***XALENE's POV*** Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ko magawang makatulog. Kahit anong gawin ko kasi ay hindi mabura-bura ang inis ko kay Sir Syver. Gigil na gigil ako. Bawal daw mamatay rito? Sino ba kasing gustong mamatay? Weh! “Aisst!” Nagulo-gulo ko ang buhok kong bumangon. I sat up on the bed. Mukha na akong zombie dahil alas dos na ng madaling araw. Ang iba naghihilik na, ako gising na gising pa. Ngayon ko pinagsisisihan na hindi ko itinama noon sa rooftop ng Trump Tower na hindi ako magpapakamatay. Dapat pala talaga ay itinama ko ang maling akala ng impaktong iyon. Ngayon tuloy lahat na yata ng makita niyang gagawin ko ay pumapasok sa isip niyang magpapakamatay ako. Parang tanga. Stress na napahilamos naman ako ng mukha. Akala ko pa naman mawawala ang depresyon ko sa luga

