CHAPTER 3

1454 Words
HABANG nag-lalakad ako sa gilid ng kalsada ay nakasalubong si Klea na nag-lalakad na may dala bayong. Bahagyang nanlaki ang mata niya at nilapitan ako. “Hoy!” nakangiti niyang wika sa akin. “Ay oo nga pala ngayon ka aalis!” nakangiti niyang wika. Mahina akong natawa sa sinabi niya at tumango na lang. “Oo. Kung may time ka pakibisita naman yung dalawa kong kapatid sa bahay.” Tumango siya at may kinuha sa kanyang bulsa. “Heto pala yung address ng bahay ng magiging amo mo. Ipakita mo lang 'yan sa taxi driver alam na kaagad nila 'yon,” wika nito at may dinukot na naman sa kanyang bulsa. “Para naman makapasok sa subdivision ipakita mo rin 'to.” Kinuha ko 'yon at nilagay sa loob ng bag ko. “Maraming salamat talaga, Klea! Excited na tuloy ako pumunta sa Manila.” Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. “Mag-iingat ka doon, Lucy. Yung mga gamit mo bantayan mo ng maiigi, ha? Marami pa namang magnanakaw doon. Atsaka huwag kang magtitiwala kaagad sa kung sino sino man.” Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya kaya hinampas ko ang braso nito at pasimpleng inirapan. “Huwag mo nga akong takutin, Klea. Sige na aalis na ako at baka maiwan ako ng bus,” ani ko at inayos ang aking bag. “Ingat! Sana pagbalik mo rito may boyfriend kana,” natatawa at parang kinikilig niyang tugon. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. “Wala akong planong pumasok sa ganyang bagay, Klea. Hangga't hindi pa nakakapagtapos sa pag-aaral ang dalawa kong kapatid hindi muna ako mag-aasawa,” seryoso kong saad. Natawa ito. “Boyfriend lang sinabi ko bakit napunta kana kaagad sa pag-aasawa.” “Eh, doon din naman punta no'n 'di ba?” Nagkibit balikat ito. “Hmm… p'wedeng oo at p'wede ring hindi.” Napailing na lang ako at sa pangalawang pagkakataon ay nagpaalam sa kanya. Sumakay pa ako ng tricycle at binaba sa terminal ng bus. Pagkapasok ko sa loob ay pinakita ko ang ticket at naupo sa pahabang upuan para sa mga pasahero na maghihintay ng sakayan papuntang Manila. May malaki at pahabang glass wall sa harapan namin. Doon makikita yung mga bus na may pangalan sa harapan ng lugar na pupuntahan mo ang kaso mamaya pa ang sa Manila kaya maghihintay muna ako ng ilang oras. Huminga ako ng malalim at kinuha ang pagkain na binigay sa akin ni Lyia. Binuksan ko 'yon at kinain ang sandwhich na gawa ni Lumina. Limang piraso 'yon at tig-dadalawa ang layer. Lumipas ang dalawang oras ay nakaupo parin ako sa upuan at hinihintay ang bus na sasakyan ko. Dahil wala akong kasama, kahit sa pag-ihi ay dala dala ko ang mga bag ko. Minsan nga nawawalan pa ako ng upuan. Lakad takbo ang aking ginawa ng makitang may nakapila na papunta sa bus na pagsasakyan ko. Ang iba ay sumisingit at nagsisiksikan pa. “Ano ba naman 'yan ang taba taba,” dinig kong bulong ng babae sa aking likuran. Kumunot ang noo ko dahil doon at hindi na pinansin. Huminga ako ng malaim at pinilit ng hindi mainis ang kaso bumulong na naman sila kaya nilingon ko na ito. “Excuse me? Ako ba sinasabihan mo ng mataba?” mahina kong tanong, sapat na para marinig nila ang sinabi ko. Dalawang dalaga ang nasa likuran ko. Hindi ba 'to pinaparangalan ng magulang nila? Grabe yung mga sout na damit akala mo kinulang sa tela. Sa tingin ko nga, eh. Menor de edad pa 'to. Nagkatinginan silang dalawa at tinawanan ako. “Natamaan ka po?” natatawa niyang saad. Mahina akong natawa. “Sa totoo n'yan sanay na ako masabihan ng ganyan kaya ayos lang. Maganda maging malusog, mga bata. Kaming mga matataba na sinasabihan niyo, Malakas ang immune system namin,” nakangiti kong saad pero sa loob-loob parang gusto ko silang paluin! Natahimik sila sa sinabi ko. “Nasaan ba ang magulang niyo? Pumapayag ba sila na mag-suot kayo ng damit na kinulang sa tela?” Salita ko habang tinignan sila mula ulo hanggang paa. “Parang mga menor de edad pa kayo sa lagay na 'yan, eh.” “Mga kabataan nga naman,” mahinang kong saad at binitbit ang mga gamit ko at naglakad papasok sa bus. Sa unahan lang ang pinili kong upuan para madali lang akong makababa. Nakita ko ang dalawang dalaga na paakyat at nang makita nila ako nagmamadali silang dumiretso. Hindi ko na lang