CHAPTER 2

1714 Words
“ATE Lucy!” Napantig ang tenga ko ng marinig ko ang sigaw ni Lumina galing sa kubeta. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw—teka bakit ka umiiyak?” naguguluhan kong tanong. Umiiyak itong tinuro ang inidoro. Pumasok ako at sinilip kung ano 'yon. May dugo. “Bakit may dugo yung ihi ko? Mamamatay na ba ako?” umiiyak niyang tanong sa akin. “Ate!” Binalingan ko siya ng tingin habang malawak na nakangiti. Sumimangot ito sa akin ng makita ang naging reaksyon ko. “Bakit ka nakangiti!? Masaya ka ba na mamatay na 'ko?” naasar niyang wika at muling naiyak. Mahina akong natawa at hinalikan ang kanyang noo. “Dalaga kana, Lumina!” Masaya kong saad. Natigilan siya sa sinabi ko. “Dalaga?” Tumawa ako at mahinang tinapik ang kanyang braso. “Magbanlaw ka muna pagkatapos pumasok ka kaagad sa loob ng kwarto, maliwanag?” Tumango siya at pinunasan ang kanyang luha. “Sige po,” mahina niyang saad. Tumango ako at iniwan na siya sa kubeta. Pumunta ako sa kwarto namin at naabutan ko si Lyia na sinusuot ang kanyang uniform. Nagulat pa nga siya dahil sa pag-sara ko ng pintuan. “Ate!” malakas na wika ni Lyia. “Nakakagulat ka naman po,” sapo-sapo niya ang kanyang dibdib habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin. Mahina akong natawa. “Sorry.” Naupo ako sa kama at pinagmamasdan siyang ayusin ang kanyang sarili. Napangiti na lang ako ng makita kung gaano siya kaganda s'yempre ganoon din si Lumina. “Lyia, dalaga na si Lumina,” salita ko habang pinagmamasdan siya. Natigilan siya sa ginagawa nito at napalingon sa akin. “Talaga?” Tanong nito sa'kin. Bakas sakanyang boses ang pagkatuwa. Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. “Masaya ako pero may nararamdaman akong takot para sa kanya. . . sainyo. Bantayan mo talaga ng maigi si Lumina, Lyia. Ako na nag-mamakaawa sa 'yo,” mahina kong saad. Tumango siya at ningitian ako. “Huwag kang mag-aalala, Ate Lucy. kaya ko na siyang protektahan. Alam mo, sumasali ako sa taekwondo sa school. Wednesday, Friday at Sunday,” salita niya habang sinuot ang kanyang sapatos. Napangiti ako sa sinabi niya. “Talaga ba? E'di maganda 'yan. Atsaka saan ka pala nakakakuha ng pambayad d'yan sa sinasalihan mo?” Ngumiti siya sa akin at sinuot ang kanyang ID. “Sa baon ko po. Atsaka ayos lang din ko kasi may ipon din naman akong nakatago,” tugon niya habang tinatali ang kanyang buhok. “Lyia, baka wala kana n'yang makain!” giit ko sa kanya. Tinawanan niya ako at niyakap. “Nagdadala naman ako ng kanin 'tsaka ulam kaya hindi ako magugutom sa school kaya 'wag kang mag-alala,” pagpapagaan niya sa aking loob. “Papasok na po ako,” malambing niyang saad. Hinalikan niya ang pisngi ko. Akmang bubuksan niya ang pintuan para makaalis pero pinigilan ko siya. “Teka lang.” Kumuha ako ng dalawang daan sa lumang wallet ko at binigay sa kanya. “Baon mo.” Kinuha niya 'yon at binalik sa akin ang isang daan. “Okay na ang isang daan,” ngumiti siya sa akin bago lumabas sa kwarto. “Mag-iingat ka!” Naiwan akong mag-isa sa kwarto tumayo ako at niligpit ang mga kalat. Habang nag-wawalis ako biglang pumasok si Lumina. Mahinhin lang siyang naglakad papalapit sa akin. May kinuha akong napkin sa drawer