“Lucy?”
Nanatili akong tulala kay Sir Jackson. Pati si Teumix ay napalingon kasunod ang kanyang kakambal na si Tionix.
“Lucy!” pagbati ni Teumix.
“H-hi,” kinakabahan kong sambit.
Napakaliit naman ng mundo! Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Ang daming puwedeng makasalamuha yung iniiwasan ko pa!
“Kilala mo na siya kuya?” tanong ni Tamara.
“Yes, maid siya ni Jackson kaso umalis—”
“Teumix,” singit ni Sir Jackson.
Napalunok ako at napakapit kay Shena.o Siya naman ay nanatiling tahimik sa tabi ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko!
“Hello po, S-sir Jackson,” yumuko ako at tumingin kay Teumix.
Ningitian ko siya at gano'n din siya. Bumalik ulit ang tingin ko kay Sir Jackson na nakatingin sa akin. Napalunok ako dahil doon, may dumi ba sa mukha ko?
“Let's eat na mga kuya. Ang seryoso niyo naman,” natatawang sambit ni Tamara.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Tamara. Naunang naglakad si Teumix at Sir Jackson, kasunod nila si Tamara at Tionix. Ngayon ko lang din napansin na mas close si Tamara at si Tionix.
Napalingon ako kay Shena ng kalabitin ako nito.
“Bakit?” tanong ko.
“Siya ba yung amo mo dati? Yung nakasalamin?”
Dahan-dahan akong tumango. “Oo.”
Pareho kaming napakamot sa ulo. na-a-out of place kaming dalawa.
“Hindi ko alam na kapatid ni Tamara yung Teumix, kapag kasi pumupunta ako rito halos siya lang at ang kasambahay ang nandito,” bulong nito sa akin.
Natawa ako dahil sa sinabi niya. “Ayos lang ano ka ba.”
“Lucy! Shena! Kakain na tayo,” tawag sa amin ni Tamara.
“Ay! Oo. Pupunta na kami,” tugon ni Shena at hinila ako papunta sa malaking lamesa at naupo sa upuan.
Natigilan ako ng makita kung saan ang pwesto namin. May dalawang bakante at katapat niyon ay si Tamara at Sir Jackson. Nagkatitigan kami ni Shena dahil doon. Namawis ng kamay ko at iniisip na sana ay umupo siya sa tapat ni Jackson. Ngumisi siya sa akin at mabilis na umupo sa tapat ni Tamara.
“Shena—”
Napakamot na lang ako sa aking ulo. Wala akong nagawa kundi naupo sa tapat ni Sir Jackson. Nakakahiya! Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Yumuko ako at tinignan ang platong walang laman.
Pasimple ko siyang tinignan. Ngayon ko lang siyang nakitang walang salamin. Ang gwapo niya!
“Pagtapos niyong kumain makihalubilo kayo sa mga sumasayaw doon sa plaza mamaya,”
nakangiting wika ng ama ni Tamara.
“Yes daddy!” tugon ni Tamara.
“I think is not good to be in outside, Dad. Dito na lang sila, Tamara. May nahuli kami kanina ng magnanakaw at manyak,” pag-singit ni Teumix.
“Teumix is telling the truth,” wika rin ng kanyang kakambal na si Tionix.
Kumuha na ako ng pagkain dahil nagsimula na silang kumuha ng pagkain. Hindi ko alam kung masaya rin ba ang fiesta rito, sa amin kasi ay sobrang saya. May pa-disco pa sila.
“Come on kuya minsan na nga lang ako lumabas pagbabawalan mo pa,” maktol ni Tamara.
“No. Tatakas ka lang,” seryosong tugon ni Tionix.
“Daddy!” inis na wika ni Tamara.
Natawa kami ni Shena samantala si Sir Jackson ay seryosong kumakain. Minsan naman ay nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin at sobrang akong kinakabahan.
“Boys masyado kayong overprotective kay Tamara,” natatawang wika ng kanilang ama.
“Of course. Bunso siya eh. Sa amin muna dadaan yung mga manliligaw niya,” maangas na wika ni Teumix.
“Kuya! Maka ‘mga’ naman 'to. Hindi naman ako maganda para magkaroon ng maraming manliligaw. Mas prefer ng mga boys ang mapapayat or sexy,” tugon ni Tamara at kumain ng pagkain.
