ITONG araw ang pinaka-nakakabagot sa lahat. Hindi namin alam kung bakit pinasara ng amo namin ang cafe na pinagtatrabahuan namin. Pero bubuksan naman daw iyon sa susunod na araw si Shena nag sabi sa akin.
“Anong gagawin natin ngayon?” nababagot na tanong ni Shena.
Umupo siya sa sofa habang yakap yakap ang walis tambo. Ako naman ay tahimik lang na nagkakape at pinagmamasdan siya.
“Magpahinga na lang tayo. Buong araw din tayong nakatayo kapag nagtatrabaho sa cafe,” tugon ko at kinuha sa kanya ang walis tambo.
“Akin na 'yan at ako naman mag-wawalis. Magpahinga ka na lang muna.”
Tinapos ko kaagad ang pagwawalis para tulungan siya sa ibang gawaing bahay. Naupo ako saglit sa sofa ng makaramdam ako ng pagod, ang hirap talaga kapag sobrang taba!
“Hindi parin ba sinasagot ng kapatid mo yung tawag mo?” tanong ni Shena.
Tumango ako at dumapo ang tingin ko sa cellphone kong nakapatong sa lamesa. Sinubukan ko silang tawagan pero cannot be reach ang naririnig ko.
“Subukan mo ulit. Mahina ba talaga signal sa kanila?”
“Hindi. Maayos naman yung signal doon, eh,” tugon ko at kinuha ang cellphone.
Dinail ko ang phone number ni Lyia pagkatapos ay nilapat ko ang cellphone sa aking tenga at hinintay ang respond nito.
Bahagya pa akong nagulat ng sinagot ni Lyia ang tawag pero hindi ito nag salita.
“Lyia?”
Pagtawag ko. Nagkatinginan kami ni Shena at bumulong sa kanya na hindi nagsasalita si Lyia sa kabilang linya.
“Lyia? Hello.”
“A-ate.”
Ngumiti ako ng marinig ko ang kanyang boses. Pero napawi lang din ng mapansin ang tono ng kanyang boses.
“Okay ka lang ba? Kumusta kana. May sakit kaba. Parang matamlay ka ngayon” nag-aalala kong wika.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagkatinginan kami ni Shena. Alam kong may mali. Narinig ko ang pag tikhim nito ng ilang beses bago mag salita.
“Okay lang kami rito ni Lumina. Huwag mo na kaming intindihin—bakit ka umalis!? Wala akong sinabi na umalis ka!—bitawan mo ko!”
Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Tiyo sa kabilang linya pagkatapos ay sunod sunod na pag-ubo ni Lyia ang narinig ko.
“T-teka! Tiyo! Lyia!”
Mabilis ang t***k ng puso ko at maraming senaryo na pumapasok sa aking utak. Simula una alam ko talaga may mali!
“Anong nangyari, Lucy?” tanong sa akin ni Shena.
Napaupo ako at napahilamos na lang sa aking mukha. Hindi puwede. Sana a-ayos lang sila.
“Si t-tiyo—a-ano… alam ko may mali na talaga—b-basta,” hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko.
Huminga ako ng malalim at tumayo. Nilingon ko siya at ningitian. Alam kong nag-aalala rin siya dahil kitang kita ko ang naging reaksyon nito.
“Papasok muna ako sa kwarto ko. Huwag kang mag-aalala ayos lang ako,” salita ko at tinalikuran siya.
Pagkadating ko sa aking silid. Sinara ko iyon at doon tumulo ang pinipigilan kong luha. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko, natatakot ako.
Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking bibig. Naglakad ako papunta sa nakalatag na foam sa sahig at doon nahiga. Pinatong ko ang kamay ko sa aking noo at ang dalawa kong kapatid ang pumasok sa aking isipan.
Sana okay kayo. Sana hindi totoo ang kutob ko.
Pinikit ko ang aking mata. “Sana…”
NAGISING ako dahil sa pagkatok ni Shena sa pintuan ng aking kwarto. Bumangon ako at binuksan ang pintuan.
“Shena, anong kailangan mo?” tanong ko habang kinukusot ang aking mata.
Binalingan ko ng tingin ang wall clock sa aking kwarto. Nanlaki ang mata ko ng makitang ala sais na ng gabi, t-teka napahaba yata ang tulog ko.
