya. Sa ilang araw ko lang na hindi ko napagtuonan ng pansin ang mga online games namin ay dumagsa agad ang sandamakmak na reklamo ng mga onl

