“KUMUSTA kana? Hindi na ba masakit ulo mo?” nag-aalala kong tanong kay Shena. Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Ayos na ako,” tugon nito. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang okay na talaga siya. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong tanong nang tanong sa kanya kung ayos lang ba siya. “Paano 'yan, w-wala ka ng trabaho.” “Yung kusinera nila Tamara nag-resign na kaya ako na lang ang papalit doon. Pumayag naman sila kaya ayos lang,” tugon niya at sumimsim sa kanyang juice. “Buti na lang talaga! Salamat nga kay Sir Jackson kasi pinabalik ako rito,” masaya kong sambit. Pinapunta ko rito si Shena pero bago pa 'yon nag-paalam ako syempre sa amo ko. Pagbalik ko rito yung aso ng amo ko tuwang tuwa ng makita ako. Mukhang miss niya ako. “I already told that do