“A-ala sais na? Ang haba ng tulog ko,” bulong ko sa aking sarili.
“Oo! Napahaba nga yung tulog mo,” natatawa niyang sambit. Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit. “Ang lambot mo!”
Natawa ako sa ginawa niya at niyakap pabalik.
“Bakit ka pala nandito?”
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at umatras konti.
“Pupunta tayo sa plaza ngayon. May fiesta kasi roon! Bibisita rin tayo sa bahay ng kaibigan ko. Tumawag kasi sila sa akin na bumisita ako roon, nako! Maraming handa roon kaya mag-bihis kana,” excited niyang sabi.
“O-oo,” tugon ko at tinalikuran siya.
Sinarado ko ang pintuan para mag bihis. Aalis na naman kami, siya ang gala sa aming dalawa. Mahina akong natawa at napailing na lang.
Kumuha ako Blue Faded Jeans at White V-neck shirt. Simple lang iyon atsaka 'di ko naman kailangan na magsout ng magarbong damit. Pinaresan ko lang 'yon ng white sneakers pagkatapos ay inayos ko ang buhok ko at naglagay ng konting lipstick sa aking labi. Ngumiti ako sa harap ng salamin ng makita ko ang kabuuhan ko. Sinakbit ko sa aking balikat ang sling bag. Nilagay ko ang cellphone sa loob pati na rin ang wallet.
Lumabas na ako at nagtuno sa sala. Naabutan ko si Shena na nakaupo sa sala at may kinakausap. Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon.
“Oh Lucy! Tara na,” pag-aaya niya sa akin.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palabas ng kanyang apartment. Tinignan ko ang kabuuhan nito. Nakasout siya ng High-Waisted pants at pinaresan ng Gray Halter Top. Bagay iyon sa kanya, kailan kaya ako makakasout ng ganyan. Hindi ko alam kung papayat pa ba ako.
Sumakay kami sa taxi at sinabi ni Shena kung saang plaza kami pupunta. Nanatili akong tahimik at pinagmamasdan ang naglalakihang building sa labas ng bintana ng taxi.
“Salamat Lucy. Maraming salamat.”
Napapikit ako ng marinig ko ang boses ni Shena sa aking isip. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako kung bakit ganoon umakto si Shena. Nilingon ko siya. Tahimik lang itong nagcecellphone, gusto ko ulit siyang tanungin tungkol doon. Pero mamaya na lang siguro yung kaming dalawa lang.
Nagulat ako ng bigla niya akong lingunin. Ngumiti siya sa akin at sumiksik sa akin.
“Picture tayo!” masaya niyang wika.
Tumango ako. “Sige.”
Inangat niya ang kanyang cellphone at nag picture kami. Pagkatapos n'on namayani ulit ang katahimikan hanggang sa makapunta kami sa plaza. Mag-kahawak kamay kami habang nag-lalakad. Punong-puno ng mga makukulay na design ang buong kalye, ang mga tao ay masayang sumasayaw.
“Safe ba rito? Baka kasi may snatcher dito,” nilibot ko ang tingin ko sa buong kapaligiran. Mga taong masayang nagsasayawan sa gitna ng daan. “Pero mukhang masaya sila.”
Tinawanan niya ako at tinapik ang aking balikat. “Huwag kang mag-aalala! May naka stand by na pulis dito. Balita ko ang popogi nila,” kinikilig pa siya habang sinasabi iyon.
“P-pulis?” nauutal kong tanong.
Tumango siya at napawi ang kanyang ngiti. "A-ah. Tara na naghihintay na sila."
Napapikit na lang ako. Ano bang pinagiisip mo, Lucy! Maraming pulis sa mundo hindi lang siya!
Umabot ng ilang minuto ang paglalakad namin hanggang sa makarating kami sa magarbong bahay. Dalawang palapag ang bahay. Pero ang bahay ni Sir Jackson ang pinakamalaking bahay na nakita ko, hindi ko nga alam kung bahay ba matatawag doon o mall.
“Tara pasok na tayo,” nilingon ako ni Shena at ngumiti.
“Okay ka lang?” tanong nito.
Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. “Oo, nahihiya lang ako.”
Humalakhak siya. “Nako, itago mo 'yang hiya mo kapag nandito ka.”
Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na kami sa loob ng bahay ng kanyang kaibigan. Bukas ang malaking gate pati na rin ang dalawang pintuan nito sa bahay.
Sumalubong sa akin ang amoy ng lechon baboy. Sa lahat ng puwedeng maamoy 'yon pa. Binitawan ni Shena ang kamay ko at nagtungo sa babaeng medyo malaman. Wala sa sariling napatingin ako sa malaking salamin na nasa gilid ko. Pareho kami.
“Shena Mae!”
“Tamara!”
Nagyakapan silang dalawa at nagpaikot ikot pa sa buong sala. Nanatili akong nakatayo at pinagmasdan sila. Napako ang tingin ko sa mga pagkain na nakalagay sa mahaba at malaking lamesa.
Nakatatakam!
“Tamara, kaibigan ko pala si Lucy. Lucy si Tamara,” pagpapakilala ni Shena.
Tumingin sa akin si Tamara at tinignan mula ulo hanggang paa. Nanlaki ang mata niya at niyakap ako ng mahigpit.
“Omg, Hi. . . Wow, you have a gorgeous voluptuous body!” pagpuri nito sa akin.
Nakaramdam ako ng dobleng hiya at pag-init ng aking pisngi. Nagkatinginan kami ni Shena.
“I'm Tamara. Welcome ka sa bahay namin! Ipapakilala kita sa dalawa kong kuya… actually kambal sila! Nako, matutuwa sila sa'yo kasi we have a same body type. Mukhang magiging bff tayong tatlo,” masaya niyang sabi.
Hinatak niya si Shena at nagyakapan kaming tatlo. Napaigik si Shena dahil nabigla ito.
“T-teka naiipit niyo 'ko,” daing nito.
Naghiwalay kaming tatlo at nagtawanan. Gusto ko ang personality ni Tamara, masayahin parang laging nakadikit sa kanya ang goodvibes.
“Anyways! Maupo muna kayo diyan sa couch. Tatawagan ko lang si Daddy, nasa baranggay hall pa kasi siya,” sabi nito at kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang ama.
Naupo kami sa couch at nilibot ang buong bahay. Nakakarelax ang kulay ng bahay nila, kulay puti at itim. Sa kisame ay may malaking chandelier, pati rin sa dining area kung saan doon nakalagay ang mga pagkain.
“Okay ka lang?” Biglang tanong ni Shena.
Nilingon ko siya at ngumiti. “Oo naman.”
Masayang kasama si Tamara. Mas lalong masaya kasama kapag silang dalawa.
Ngayon kaming dalawa na lang ni Shena sa sala. Ito na yata ang tamang oras para magtanong.
“Shena…”
“Hmm?” tumingin siya sa akin ng nakangiti.
“Tungkol pala noong nakaraang araw. N-naguguluhan kasi ako kung bakit ganoon ang reaksyon mo. Gusto ko sanang malaman,” tanong ko habang nakatingin sa kanyang mata.
Napawi ang ngiti nito. Napalunok ako dahil doon.
“P-pasensya kana. Hindi ako nag iingat sa tanong ko—”
“Gusto mo talagang malaman?” Seryoso niyang tanong.
Bigla akong kinabahan sa tanong nito. Bumilis ang t***k ng puso ko, parang hindi maganda 'to. Dahan-dahan akong tumango. Napabugtong hininga siya at umusog papalapit sa akin.
“Ni-rape niya 'ko,” mahina nitong sabi pero sapat na iyon para marinig ko.
Nanlamig ang katawan ko sa sinabi nito. Dumoble ang pagbilis ng t***k ng puso ko at parang nabingi. Natulala ako sa kanya. Nagsimulang mangilid ang luha nito.
“H-hindi ko magawang mag-sumbong sa pulis, Lucy. Hawak niya ang p-pamilya ko sa probinsya at ganoon din sa ibang nagtatrabaho roon,” tuluyan ng tumulo ang kanyang luha at nauwi sa mahinang hagulhol. “Wala kaming magawa kasi mapera siya. . .”
“S-shena…” nanghihina kong wika.
Kinalma ko ang sarili ko. Ang alaala na naman na kinalimutan ko, bumabalik ulit siya sa akin. Kailangan ako ngayon ni Shena hindi ako puwedeng magpatalo sa nakaraan ko.
“Kaya ako nag aalala sa iyo noong pagkalabas mo sa office niya. Lahat tayo ay nakakulong na roon sa Cafe niya! Wala tayong takas,” kwento niya habang walang tigil sa pag tulo ang kanyang luha.
Niyakap ko siya ng mahigpit at pinigilan na huwag tumulo ang aking luha.
“Paano mo n-nalaman?” nauutal kong tanong.
“Matagal na. Akala ko hindi na ako makakaalis do'n sa impyerno na Cafe… buti na lang at dumating ka,” salita nito at muling umiyak.
“Gusto na naming umalis pero hawak niya ang mga pamilya namin, alam niya kung nasaan tayo. At malalaman niya kung magsusumbong tayo sa pulis,” pagpapatuloy nito.
Wala akong masabi. Nakakabigla, ang nagawa ko lang ay mahina kong tinatapik ang aking kamay sa kanyang likod para kumalma siya kahit papaano.
“Masama siyang tao, Lucy. Sobrang sama… kung alam mo lang,” mahina nitong sambit.
“Huwag kang mag-alaala. Matutulungan tayo ni Teumix, sasabihin ko ang lahat ng sinabi mo sa akin sa kanya,” pag-papagaan ko sa kanyang loob.
Tumango siya at kinalma ang kanyang sarili. Umabot ng kami ng ilang minuto sa pag ayos ng aming sa sarili.
“Hello! Sorry kung natagalan ako,” salubong sa amin ni Tamara.
“Okay lang,” salita ko at ningitian siya.
Binalingan ko ng tingin si Shena sa aking gilid. Ningitian niya ako pero hindi iyon abot sa kanyang tenga.
“Let's go. Nandito na si daddy, busy kasi siya sa baranggay hall and sa fiesta na rin. Mag-eenjoy kayo rito I swear,” masaya niyang sambit.
Sinundan niya lang kami hanggang sa makarating kami sa dining hall. Isang lalake ang nakaupo sa harap ng hapagkainan, siguro ay nasa mga middle age ito. May kausap itong dalawang lalake.
“Daddy! Shena is here with her new friend,” wika nito sa kanyang ama.
Napalingon sa amin ang ama ni Tamara. Ngumiti lang kaming dalawa ni Shena.
“Mabait si daddy don't worry,” bulong ni Tamara.
“'Di ba Shena?” tanong nito sa kanya.
Ngumiti si Shena at tumango. “Of course,” nilingon ako nito. “Mabait si tito, huwag kang mag-alala.”
Hinila ni Tamara ang kamay naming dalawa at pumunta sa pwesto ng kanyang ama.
“Hello po,” pagbati ko.
“Hello po tito,” bati ni Shena.
Ngumiti sa amin ang ama ni Tamara. “Hello sainyo. Welcome sa bahay namin, kung nagugutom kayo huwag kayong mahihiyang kumuha ng pagkain.”
“Salamat po,” sabay naming sabi ni Shena.
“Daddy nasaan sila kuya?” Tanong ni Tamara.
“Papunta na siguro sila rito.”
Tumango tango si Tamara. “Okay—oh, nandito na sila,” nakangiting sambit ni Tamara.
Sabay kaming napalingon sa likod namin para tignan ang kapatid nito. Nanlaki ang mata ko ng makita kong naglalakad papunta sa aming pwesto si Teumix! K-kapatid niya si Teumix!
Sumunod niyon ang isa pang Teumix. M-magkamukha talaga sila.
“Where's your friend Kuya Teumix?”
“Papasok na 'yon dito. May kinuha lang siya sa kotse niya.” Tugon nito.
Mukhang hindi kami pinansin. Nasa gilid nito ang kanyang kakambal na tahimik lang sa isang tabi.
“Hi Kuya Tionix. I missed you,” yumakap si Tamara sa kanyang kuya.
Napangiti ako dahil doon. Hindi ko maiwasan na hindi mamiss ang dalawa kong kapatid. Huminga ako ng malalim, nagsisimula na namang mangilid ang luha ko.
“Kuya Jackson!” sigaw nito.
Napatingin ako sa kanya dahil sa sigaw nito. Parang nag slow motion ang lahat, paglingon ko sa malaking pintuan ng bahay nila Tamara doon nag tagpo ang aming mata. Siya talaga, hindi ako nag-kakamali.
“Lucy?”