“No,” pag-singit ni Sir Jackson ng ikinatingin namin. “It's depends on their preferences,” seryoso niyang wika.
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon.
“Why, kuya Jackson? May nagugustuhan ka rin bang plus size na katulad namin?” tanong ni Tamara.
Naramdaman ko pagtusok ni Shena sa aking tagiliran kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito at parang tinutukso ako.
“I think so,” mahina niyang tugon.
“Aww! I wish makahanap ako ng katulad ni kuya Jackson,” salita ni Tamara.
“You don't need a boyfriend, Tamara,” saad ni Tionix.
Siya yata ang pinakaseryoso sa kanila ni Teumix. Tahimik lang kaming kumakain ni Shena at nakikinig lang sa kanila samantalang ang papa nila ay tinatawanan lang.
“I'm done. Mauna na muna ako sa baranggay hall, ingat kayo kung saan kayo pupunta,” tumayo ang papa ni Tamara.
“Bye daddy!”
Binilasan kaagad namin ang pag-kain. Nauna si Tamara dahil diet daw ito, umangal pa ang kambal nitong kuya dahil baka magkasakit ito kapag diet siya nang diet. Nasa labas na kami ng bahay nila Tamara. Nauna na kaming lumabas ni Shena at hinintay na lang sila. Nilingon ko si Shena na nakangiti habang hinihimas ang kanyang tyan.
“Busog na busog, ah,” natatawa kong sabi sa kanya.
Tumawa siya at tumango. “Oo naman! Sa pupuntahan natin puwedeng makikain doon. Libre lahat.”
“Talaga?”
“Oo naman!”
Tumabi siya sa akin at pinulupot ang kamay sa aking braso. Bumaba ang tingin ko sa aking relong pambisig, alas otso na ng gabi. Feeling ko ay aabot kami hanggang alas dose ng gabi dahil sa fiesta rito.
“Lucy!”
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Tamara papunta sa akin, nakangiti ito at parang excited sa pupuntahan.
Kasunod niya ang kanyang kambal na kapatid at si Sir Jackson.
“Let's go! Maglalakad lang tayo, malapit lang iyon dito. Mamayang may pailaw dito tapos maraming sasayaw—”
“No, sasakay kayo,” singit ni Teumix.
Inis na nilingon nito si Teumix at hinila kami papalayo sa kanila.
“Don't mind them, sadyang ganyan lang talaga sila,” inis na tugon ni Tamara.
Humalakhak si Shena. “Okay lang, para bumaba yung kinain natin.”
“True!”
Nakinig lang ako sa usapan nila. Minsan naman ay nakikipagdaldalan din, napalingon ako sa likuran namin ng makita ko sina Teumix, Tionix at Jackson na sinusundan kami.
Pagkadating namin sa pupuntahan namin napanganga kami sa sobrang ganda. Punong puno iyon ng makukulay na ilaw, gusto ko sanang kuhaan 'yon ng litrato para isend sa kapatid ko pero wala naman akong cellphone.
Sa susunod dadalhin ko sila rito, sobrang tagal pa siguro no'n pero sisikapin ko na madala sila rito at dito na lang kami tumira at hindi na sa probinsya.
“Omg! Let's take a picture,” masayang wika ni Tamara.
Nilabas niya cellphone nito at lumapit siya sa kanyang kuya na si Tionix.
“Picturan mo kami,” malambing nitong wika.
Walang nagawa si Tionix kundi ang tumango na lang. Tumakbo papunta sa amin, tumingin kami sa camera at ngumiti.
“Huwag kayong lalayo, nandito lang kami nila Jackson nagiikot ikot,” seryosong wika ni Teumix.
“Okay! Ingat!” salita ni Tamara.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ni Shena.
“Ano ka ba! Kahit saan. We can buy a souvenir doon sa tiangge,” nakangiti niyang sabi at nauna ng maglakad.
Napailing na lang ako at sinundan sila. Kahit mataba si Tamara napakaganda parin nito.
“Huwag tayong lalayo Tamara. Baka magalit sila Teumix,” salita ko.
“Oo nga,” sang-ayon ni Shena.
Tumawa si Tamara at hinarap ako. “Don't worry alam ko naman pabalik, saglit lang tayo.”
Tumango na lang kami at pumasok kami sa isang tindahan na puno ng mga damit at pasalubong. Nagtingin tingin lang kami sa mga paninda at pumasok sa ibang tindahan.
“Bagay ba sa akin?” humarap sa akin si Tamara.
Pinakita niya sa akin ang magandang hikaw na nasa tenga niya. Marami pa siyang hawak na hikaw, si Shena naman ay may nabili ng damit pang-itaas.
“Oo,” tugon ko.
Pumalakpak siya at binili iyon. Marami na silang binili, hindi na ako bumili dahil hindi naman iyon importante.
“May nabili ka, Lucy?” tanong sa akin ni Shena.
Umiling ako. “Wala, 'di ako bumili. Masasayang lang pera ko diyan,” natatawa kong sabi.
“Grabe ka naman, kahit damit lang! Para sa sarili mo,” tugon ni Shena.
“Marami naman akong damit.”
“Oh, sige—”
“Let's buy Ice Cream!” biglang sabi ni Tamara at nagtungo roon kay kuya na nag bebenta ng Ice Cream.
“Tatlong chocolate po, sa apa lang.”
Kumuha ako ng limang piso sa wallet at binigay kay Tamara, ganoon din si Shena.
“Ako na magbabayad!” pagpigil niya sa amin.
“Sure ka?” tanong ko.
Tumango siya at binigay sa amin ang Ice Cream. Wala kaming nagawa kundi tanggapin 'yon.
“Salamat,” sabay naming sabi ni Shena.
“You're welcome.”
Nagkatinginan kami ni Shena at nag ngitian, kumunot ang noo namin ng makarinig ng malakas na tugtog.
“Omg! Nagsisimula na yung sayaw,” biglang sabi ni Tamara.
Baka nga!
“Tara na,” pag-aya ko sakanila.
Nauna akong tumalikod sa kanila dahil paniguradong hinahanap na nila kami roon sa pinanggalingan namin.
Sa hindi inaasahag pangyayare nagkasalubong kami ng bata, nag-kabanggaan kami at aksidenteng natapon ang kinakain kong Ice Cream sa damit ko.
“Uy, hintay naman—hala! May mantsa na damit mo!”
“Let's go—omg what happened?!”
Tinapon ko ang Ice Cream sa basurahan at pinunasan ang tunaw na Ice Cream sa damit ko. Yumuko ako at tinignan ang bata.
“Sorry, 'di ko nakita na dadaan ka.”
“Sorry din po, ate. 'di ko po sinasadya na mabangga ka,” mahina nitong sabi.
Ngumiti ako at ginulo ang buhok nito. Tumayo na ako at tinignan sila Tamara at Shena.
“Tara na. Okay lang ako,” salita ko at pasimpleng napangiwi dahil ang lagkit.
“You can borrow my t-shirt sa bahay. Same lang naman tayo ng size, eh,” salita nito at bumaba ang tingin sa white shirt ko.
“Oo! Brown na t-shirt mo, eh.”
Tumawa ako. “Ayos nga lang talaga ako.”
Wala silang nagawa. Pagkadating namin sa mga nagsasayawan nakita ko kaagad sila Sir Jackson at Tuemix. Tahimik lang itong nagmamasid sa mga taong nagkakasiyahan.
“Kuya!” sigaw ni Tamara.
Pumunta kaagad kami ro'n. Nakita kong kumunot ang noo ni Sir Jackson ng makita ako, bumaba ang tingin niya sa damit ko. Wala sa sariling napatingin ako roon.
Napangiwi ako dahil kitang kita iyon dahil sa puting damit ko.
“What happened to your shirt?” tanong ni Sir Jackson.
Umangat ang tingin ko sa kanya at napaiwas ng tingin.
“Uhmm—”
“Nagkabanggaan sila ng bata roon sa pinuntahan namin kaya may mantsa ang damit niya,” pagputol ni Tamara sa sinabi ko.
“Okay ka lang ba talaga?” tanong sa akin ni Shena.
Ngumiti ako at tumango. “Oo naman, malagkit lang sa tyan.”
Humagikhik siya at hinawakan ang tyan ko. Tumawa ako dahil sa ginawa niya, maliit lang naman bilbil ko d'yan.
Pagkatingin ko kaila Teumix wala na si Sir Jackson. Saan siya? Sabay kaming napatingin sa langit ng may pumutok sa langit. Namangha kami sa fireworks, ang kukulay!
“Omg! It's beautiful!” Wika ni Tamara habang kinuhuaan ng video ang nangyayari sa langit.
Natigil ang panonood ko sa fireworks ng may kumalabit sa akin. Nilingon ko kung sino iyon.
“S-sir Jackson,” nauutal kong sambit.
“Wear this,” binigay niya sa akin ang paperbag.
Wala sa sariling kinuha ko iyon at tinignan. Kulay itim na oversized shirt.
“Huwag na po. Nakakahiya naman, ayos lang po ako,” inabot ko iyon sa kanya pero hindi niya iyon tinanggap.
Tinuro niya ang CR malapit sa amin.
“Mag-bihis kana doon,” seryoso niyang sabi.
Hindi ko parin maiwasan na 'di mamangha kapag wala siyang salamin! Napakagwapo niyang nilalang sa aking paningin. Napabugtong hininga ako at sinunod na lang ang sinabi niya. Nagbihis kaagad ako at inayos na rin ang sarili sa harap ng salamin.
Ngumiti ako sa harap ng salamin ng matapos akong maglagay ng lipstick. Tumalikod na rin ako para tignan ang pang-upo ko kung madumi ba o hindi. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng makita ang nakalagay sa likod ng damit.
‘A D I A G O’
Damit niya 'to!? Akala ko nabili niya lang 'to sa tianggehan! Bumilis ang t***k ng puso ko dahil do'n. Umabot pa ng ilang segundo bago ako makalabas sa CR dahil pinakalma ko pa ang sarili ko.
Pagkalabas ko sa CR naabutan ko si Sir Jackson na naghihintay sa labas. Napakaguwapo niya sa sout nitong police attire. Nilapitan ko siya para magpasalamat.
“Salamat,” mahina kong wika.
“Welcome, it looks good on you,” tugon nito.
Nanginit ang pisngi ko sa sinabi nito. Lalo akong naiinlove sa 'yo!
“S-salamat,” nauutal kong sabi.
Tinalikuran niya ako at nauna ng maglakad. Mabilis akong naglakad para masundan siya.
“T-teka…” pag-pigil ko.
“What?” Tanong nito pagkaharap sa akin.
“Gusto ko lang humingi ng tawad. Hindi ko alam na allergic ka sa s-strawberry, hindi ko talaga s-sinadya 'yon—”
“I'm fine and… hindi ko lang alam kung bakit ka umalis sa bahay, I read your letter. Hanggang
ngayon naghahanap parin ako ng bagong katulong sa bahay,” pagputol niya sa sinabi ko.
Natigilan ako sa sinabi nito. Naghahanap siya ng bagong katulong at hanggang ngayon 'di parin siya nakakahanap! Akala ko hindi na niya kailangan mag hanap ng trabaho.
“S-sorry po talaga,” yumuko ako at tumakbo papunta sa pwesto ni Shena.
“Tara na, inaantok na ako,” pag-aya ko sa kanya.
Hinarap niya ako at binigay sa akin ang beer na nasa lata. Nanlaki ang mata ko dahil doon. Tinignan ko siya, namumula na ang kanyang mukha at ang mata niya ay mapupungay.
“T-teka, Shena! Bakit ka umiinom?” naguguluhan kong tanong.
“Minsan lang naman. Inom kana!”
Tinanggap ko 'yon at tinignan ang hawak ko. Tumingin ulit ako sa kanya at para bang hinihintay ang pag-inom ko. Kahit ayaw ko ay ininom ko na rin iyon, napangiwi pa ako dahil sa lasa.
“Ang panget ng lasa!”
Humalakhak si Shena at napailing. Si Tamara ay namumula na rin, ako naman ay pasimple ko iyong tinapon sa basurahan. Nanlaki pa ang mata ko ng makita iyon ni Sir Jackson. Binalewala ko iyon at tinuon ang pansin sa mga taong nagkakasiyahan.
Sumali kami sa sayaw nila at sobrang saya! Akala ko ay aabot kami hanggang alas dose pero hindi. Umabot kami hanggang alas tres ng madaling araw buti na lang at hinatid kami ni Teumix at Sir Jackson kung saan nakatira si Shena.
Si Tionix naman ay hindi na sumama dahil may gagawin pa ito. Ang araw na iyon at pinakamasayang araw para sa akin. Sana at maulit iyon pero kasama na ang kapatid ko.
“OKAY ka lang ba?” Tanong ko kay Shena.
Umubo ito ng tatlong beses bago siya humarap sa akin. Nag-alala ako dahil sa kanya.
“Ayos lang a-ako,” muli siyang inubo.
Tinalikuran ko siya at nagtungo sa locker room para kumuha ng face mask. Pagbalik ko sa kanya, mabilis kong sinout sa kanya ang face mask.
“Dapat hindi ka na lang pumasok,” salita ko at kumuha ng maligamgam na tubig para sa kanya.
Umiling siya at naupo sa upuan.
“Kaya ko pa naman. Buti nga at naisipan ng amo natin na buksan ito, kawawa tayo kapag tuluyang nagsara 'to.”
Nanatili akong tulala sa kanya at naupo sa mono block. Makalipas ng dalawang araw noong dumalo kami ng sa Fiesta, nagbukas na itong coffee shop. Nagtaka nga ako kung bakit wala rito si Teumix.
“Kapag nahihilo ka uminom ka kaagad ng gamot. Ako na lang gagawa ng kape,” tugon ko.
Tumango siya at inasikaso ang costumer. Dinumog kaagad kami ng mga tao, walang nagawa si Shena kundi tulungan ako sa pag-gawa ng kape. Ang isa naming kasamahan ay abala sa lag seserve.
“Lucy tawag ka ng amo natin. Punta ka raw sa office niya,” salubong sa akin ng isa kong kasamahan.
“Bakit daw?” tanong ko.
Nagkibit balikat ito. “Malay ko sa kanya, ako na muna diyan sa ginagawa mo.”
Kinuha niya sa akin ang hawak ko. Nagkatinginan kami ni Shena, umiling siya. Parang sinasabi na huwag ako pumunta. Ningitian ko lang siya at naglakad papunta sa office ng amo namin.
Huminga ako ng malalim bago kumatok. Pagkatok ko ng limang beses bumukas ang pintuan, sumalubong sa akin ang seryosong histura ng amo namin.
“Pasok.”
Pumasok ako at sinarado ang pintuan. Naupo ako sa upuan at tinignan siya, nakaupo ito sa swivel chair at tinitignan ako simula ulo hanggang paa. Napalunok ako at nagsimulang mamawis ang aking palad.
“Bakit niyo po ako p-pinatawag?” nauutal kong tanong.
“Kaya ko pinasara coffee shop dahil sa 'yo. Kita ko pulis sa loob coffee shop ko, alam ko dahil 'yon sa 'yo,” seryoso niyang sabi sa akin.
“P-po?”
“Huwag ka uutal!—”
Pareho kami natagilan ng makarinig kami ng malakas na ingay sa labas ng kanyang office. Tumayo ako at lalabas para tignan ng bigla akong pigilan ng amo ko.
“Ikaw dito lang! Wala aalis!” singhal nito sa akin.
“N-no! Lalabas na ako,” nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa akin.
“Hindi, nandito na sila dahil sa 'yo! Ikaw talaga malas!” Nangangalaiti nitong wika.
Bigla niya akong tinulak papunta sa kanyang table. Tumama ang likod ko sa kanto ng kanyang lamesa. Napangiwi ako sa sakit. Kinabahan ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Sa tuwing umaatras ako siya naman ang paglapit niya. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nagsimulang manginig ang kamay ko ng macorner niya ako.
“Ikaw wala takas sa 'kin,” nakangisi nitong sabi, hinagod niya ng tingin ang katawa ko. “Ikaw taba pero ganda,” unti-unting niya nilapit ang mukha nito sa akin.
Napapikit ako at kusang tumulo ang luha ko sa takot. Nakarinig ulit ako ng malakas na ingay sa labas, doble 'yon kumapara sa nauna. Malakas ko siyang tinulak at tumakbo papunta sa pintuan, pinihit ko ang seradura ng pintuan pero hindi ko mabuksan. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila at hiniga sa mahaba niyang sofa.
“Wala ka takas sa akin,” humalakhak siya at yumuko.
“H-huwag… parang awa mo na,” umiiyak kong tugon.
Nagflashback sa aking isipan ang ala-alaang binaon ko na sa limot. Walang tigil sa pag tulo ang aking luha, sa pangalawang pagkakataon tinulak ko siya ng buong lakas.
“Tama na!” malakas kong sigaw.
Bumagsak siya sa sahig habang sapo sapo ang kanyang tagiliran. Tumalim ang tingin niya sa akin at mabilis na nagtungo sa aking pwesto.
Napahiyaw ako ng bigla niyang hinablot ang buhok ko. Para matatanggal ang anit ko sa pagkakahawak niya! Lalake siya at mas malakas sila kaysa sa babae.
“Ako talaga inis mo!”
Nanghina ang katawan ko ng malakas niyang sinuntok ang sikmura ko. Bumagsak ako sa sahig at napahawak sa aking tiyan. Parang nahiwalay ng biglaan ang kaluluwa ko sa aking katawan. Napaubo pa ako dahil sa sakit.
Nagpumiglas ako ng bigla siyang pumatong sa akin. Hawak niya ang dalawa kong kamay at nilagay sa akin uluhan. Hindi ako papayag na mauulit ito. Hindi. Pumikit ako at hinayaang mahulog ang luha ko.
“Tulong!”
“Huwag kang sisigaw!” singhal nito sa akin at malakas akong sinampal.
Namanhid ang kaliwang pisngi ko. Nalasahan ko pa ang sarili kong dugo dahil sa pagkakasampal sa 'kin. Tumaas ang gilid ng kanyang labi at unti unting tinanggal ang pagkabutones sa aking damit.
“Huwag… p-please,” humihikbi kong wika.
Hindi niya natanggal ang huling butones ng biglang may sumira sa pintuan. Napaupo ako at niyakap ang aking sarili habang umiiyak.
Umangat ang tingin ko ng makita kung sino ang taong nagligtas sa akin. Napaawang ang bibig ko dahil doon.
“Sir J-jackson,” mahina kong wika.
May hawak itong baril at nakatutok iyon sa amo namin habang pinoposasan. May sout silang bulletproof. Tumingin siya sa akin at lumapit.
“Are you okay?” seryoso nitong tanong.
Dahan-dahan akong tumango at pinunasan ang luhang tumulo.
“Maraming s-salamat,” umiiyak kong sabi.
“Ayusin mo muna 'yang butones ng damit mo,” walang emosyon ang kanyang mukha.
Natauhan ako sa sinabi nito. Mabilis pa sa alas kwatro na binutones ko ang damit ko at dahan-dahang tumayo habang hawak ang tyan ko. Pagkalabas namin sa office ng amo namin sobrang gulo ng coffee shop. Maraming pulis, alam ko na… kaya pala nag mamasid si Teumix dahil huhulihin nila ang amo namin.
Lumapit sa amin si Teumix. “Clear na. Wala ng iba sa loob.”
Tumango si Sir Jackson at tumingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin at tinago ang pamumula na aking pisngi. Napatingin ako sa amo namin na nagwawala habang dinadala ng kasamahan nila Sir Jackson papasok sa loob ng police car.
“No! Wala ako kasalanan! Tatawag ako lawyer ko, hindi ako kulong!” malakas nitong wika.
Napayuko na lang ako at napahilot sa aking noo, nanlaki ang mata ko ng maalala ko si Shena. Hinarap ko si Teumix.
“Nasaan si Shena?” Nagaalala kong tanong.
“Sinugod namin sa hospital. Mataas ang lagnat niya nung nakita namin siyang walang malay kanina sa lapag. Bibisitahin siya mamaya ni Tamara,” sagot niya sa aking tanong.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
“The operation is now done,” seryosong wika ni Sir Jackson.
Nilingon niya ako at hinila papasok sa police car ni Teumix. Naupo ako sa backseat habang siya ay sa shotgun seat. May dumating na ibang pulis sa pinanggalingan, may gagawin yata sila sa loob.
“Lucy,” pagkuha ni Sir Jackson sa aking atensyon.
“B-bakit?”
“Simula ngayon sa bahay kana mag tatrabaho.”
H-huh?