at tinuruan siya kung paano ilagay 'yon ng tama sa kanyang underwear. Nakikinig naman siya sa akin. “Magbihis kana doon,” nginuso ko ang bakanteng kubeta na ginawa naming bihisan. Dahan-dahan siyang tumango at pumunta na roon para magbibis. Wala pang isang minuto lumabas siya nang paika-ika. Mahina akong natawa. “Ayusin mo ang paglalakad mo, Lumina,” natatawa niyang saad. Sumimangot siya sa akin at naupo sa aking tabi. “Ate, baka maipit po. Atsaka ganito ba talaga 'yon? Nakakailang mag-lakad,” mahinhin niyang tugon. Natawa ako sa sinabi niya. “Masasanay ka rin. Kung wala na ako rito, huwag kang mahihiyang magtanong o humingi ng tulong kay Ate Lyia mo, ha?” Salita ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang aking daliri. Dahan-dahan siyang tumango. “Opo,” mahina niyang saad. Ngumiti ako at tumayo na. Nasa middle school pa lang si Lumina samantalang si Lyia ay senior high na. Ilang taon na lang magcocollege na siya kaya kailangan ko na talagang magtrabaho. Mag hihighschool na rin itong si Lumina. Ang bilis talaga ng panahon. Wala parin naman siyang pinagbago, tahimik, at mahinhin parin siya. Habang heto namang si Lyia mukhang brusko, daig niya pa ang lalake pero may mga araw din na kumikilos siya ng babae. Lahat daw ng kayang gawin ng lalake ay kaya niya rin daw. Hindi ko naman siya pinipigilan, hinahayaan ko lang siya kung anong gusto niya. Maliban sa pagnonobyo, 'yan ang ipinagbabawal ko sa kanila. Hangga't hindi sila natatapos sa pag-aaral hindi muna sila magnonobyo. Naiintindihan naman nila yung rason ko. Tumingin ako sa calendaryo at tinignan kung anong petsa. 26. “Sa susunod na buwan dadatnan ka ulit,” tinuro ko ang 26 at hinarap siya. “Tandaan mo ang sinasabi ko para hindi ka magulat na dinudugo ko na sa susunod na buwan, maliwanag?” Dahan-dahan siyang tumango at binilugan 'yon. “Opo.” Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang buhok. “Asahan mo rin na may mga buwan na madedelay ang mens mo.” Tumango lang ito sa akin. “Bawal kang kumain ng maasim kasi sasakit ang puson mo. Bawal ka ring uminom ng malamig na tubig, maligamgam lang dapat. Kay Lyia ka magtanong para sa iba,” seryoso kong saad. Tango lang ang binibigay niya sa akin. Ningitian ko siya at hinalikan ang kanyang noo. “Mamimiss ka ni ate, bunso,” mahina kong saad. “Ako rin po, Ate Lucy.” Naupo siya sa harap ng lamesa ni Lyia at gumawa ng assignment. Minsan naman ay nagtatanong siya sa akin yung hindi niya maintindihan. Sa awa ng diyos nasagutan ko naman. Mag-dodoctor si Lyia samantalang si Lumina ay gusto maging architect. Kaya kailangan talagang kumayod para sa kanila. “ATE ANONG oras ka aalis?” Tanong ni Lyia habang tinutulungan ako sa pag empake ng damit sa duffle bag ko. “Mamayang madaling araw,” tipid kong tugon habang nagtutupi ng damit. “Aalis ka na kung kailan tulog na kami?” Mahinang tanong ni Lumina. “Gigising ko na lang kayong dalawa pag aalis na ako. Huwag kayong mag-alala.” Sabay silang tumango at tinupi ang damit ko. Namayani ang katahimikan hanggang sa si Lyia ang bumasag n'on. “Ate. . . ” Hinarap ko siya. “Bakit?” “K-kasi po. . . May fieldtrip kami. Gusto ko po sanang sumama kasi dagdag grades daw po 'yon 