sila pinansin at nilapag ang bag sa bakanteng upuan. Kinuha ko ang cellphone kong keypad at tinext si Lyia. Lucy Kia: Lyia, nakasakay na ako sa bus. Mag-iingat kayong dalawa ni Lumina. I love you! Pinatay ko ang cellphone at pinasok sa bulsa. Pinikit ko ang aking mata hanggang sa makatulog ako. Kailangan kong magipon ng maraming lakas para kapag makarating ako sa bahay ng magiging amo ko makakapagtrabaho ako ng masigla. NAGISING na lang ako ng may yumuyugyog aa aking balikat. Nang imulat ko ang aking mata bumungad sa akin ang driver ng bus. Halatang wala sa mood. “Gising na, Miss. Nakakahiya naman sa 'yo. Yung ibang pasahero nakababa na ikaw na lang hindi.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatayo kaagad ako at binitbit ang mga gamit ko. Napangiwi pa ako ng muntikan pang ma-out of balance. “Pasensya na po, Manong!” pag-hingi ko ng paumanhin. Dahil sa sobrang pagkahiya ay bumaba na kaagad ako sa bus at hindi na hinintay ang magiging sagot nito. Pagkalabas ko, bumungad sa aking ang maraming stall ng tindahan. Nakahilera 'yon at marami rin tao. Heto na ba yung Manila? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natataranta ako na ewan. Kinalma ko muna ang sarili ko bago mag-lakad. Maraming kalalakihan na bumabati sa akin, tanging ngiti lang ang binibigay ko sa kanila. Ganito ba 'yon. Paglabas ko sa exit ay may nilapitan akong guard para pag-tanungan kung saan p'wedeng sumakay ng taxi. “Magandang hapon ho, manong. Saan po ako p'wedeng sumakay ng taxi?” tanong ko sa kanya. Humarap ito sa akin at ngumiti. “Pasensya kana hindi talaga ako guard dito, napilitan lang ako na gawin 'to. Hindi ko alam kung saan ang pilahan ng taxi. Ipapara na lang kita ng taxi, okay lang ba 'yon sa 'yo?” Ngumiti ako sakanya at tumango. "Sige! Maraming salamat—Lucy nga po pala.” “Teumix,” nakangiti nitong saad. Nag-shake hands kami ng ilahad niya ang kamay niya. Napakabastos naman kung hindi ko tatanggapin 'yon. Pumara kaagad siya ng taxi. Pinasalamatan ko siya bago pumasok sa loob ng taxi. “Thank you, Teumix!” Tinanguan niya lang ako. “You're welcome,” ani nito sa masayang tono. Nilapitan niya ang driver at may sinabi ro'n. Pagkatapos ay kinawayan niya ako. Gano'n din ang ginawa ko sa kanya. Kinuha ko ang papel na nasa wallet ko at tinignan ang pangalan ng subdivision na pagtratrabahuan ko. Pinakita ko sa driver ang papel. “Kuya alam niyo po ba yung Redhills Scarlet Subdivision?” “Malapit lang po 'yon dito, Ma'am,” saad nito habang nakatingin sa daanan. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “Doon po yung punta ko. Maganda po ba doon?” “Opo, Ma'am. Mga mayayaman at bigatin ang nakatira doon, balita ko nga may artista rin ang nakatira doon,“ tugon niya. Tinanguan ko lang siya at sinandal ang aking likod sa upuan. Bigatin? Grabe mayayaman talaga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Lyia. Lucy Kia: Nandito nako sa Manila, Lyia! Mag-iingat kayo d'yan ni Lumina. Miss ko na kaagad kayo. Nakangiting binalik ko ang cellphone sa loob ng bulsa at pinagmasdan ang mga naglalakihang building na nadadaanan namin. Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa sobrang ganda. Mukhang marami akong maikwekwento kay Lyia at Lumina. Wala pang dalawang oras naihatid na ako ni Manong sa malaking gate ng Redhills Scarlet Subdivision. Binayaran ko siya at pinasalamatan bago bumaba. Mahigpit kong binitbit ang mga bag ko at naglakad papunta sa gilid, kung saan pumapasok ang mga tao sa loob ng subdivision. Natulala pa ako ng makita ang kotse na palabas. Ngayon pa lang ako nakakita ng malapitan na mamahalin na kotse, Ferrari ang tatak no'n! Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng subdivision binasa ko ulit ang papel na binigay sa akin ni Klea. Mr. Eskanor Montesorri. House no. 146. “Eskanor?” naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Napangiwi pa ako dahil na-we-weirduhan ako sa pangalan ng magiging amo ko. Huminga ako ng malalim at nakangiting naglakad papasok sa loob ng subdivision. Bahagya pa akong napaatras dahil biglang may guard na humarang sa dinaraanan ko. “Stop.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD