MABILIS pa sa alas kwatro na umalis ako sa ibabaw ni Jackson. Hinawakan ko ang kamay nito at mabilis na itinayo. “S-sorry po! Aksident—” “It's okay. I'm fine, i'm fine,” pagputol nito sa sinabi ko. Nilingon ko si Stella na patuloy parin sa pag tahol. Pinanlakihan ko siya ng mata pero tinahulan lang ako nito, mukhang natutuwa pa siya sa ginawa niya. Umatras ako at yumuko. Ilang beses ko iyong ginawa dahil sa kahihiyan na nagawa ko pero aksidente lang iyon! “Sorry po! Sorry po!” Kinuha ko ang tali ni Stella at hinila hanggang sa makarating sa aking kwarto. Katabi lang niyon ang kusina. Naupo ako sa nakalatag na foam sa sahig at napahilamos sa aking mukha. Impit akong napatili at napapadyak pa. “Ang tanga mo talaga, Lucy!” kausap ko sa aking sarili. Natigil lang iyon ng biglang