'tsaka project na po 'yon sa lahat ng subject,” mahinang saad ni Lyia, halatang nahihiya pa. Ngumiti ako. “Oo naman, payag ako. Magkano ba ang bayad?” tanong ko. “1,500 p-po,” lalong humina ang kanyang boses. Natigilan ako sa pag tupi dahil sa sinabi nya. Bakit ang mahal? “1,500? Grabe naman 'yan ang mahal,” natatawa kong saad. Napabugtong hininga na lang si Lyia. “H-hindi na lang po ako sasama—” “Ano ka ba! Sasama ka, kailan ba ang last na bayad?” Tumayo siya at may kinuhang papel sa kanyang bag. Binigay niya sa akin. “Next week pa po,” salita nito at tinabihan si Lumina. Tumango-tango ako sa sinabi niya at tinignan ang papel na binigay niya sa akin. Pipirmahan ang papel kung sasama ba o hindi. Binaba ko 'yon at nagtungo sa lumang bag ko. Kinuha ko ang wallet at tinignan ang laman kung mag natira pa ba akong pera. Napangiwi ako ng makitang 500 na lang ang laman. Nakangiting nilingon ko si Lyia at tinabihan siya. “Nako, pasensya kana. 500 na lang laman ng wallet ko. Pagdating ko sa amo ko magpapaadvance kaagad ako 'wag kang mag-alala. Ipapadala ko kaagad sa 'yo 'yon pag-nakuha ko na,” nakangiti kong saad. Tumango siya at niyakap ako ng mahigpit. "Maraming salamat po!" Masaya niyang saad. Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. Binaba ko ang duffle bag at nahiga kami sa kama. Saglit lang din 'yon dahil nangngalay ako. Maliit lang 'yon. Pang dalawahan lang, yung katawan ko malaki baka mapipi si Lumina. Nag-latag ako ng banig sa sahig at doon nahiga. Tumayo ako para patayin ang switch ng ilaw. Nakayakap si Lumina kay Lyia. Napangiti na lang ako dahil doon. Nang mapatay ko na ang ilaw bumalik ako sa higaan ko at natulog. Awtomatik akong nagising nang madaling araw na. Hindi ko alam kung bakit. Sanay na kasi ang katawan ko na magising ng madaling araw. Naligo kaagad ako at nagbihis ng simpleng jeans na kupas at black t-shirt. Pinaresan ko 'yon ng lumang white sneakers. Sa ukay-ukay ko pa 'to nabili. Nang tapos na ako mag bihis isinakbit ko ang backpack sa aking balikat at binitbit ang duffle bag. Pinuntahan ko si Lyia at Lumina na mahimbing na natutulog. “Lyia,” mahina kong saad. Tinapik ko ang kanyang hita para magising. Agad naman siyang nagising. Dahan-dahan siyang bumangon habang kinukusot ang kanyang mata. “Ate.” Ngumiti ako at hinimas ang kanyang buhok. Hinalikan ko siya sakanyang pisngi. “Aalis na ako. Ang bilin ko sa 'yo huwag mong kakalimutan.” “Opo.” Dumukwang ako at hinalikan ang noo, at pisngi ni Lumina. Kumaway muna ako sa kanya bago lumabas sa kwarto. Hindi ko na ginising si Lumina baka kasi umiyak siya. “Aalis na ako,” paalam ko sa kanya. “Teka lang,” tumayo siya at may kinuhang tupperware sa drawer. Inabot niya 'yon sa akin. “Si Lumina gumawa n'yan. Baka raw gutumin ka sa byahe kaya ginawan ka niya ng sandwhich.” Kinuha ko 'yon at tinapik ang kanyang braso. “Maraming salamat. Baka ma late na ako sa bus, bye!” Tumango siya. Lumabas kaagad ako sa bahay at pumara ng tricycle. Malapit lang naman dito ang terminal ng bus, pwedeng lakarin pero hindi ko na 'yon ginawa dahil baka malate ako. Mas maganda na ang ikaw ang mauna kaesa naman na maiwan ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD